12 - Anonymous

1 0 0
                                    

Someone's POV

Nagpupuyos sa galit na ibinato ko ang telepono sa pader. Mga walang kwenta!

"Arnold, wag kayong titigil hangga't hindi nyo sya nakikita!" madiing utos ko sakanya.

"Yes boss." tumungo lang sya at umalis.

Napasapo ako sa sentido ko dahil sa pagod. Ilang araw ko syang pinapahanap pero wala paring balita. Kinuha ko ang isang telepono ko at tumawag sa taong alam kong makakatulong sakin.

"Anton, kailangan ko ang tulong mo." bungad ko sakanya.

"Ano yun?" sinabi ko ang kailangan ko, hindi sya umimik kaya nagsalita ulit ako.

"Ano? Matutulungan mo ba ako?" napipikong tanong ko.

"Marami pa akong ginagawa ngayon pero wag ka mag-alala, uutusan ko ang mga tauhan kong hanapin sya." napabuntong hininga ako.

"Sige salamat." pinatay ko ang tawag tsaka naman ang paglagabag ng pinto ng library ko.

"Nakita na?" umiling lang ako sakanya.

"Ilang araw na, wala parin balita? T*ngina saan ba nagsusuot ang batang yun!" gigil na sabi nya. Umiling lang ako.

"Kung ayaw nilang magpahanap pwes ako ang hahanap." galit syang lumabas ng  library ko.

Kinontak ko lahat ng pwede kong kontakin. Ilang private investagator na rin ang inutusan ko. Tignan ko lang kung di pa sya makikita.

"Magtutuos din tayo."

***

Amaya's POV

Sumandal ako sa balikat ni Red. Nandito kami sa terrace ng kwarto at nagpapahangin.

"Kamusta na kaya si Jaren?" si Jaren ay kambal na kapatid ni Jared.

"Siguro naman maayos lang sila ng mama mo." umakbay sya sakin at humalik sa noo.

"Sana nga ibon." kinagat ko sya sa leeg.

"Araaay!" napangiwi nalang sya sa sakit.

"Hindi ako ibon. Malayo ang ibon sa Amaya." inirapan ko sya.

"Pero malapit ang Maya sa ibon." natatawang sabi nya. Niyakap ko nalang sya ng mahigpit.

"Magiging maayos pa kaya ang lahat?" nakakalungkot, kailan kaya matatapos to? Kailan kaya aayos ang buhay ko? Ang buhay namin.

"Ewan ko. Maghintay nalang tayo. Hindi naman nila tayo papabayaan eh." tumango lang ako sa sinabi nya. May tiwala naman ako kela tatay at nanay eh.

"Guys." napalingon kami kay Amara at Sydney na parang natataranta. Nahagip ng mata ko ang paglabas ng isang bulto sa pinto. Sino yun?

"Bakit? Anong problema?" binigay ni Amara sakin ang papel.

Sige lang, takbo. Magtago lang kayo. Pero sisiguraduhin kong hindi kayo makakatakas.

"Anonymous." kabadong sabi ni Sydney. Napakunot ang noo ko.

"Sino bang hinahabol sa inyo?" tanong ni Red, tumaas ng kamay si Sydney.

"Sorry nadama--" tinakpan ni Amara ang bibig nya.

"Manahimik ka bansa, kundi gagawin kitang yelo!" banta sakanya ni Amara. Kahit natatakpan alam kung nakangiwi na si Sydney.

"Bansa?" natatawang sabi ko. Ngumisi lang si Amara.

"Pwede ba Marang tigilan mo ko sa kakatawag ng bansa!" sikmat ni Sydney sakanya. Umasim naman ang mukha ni Amara.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" handa na si Amara na batuhin ng yelo si Sydney.

"Ayoko nga! Marang, Marang, Marang!" asar pa ni Sydney habang nagtatago sa likod namin.

Nanlalaki ang matang binato ni Amara ang yelo sa pwesto namin pero nahila agad ako ni Red. And nangyare, nag mukhang si goku si Sydney dahil nakataas ang buhok habang umuusok sa salamig.

"HAHAHAHAHA!"

****

- reinejeixx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon