t i m e 19

110 8 3
                                    


" Sorry. " napatigil ako sa pagkain ng ice cream dahil sa sinabi niya.

" saan? " alam kong alam ko na ang sagot pero gusto ko parin na manggaling iyon sa kanya.

" Naalala mo yung araw na sinabi ko sayong trainee na ako? Hindi talaga yun yung pakay ko nung araw na yon. May iba pa akong mahalagang sasabihin para sayo nang makatanggap ako ng tawag at sinabing pasado ako sa audition. Nangibabaw yung kasiyahan ko nun kaya hindi ko nasabi yung dapat na sasabihin ko. " kwento nya habang nakangiting nakatingin sa ice cream nya.

Ano yung sasabihin nya?

" pero sinabi mo na may sasabihin ka rin sakin, naalala ko yun. Sa sobrang saya ko hindi na kita napilit kung ano ba yung sasabihin mo. Nawala sa isipan ko at di ko manlang inisip na baka mahalaga yun. " patuloy niya pa

Sakin mahalaga,Soonyoung. Ewan ko lang sayo

" Nagpromise ako sayo na di kita makakalimutan at magkakaroon ako ng oras para sayo. Pero di ko natupad kahit gustuhin ko man. Kinuha mga phone namin,hindi naman kita madalaw kasi malayo ka at baka hanapin rin ako. " halata sa mga sinasabi niya yung tono na hirap na hirap sya sa sitwasyon na iyon. Patuloy parin akong nakikinig sa kanya habang kumakain ng ice cream.

" May mga panahon na gusto ko nang umalis. Pero naisip ko rin na ayun pangarap ko at ayaw kong masayang lahat ng mga pinaghirapan ko. Naisip ko nun na sa susunod na makikita mo ko,matagumpay na ako sa buhay. Sinabi mong magf fansitenim ka para sakin,lagi kitang hinahanap sa crowd nun alam mo ba? Sa bawat camera ay tumitingin na yata ako eh. Iniisip na,sana ikaw yun. "

Ako yun,Soonyoung. Isa ako dun.

" Nakita naman kita kaso mukhang may galit ka sakin at di kita masisisi dun. Pero narealize ko na sa lahat ng taon, Lohee... " napansin kong napatingin sya sakin kaya napatingin din ako sa kanya.

" Mahal kita. "

He said it.
And because of those words
My heart start to beat fast again for the second time.
And it's still because of the same person.
Him.
—•—

captured ; k.sy 【cmpltd 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon