Chapter 2

1.9K 220 133
                                    

CASSANDRA'S POV

I was reading an art magazine nang maramdaman kong may tumititig sa akin. Nang iangat ko ang aking tingin ay nahuli ko si Alex na nakatulala sa akin.

"What?" Taka kong tanong sa kaniya. Nakapalumbaba siya habang halos permanente na niyang idikit ang kaniyang ballpen sa pisngi niya.

"Can you please help me?" She asked me with her puppy eyes. Without cutting her stares, she slid her book into me.

Ibinaba ko ang art magazine na binabasa ko at saka tinignan ang kaniyang libro. Binuhat ko iyon at saka tinignan.

Nang mabasa kung ano yung pinapagawa niya sa akin ay agad kong ibinalik iyon sa kaniya at saka muling kinuha ang magazine na binabasa ko kanina.

"Ayoko, tinatamad ako. Kay Mia mo ipagawa," tanggi ko at saka inilipat ng pahina ang binabasa ko.

"Urgh! Ano ba naman 'yan!" Daing niya. She tweaked her head dahil sa frustration. Tahimik akong natawa.

Trigonometry ang pinapagawa sa akin ni Alex. Hindi niya type at inaamin niyang mahina siya sa topic na iyon. Hindi naman sa gano'n din ako kaya ayaw ko siyang tulungan pero tinatamad talaga ako lalo na't tanghaling tapat. Mas lalong sasakit ulo ko sa bwisit na trigo na 'yan.

"I just went home. I'll be back immediately. Kukuhanin ko lang 'yong naiwan ko... Huh? Ah, oo. Sige, sige."

I heard Kuya Justin's voice who just entered in our house. Nasa garden kasi kami ni Alex ngayon, tumatambay habang hinihintay sina Lalaine at Mia.

I guess Kuya was from his School. Narinig ko kasi sa mga kasambahay namin na naiwan niya 'yong plates niya at babalik siya rito sa bahay para kuhanin iyon.

Muli akong bumalik sa pagbabasa.

Ilang araw ding wala rito sa bahay si Kuya. Busy siya masyado sa internship niya kaya doon na siya halos matulog sa pinapasukan niya ngayon.

"Nasaan si Cassandra?" I heard Kuya asked from one of our maids.

"Nasa labas po, ser. May bisita."

I flipped one of the magazine's pages. Nagpan-dequatro ako ng upo nang marinig ko ang yapak ng kaniyang mga paa.

"You never listen to me," bungad niya sa akin nang makarating siya sa aking puwesto.

Hindi ako tuminag sa aking puwesto. Tinignan ko lang siya.

"What?"

"What what? Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Give me your car keys," utos niya. Pero hindi ako nakinig at muling bumalik sa pagbabasa.

Binalewala ko siya at saka isinuot na lamang ang earphones ko kahit na wala namang tunog iyon.

Dinig na dinig ko ang mga pangaral sa akin ni Kuya. Hindi ko na lang pinapansin iyon at nagkukunwaring hindi ko siya naririnig. Napadako naman ang tingin ko kay Alex na ngayon ay seryoso nang nakatutok sa kaniyang libro at kunwari ay nagsasagot nang maayos.

Napakunot ang aking noo.

Bahagya akong nagitla nang biglang tanggalin ni Kuya ang isang pares ko ng earphone sa kaliwang tainga.

"Ano!?" Inis kong daing sa kaniya. "Ayoko sabi, e."

Narinig ko naman ang pag-ring ng doorbell namin sa front gate. Malayo pa lang ay dinig ko na ang maingay na bunganga ni Mia.

Padabog akong tumayo at saka humarap sa kaniya.

"Can't you trust me for this one? I can handle myself, okay? At saka, may mga bisita ako. Ayaw ko sanang ma-badtrip po ano kapipilit mong bawiin ang car keys ko," sarkastiko kong sabi sa kaniya.

Meet The BITCH (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon