7 - Dare

11 2 1
                                    

Amara's POV

Mabilis ang ginawa kong pagtakbo, kaya pag dating ko sa finish line, panghuli parin ako. Napasimangot ako.

"Pano ba yan, talo ka?" asar ni Andrei sakin. Bwisit na tinapik ko ang kamay nya.

"Edi ikaw na panalo!" gigil na sabi ko sakanya at pinagsusuntok ko sya sa braso.

"Aray naman! Ang pikon mo talaga!" umiwas sya sa suntok ko. Hinila ako ni Jarel sa bewang at pinapasok sa kotse.

"Para maiba, sa ibang lugar natin gawin." binatukan ko si Jarel.

"Hoy, alam ko yang iniisip mo!" singhal ko sakanya, natatawang yumakap sya sakin.

"Pagbigyan mo na ko, please?" umirap lang ako at hindi na umimik pa. Kalahating oras din ang lumipas bago kami nakahanap ng magandang lugar.

Mabilis kaming lumabas sa kotse para lang salubungin ng makakapal na alikabok at usok sa daan. Agad naman akong niyakap ni Jarel patago sa dibdib nya.

"Damn!" narinig ko pa ang pag-ubo ni Andrei.

"Tara dun tayo." pumunta kami sa may palengke.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang, napakaraming tao at nagsisiksikan pa. Napalunok ako at napatingin kay Andrei na may ngisi sa labi.

Oh god! Ayoko ng ngisi nya.

"Ready?" tanong nya sakin. Napakapit agad ako sa braso si Jarel.

"After nito, sapakin mo sya ha?" sabi ko sakanya. Nanlaki naman ang mata ni Andrei.

"Hoy walang ganyanan. Dare is a dare. Walang pikunan." natawa ako sa itsura nya.

"Oo na!" pasigaw ko sakanya. Humalukipkip sya at ngumiti ng malapad. Budoy!

"Okay, I dare you to buy some fresh fish." napatingin ako sa may bungad ng isdaan.

"Dare!" ngumisi ako, madali lang nama--

"Sa pinakadulo." nawala ang ngisi ko at napalitan ng kaba. Dali-dali ko syang pinagsisipa sa paa.

"Nakakainis ka talaga!" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Inirapan ko si Jarel na tumatawa lang.

"Bilis na!" bumuga ako ng hangin at sinamaan ng tingin ang supportive kong boyfriend.

"Goodluck babe." tatawa-tawa ka pa ha, humanda ka talaga sakin mamaya.

"Time is running, Amara." di ko na sila pinansin at nagsimulang lumapit sa magulo at siksikang mga tao. Nilingon ko muli ang pwesto nila Andrei, baka sakaling magbago ang isip nya pero hindi nangyare.

Pinilit kong makisiksik sa mga tao. Gusto kong umiyak at magwala. Para akong nasa can goods na hindi makagalaw at steady lang.

"Aw!" napadaing ako sa sakit ng masiko ang tagiliran ko. Shemz! Bahala na.

Nagsimula ko silang itulak. Magalit na sila kung magalit, wala akong pakealam. After so many years, nakarating ako sa dulo ng isdaan. Basta ko lang binigyan ng pera ang tindiro.

"Fresh fish." agad naman itong tumalima. Pagkatapos ay walang sali-salita na kinuha ko ang plastik na inabot nya at umalis.

"Miss sukli mo!" rinig ko pang pahabol nya.

"Sayo nalang manong!" ewan ko pero biglang natahimik ang buong paligid.

"Salamat! Balik ka ulit!" ayoko manong, last na to. Di na ko uulit.

Unti-unting kumurba ang ngiti sa labi ko ng bigyan nila ako ng daan palabas. Omg! thank goodness.

"DONE!"

I so hate this DARE.

***

A/N :

quinaLavin thanks for following me :* for you.

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon