CHAPTER 7

119 0 0
                                    

Sa bahay nila umuuwi ang mga bata after their dad’s burial. They wanted to be there for their mom. Sobrang nag woworry sila para dito. Minsan dumadalaw din sina Kevin at Sina Ivo sa kanila. They promised Kiko to look after Chesca, and they don’t want to break that promise.

Every day ater the burial, maagang umaalis si Chesca sa kanila, she visits him sa memorial park. Nag istay siya dun maghapon, iiyak lang siya, kakausapin si Francis, iiyak. Uuwi siya pag maggagabi na, then saka siya magkukulong sa kwarto nila. Iiyak siya then kakausapin niya si Francis, then iiyak ulit siya; ganun lang ang ginagawa niya every single day. Minsan pinapanood niyo lahat ng videos na ginawa ni Francis for her, tapos iiyakan niya lang din.

Minsan dinalaw siya ni Gianne. It was the first time her cousin visted her after na nawala si Francis.

G: kath, mommy mo?

Kath: tita, nasa room po. Hindi pa din po siya bumababa eh.

G: okay, aakyat na lang ako.

Kath: sige po… tita, (lumingon ulit si Gianne) hindi pa din po siya kumakain.

G: I’ll talk to her.

Kath: thanks tita.

Pagpasok ni Gianne sa kwarto ni Chesca, naabutan niya ito na inaayos ulit ang closet ni Francis. Naging hobby na niya yun after na mawala ito. She always make sure na nakaayos ang gamit nito. Hindi niya makuhang alisin yun. Gusto niya laging nakikita.

G: Franchesca, what are you doing with your life? You look like a mess! Nanalamin ka na ba? When was the last time you see yourself in the mirror?

Hindi siya nito pinansin, parang hindi siya nito naririnig.

G: bes, ano ka ba! Halika, tingnan mo yung sarili mo, and see it yourself. (pinapunta niya ito sa harap ng salamin) nakikita mo ba yung hitsura mo? Hindi ka daw kumakain… ni hindi mo kinakausap yung mga bata. Chesca naman, hindi lang ikaw yung nawalan okay. Nawalan din sila ng daddy, but they’re trying to be strong, for you. Do the same. Dapat nga ikaw yung kinukunan nila ng strength, pero anong ginagawa mo? Chesca, may mga anak ka pa. Wag mo naman silang pabayaan just because you lost him.

C: hindi ko alam bes.

G: anong hindi mo alam. Just be there for them, kausapin mo sila. Tulad mo, nalulungkot din sila sa nangyari, pero unlike you, they go on with their lives. Sana naman ikaw din.

C: I can’t. I told you hindi ko to kaya.

G: you can chesca. You’re a strong person. And do you think magiging masaya si Francis seeing you like that? Hindi… kase hindi naman niya ginusto na iwanan ka eh. For sure kung mabibigyan siya ng chance, ayaw niyang mangyari yun sayo. Bes, daddy lang nila yun nawala. Wag mo naman iparamdam sa kanila na pati ikaw nawala din.

C: but it’s killing me Gianne. Yung idea na wala na siya, hindi ko yun kaya.

G: kayanin mo, not for yourself, but for the kids. Look, nung kame ni Tom ang naghiwalay, hindi ko dinamay sa suffering ko yung mga bata. Coz I know I need to be there for them.

C: wag mo ikumpara yung nangyari sa inyo ni Tom sa nangyari samen ni Francis, magkaiba yun. Si tom, andiyan pa siya, anytime na gusto mo siyang kausapin, magagawa mo. Anytime na gusto mo siyang makita, mahawakan, possibleng mangyari yun, eh si Francis, bes kahet nga sa panaginip hinihiling ko na sana magkita kame eh. Kahet dun man lang makita ko siya, malapitan, makausap. Pero hindi eh…

G: ang ibig kong sabihin bes, hindi lang dapat dito umiikot yung mundo mo. May mga anak kayo naa kailangan din ng guidance galing sayo. Kelangan nila ngayon yung mommy nila. Hindi nila kelangan ng dagdag sa problema at sa sakit na nararamdaman nila. Halika na, bumaba ka na, para makakain. Wag mo naman pabayaan yung sarili mo. Tara na. kase magbibihis ka pa, padating na sina Kevin, sabay sabay tayong pupunta kay Francis ngayon.

FRANCIS and CHESCA - ETERNAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon