Chapter 3

77 6 0
                                    

Chapter 3:

Iris POV:

Andito kaming dalawa ni Travis sa cafeteria.

Nakabasungot lang akong nakatingin sa likod niya.

Sino bang hindi malulungkot kung ang mahal mo ay nasa tapat ng table namin at naghaharutan sila ng taong mahal nila?

Wala na akong pake kung mabansagang akong 'bitter'.

"Oh bat nakabasungot ka dyan? Ang gwapo na nga ng nasa harap mo oh" at kumindat pa ang loko.

"Tse! Feeling gwapo!" Sagot ko at inirapan siya.

"Ang sungit naman nito. Buti kasama mo nga ang pinakagwapo rito"

Babagyuhin na ata rito.

Tsk tsk.

Napatingin naman siya sa likuran niya.

Bigla siyang humarap at ngumisi.

"Inggit ka no?" Nakangisi niyang tanong.

"Asa ka pa!" Masungit na sagot ko.

"Aminin mo na kasi. Gusto mo ganyan tayo kasweet?"

Napairap na lang ako. Sarap bugbugin eh!

"Makaalis na nga rito" at akmang aalis na ako ng hilahin niya ako pabalik.

"Dito ka muna."

"Ayoko nga! Nakakabwiset ka eh!" Inis kong sagot.

"Hahaha. Huwag ka ng magtampo mahal, bibilhan na lang kita ng pagkain mo" at ngumiti siya ng pagkatamis tamis.

Tumingin naman ako sa paligid. Papalapit pala sa amin si Tyler.

Ang galing talaga nito.

"Basta bilisan mo ha" at ngumiti rin ako.

Hayss kadiri!!

"Bakit mamimiss mo agad ako?"

"Tse! Hindi!"

"Hahaha kasi ikaw mamimiss ko" sweet na sabi niya.

Bat ang sweet niya ngayon?

Saktong pagtalikod niya ay ang pagdating nila Tyler at Sarah.

"Oh ikaw pala Kambal" sabi ni Travis na nakangisi.

"Totoo pala na kayo na. Parang ang bilis naman?" Sabi ni Tyler.

"Dati ko na kasi siyang nililigawan" sagot naman ni Travis.

What a good liar tss.

"Siya nga pala yung dati kong kwikwento sayo Tyler na matagal ko ng gusto" sagot ko rin.

Ang galing ko rin palang magsinungaling.

Ikaw kasi yun Tyler. Bat ba ang manhid mo?

"Ah.. Congrats.
Sige Kambal una na kami.ingatan mo ang bestfriend ko ha. Huwag mo siyang sasaktan kundi malalagot ka sa akin"

"Oo na kambal. Mahal ko eh di ba mahal?" At tumingin sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti.

Ang sakit.

Parang sinampal niya sa akin na ayos lang.

Nakita ko naman na napatingin si Travis kay Sarah. Umiwas naman ito ng tingin saka umalis na sila ni Tyler.

Parang may pakiramdam ako rito ah.

Hay ewan ko na lang!

*************

Travis POV:

Tinignan ko na lang si Sarah palayo sa akin.

Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Potek! Bat ba kasi pinagpalit niya ako sa kakambal ko?

Naghintay ako sa kanya pero wala rin palang kwenta!

Niligawan ko siya ng 1 taon.

Pero nalaman ko na lang na sila na pala ng kakambal ko.

Kaya ito naging playboy.
Pampalipas oras ko lang ang mga nagiging girlfriend ko. Minsan nga wala pang isang araw break na kami. Bakit ba? Eh sawa na ako eh.

At ang dali nilang makuha. Tss.

Kaya ginawa ko na ring girlfriend si Iris ay para ipakita kay Sarah na hindi ko na siya mahal na may iba na ako.

Hindi ko na hinatid yung babaeng yun. Sa susunod na lang ayaw naman niya eh.

Isa ring yun pakipot. Siguro tomboy nga talaga yun.

Tsk tsk.

Naglalakad ako ngayon sa corridor pauwi na ako ngayon.

Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko.

From: Sarah
Magkita tayo sa garden pls.

Napangisi ako.
Para saan pa? Para pagmukhain na namang akong tanga!?

Kahit labag sa kalooban ko ay pumunta pa rin ako.

Pagkarating ko roon ay agad niya akong niyakap.

Natulak ko naman agad siya.

"Bakit mo ako pinapunta rito?" Sagot ko na parang walang pakialam sa sasabihin niya.

"Ganun ka na ba talagang kadali makamove on? Di ba mahal mo pa ako?" Naiiyak na sabi niya.

"Ganun rin bang kadaling saktan ako Sarah!?" Galit na tanong ko.

"Hinintay kita! Pero pinagmukha mo akong tanga! Tapos tatanungin mo ako kung ganun na ako kadaling mag move on!? Tang*ina lang Sarah!"Galit na sabi ko.

"Pero mahal kita Trav! Please comeback to me" nagmamakaawa niyang sagot.

"Comeback!? Hindi ako laruan na basta na lang nakukuha ulit Sarah! Tsaka Mahal mo ako? Hahaha nagpapatawa ka ba? Di ba ang mahal mo ang kakambal ko? Sorry Sarah may iba na akong mahal na kayang ibalik ang pagmamahal niya sa akin at si Iris yun. Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam." Sagot ko at iniwan siyang umiiyak doon.

Ayoko na eh. Pagod na ako.
Nakakaasar lang. Ano ako reserba niya?

Tss iinom ko na lang to

Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now