Chapter 1

3.3K 247 148
                                    

CASSANDRA'S POV

"Cassandra, nandyan na naman sa labas yung stalker mo."

"Sino?"

"Yung Rosalita ba 'yon? Basta 'yong naninira sa 'yo no'ng nakaraan sa school's community website."

Napasalip ako sa likuran ng kaklase kong si Mina, ang class president ng aming klase. Doon ay nakita ko na namang nakikipagpilitan 'yong Rosalita Bragung sa pagpasok sa aming classroom. Pero dahil alam ng mga kaklase ko ang issue nito sa akin, hinaharangan nila siya at hindi hinahayaang makapasok.

"Please! Sandali lang. Kakausapin ko lang si Mendez. Sandali lang talaga. Please..." ngumangawa nang sambit no'ng Rosalita.

Muli akong napatingin kay Mina.

"Bayaan n'yo siya. Una na ako, ah? Naipasa ko naman na ang activity ko," sabi ko at saka tumayo na. Doon ako sa kabilang pinto dumaan para hindi ako makipagsiksikan sa kabila lalo na't panigurado akong hahabulin na naman ako no'ng babaeng iyon.

Ngunit mabilis yata ang kaniyang mga mata kaya nakita niya agad akong lumabas sa kabilang pinto at saka kumaripas nang takbo papalapit sa akin.

Hinawakan niya ako nang mahigpit at marahas sa aking braso dahilan para mainis ako.

"Ano ba!?" Bulyaw ko na halos nag-echo na sa buong corridor. Nagsitinginan na tuloy sa amin ang ibang mga estudyante.

"Cassandra, hear me out, please. Please, pakiurong ang expulsion ko."

Inaalog-alog niya ako na para bang close kami. Kung makahawak, akala mo, may inambag na sa pagkatao ko!

Lumuhod 'yong Rosalita sa harapan ko at saka pinagdikit ang kaniyang mga palad. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para talikuran siya nang bitiwan niya ako. Ngunit mabilis na pumulupot ang mga kamay niya sa aking paa dahilan para muntikan na akong matalisod.

"What do you want!?" Bulyaw ko ulit dahil masyado na siyang nananakit.

"Pakiurong 'yong expulsion ko, please. Give me another chance. Kailangan kong maka-graduate sa school na 'to. 'Eto na lang ang pag-asa namin ng pamilya ko. " Humahagulgol na sa iyak ang babaeng nasa harapan ko.

Kung ang tingin ng lahat ng mga tao sa paligid ko ay kaawa-awa siya, para sa akin ay peke lang ang ipinapakita niya sa harapan naming lahat. For what? For sympathy, of course.

Matalim lamang akong tumingin sa kaniya, hindi nagpapakita ng anomang awa.

"Sana, 'di ba? Noong una pa lang, naisip mo na kung bakit ka nasa eskwelahan na ito? Imbis na pag-igihan mo ang pag-aaral mo at bigyan ng delikadesa ang scholarship na binigay sa 'yo, ako pa talaga ang napili mong pag-trip-an?"

Few weeks ago, ilang beses na akong nakatatanggap ng death threats at mga paninirang posts and photos lalo na sa aming school's community website. Hindi ko iyon pinansin noong una pero mas lalo lamang lumala hanggang sa abutin na nang halos isang buwan. That's when my friend, Mia, volunteered to help me. She have many connections with detectives. Tinulungan nila akong ma-tract kung sino ang nagpo-post at upload ng mga masasakit na bagay tungkol sa akin sa halos lahat ng social media platforms.

But we only find out that it's Rosalita, the mastermind behind defamations about me, when her bestfriend confessed to us. Ilang beses na raw siya nito pinatitigil sa ginagawang paninira sa akin ngunit hindi ito kailanman nakinig dito.

"As a good friend, I should not tolerate her sins, right? Kahit na magmukha na akong masama sa mga mata niya after nito." Eto ang huling sinambit sa akin ng bestfriend ni Rosalita. Sinabi nito sa akin ang lahat, mula sa kung paanong nagkaroon ng galit sa akin si Rosa hanggang sa maging anonymous stalker ko siya.

Meet The BITCH (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon