Kanina pa ako dito sa loob ng bahay.
Nakikipagchikahan kayla mama at papa (lolo at lola ko lang sila).
Sabi nila mamaya pa daw dating ng magulang ko,may pinuntahan daw kasi." balita ko apo andito rin daw si Soonyoung ah. Sabay ba kayong pumunta? " nagulat naman ako sa sinabi ni Mama.
Hindi kami sabay. Sinundan nya ako,joke.
" nako yung batang yun! Sikat na sikat na talaga. Parang dati lang, katulong pa sya nitong si Lohee sa pagkakalat dito sa bahay. " hindi ko ba alam kung bat sinasabi to ni Lolo? Nananadya ba to? Pero di niya naman alam yung nangyari kaya sige.
" dati yun,pa. "
" anong dati? Hindi na ba kayo ganon ngayon? " usisa pa ni Papa.
Napatahimik ako,hindi na nga kasi talaga.
Hindi ko alam isasagot ko,akala kasi nila close parin kami ni Soonyoung dahil nga baka daw nagkikita pa kami sa Seoul. Pero malayo na rinButi nalang at sumingit si Mama sa usapan.
" ano ka ba! Syempre hindi na sila ganon ngayon kasi busy na si Soonyoung. " sabi nito kay Papa. Napatango tango naman si Papa dun
Oo busy kaya ayun kinakalimutan ako.
" ay basta! Imbitahan mo si Soonyoung mamaya ha. Hindi naman sya busy ngayon " sabi ni Papa sakin at tumayo na para pumunta sa kwarto nila. Matutulog siguro yun
" oo nga,namiss ko yung batang yun. " sabi naman ni Mama at sumunod kay Papa.
Ano?! Si Soonyoung?! Eww noh!
Joke
Pero kasi puta paano..
BINABASA MO ANG
captured ; k.sy 【cmpltd 】
Short Story" I should call his name,but i cant 'Cos im only a fansite master that capture the best of him. " {Hoshi SS; narrative} Date started: August 19, 2016 Date Completed: November 10,2016 STATUS: COMPLETED