Chapter 5

1K 175 56
                                    

CASSANDRA's POV

Nahinto ako sa paglalakad sa tapat ng aming classroom nang makita sa malayo ang nagkukumpulang estudyante. Tinanggal ko ang shades na suot at isinabit ito sa gitna ng aking kwelyo. My eyes narrowed to clearly see the bunch of students. I am not even surprised to see that new guy at the center. And I shouldn't be confused. Dapat.

Kahit saan mapunta 'yong lalaking iyon, hindi mawawala ang kumpulan ng mga estudyante. It's been a week. Ano ba ang mayro'n sa kaniya at bakit hanggang ngayon ay humaling na humaling pa rin ang mga taong ito sa kaniya?

Pumasok na ako sa loob at saka naupo na lamang. Iniisip ko pa lang na makakasama ko na naman siya sa klaseng ito, naiimbyerna na agad ako. I lost my peaceful student life because of him! People ignores my existence when he's there! These students are losing their minds wherever he is!

Every subjects ay hindi nawala sa pandinig ko ang pangalan niya. He even stealing my spot kapag sasagot sa klase! Kesyo bago raw siya and these Professors wanted to learn how he answer, he needs extra points daw since late na siyang nakapasok, and a lot of excuses they made only to make their students energized.

Sa tuwing sasagot kasi itong Nathaniel Rivera, our classmates would also want to answer! Pero kapag ako...

"Anyone have additional ideas or answers aside from Ms. Mendez's" Tanong ng aming prof matapos kong makasagot at maupo. I roamed my eyes, observing my classmates. No one wants to answer! Or even add other perceptions, idea, or comments aside from my answer! Hindi tulad kapag 'yong Nathaniel ang sumasagot!

Nakabusangot akong naupo at napa-decuatro. I roughly sipped from my mango shake.

"Cassandra, what's the problem?" Bungad na tanong ni Lal nang makarating sila ni Mia sa meeting spot namin sa circle. Ibinaba nila ang kanilang mga gamit at ipinatong iyon sa lamesa at saka naupo sa harapan namin ni Alex.

"Where's Alex?" Pahabol na tanong ni Lal nang hindi ko siya sinagot agad sa unang tanong niya.

"Inutusan kong bumili ng inumin natin. Nag-chat kasi siya sa akin kanina," sagot ni Mia.

Hindi ko rin napansin na wala pala si Alex sa tabi ko. My mind is clouded kaya hindi ko na napapansin ang nangyayari sa paligid ko.

"Bakit na naman ba nakabusangot ka, Cassandra?" Tanong na rin ni Mia. "Nakakakaba kaya kapag ganiyan hitsura mo."

"What's with my face, huh?" Pataray kong tanong kay Mia na siyang ikinangiwi niya.

"Hi, girls! I have your drinks na!" Bungad ni Alex at saka ni-distribute isa-isa ang dala-dala niyang inumin.

Nang mapansin na iba ang cup ni Alex compared sa aming tatlo, pinagmasdan ko iyon hanggang sa inumin niya. Nang makita kong may usok mula ro'n ay napangiwi ako at saka humarap nang maayos sa kaniya.

"Seriously, Alex? Pang-ilang kape mo na iyan?" Nag-aalala kong tanong. "Puro kape na laman ng tyan mo!"

Maski ako na mahilig sa kape ay hindi makapaniwala sa kaniya. Oras-oras yata ay nagkakape siya. Ang palusot niya lang naman ay para raw hindi siya antukin sa klase katulad noong mga nakaraang araw.

"Aral na aral ka, beh, ah?" Pabirong sambit ni Mia matapos niyang uminom sa cold shake niya, marahil iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit kape nang kape si Alex. "Change of life ka na ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet The BITCH (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon