Chapter 3

1.3K 203 79
                                    

CASSANDRA'S POV

There are ways to make everyone jealous of you: the first one, make most of the people love you; second, be outstanding; and lastly, be different.

May iba't ibang uniqueness ang tao. Kaniya-kaniya na lang talaga tayo ng paraan para makita 'yon. Kaya nga lang, siguro 'yong iba tamad lang hanapin 'yon kaya wala silang magawa sa buhay nila kundi ang maging insecure sa iba. The worst? Siraan ka.

That is the primary reason kaya marami ang sumisingkit ang mga mata at ngumingiwi ang hitsura nila sa tuwing madaraanan nila ako. Unfortunately, they can't do anything about it.

"Cassandra, here's the new product na ie-endorse mo next month. Would you mind to read the details?"

Leo, a staff from the management, gave me the papers. Inabot ko iyon, saglit ko lang binasa at saka inilapag sa mesa. Muli akong napatingin sa salaming nasa harapan ko. Malapit nang matapos ang pagme-make-up sa akin.

I am not in a showbiz but I am an influencer. Model? Endorser? Ah, basta. I really don't take these stuffs seriously. Kumbaga libangan lang. I am in love with make-ups kaya noong may mag-alok sa akin na gawin akong ambassador ng isa sa mga paborito kong cosmetics company, hindi naman ako nag-atubiling tanggapin iyon. Doing this kind of sidelines, I get free products and of course, my modeling fee.

"I like their new theme," puri kong sambit kay Leo. "Vibe sa season ngayon."

Humilig si Leo sa dressing table na nasa harapan ko at mabilis na ipinaypay sa kaniyang mukha ang isa pang hawak na papel.

"Jusko. Daming dada ng team leader namin. Hay nako! Nakaka-stress! Oh, siya. Maiwan na kita d'yaan. Mag-ready ka na in five minutes."

Malapit nang matapos ang pag-aayos sa akin nang tumunog ang aking phone. When I checked it, it was Mia who's calling.

"Oh?" Bungad ko nang sagutin ko ang kaniyag tawag. "Busy ako, ano ba 'yon?"

"May bago raw student sa school natin?"

"Ugh!" Napairap ako sa inis. "Iyon lang itinawag mo?"

Tumayo ako para maayos ng staffs ang damit na suot ko at ang aking buhok.

"Oo! Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"

Pinatay ko na agad ang call nang tawagin na ako ng assistant ng aming photographer. Iniabot ko naman sa aking PA ang phone ko at saka nagtungo sa shoot.

Seriously?

One of her personalities? Maging uhaw sa lalaki. Kahit sino yata ay ide-date niya basta gwapo sa mga mata niya.

That's Mia for me.

Is she taking me for granted? Kahit anak ako ng may-ari ng MU, it does not mean I should know everything about their student admissions, 'no. Saka, anong pake ko ba ro'n? It was like invading their privacy. I will never do that. I am not that type of person.

Alam ko naman na may bagong student na nag-transfer sa school namin. Nalaman ko iyon hindi dahil sa nagealam ako ng student files. Kundi narinig ko iyon one time na kalalabas ko lang sa admission office nila nang mapatawag ako about sa issue no'ng Computer Engineering student sa akin.

Malapit nang matapos ang first semestral namin, ngayon pa naisip ng transferee na 'yon na lumipat? Hindi ba siya napapagod para sa sarili niya?

Nagsimula na ako sa aking trabaho. Ginawa ko ang pinapagawa sa akin ng photographer namin. From fierce posing up to alluring one. Isang oras lang naman ang inilaan namin, kasama na roon ang pagre-retake ng shoot at pagpili nila sa litrato kong ia-upload nila sa website. Kung tutuusin ay mas maaga kaming natapos ngayon.

Meet The BITCH (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon