Chapter 6:

49 5 0
                                    

Chapter 6:

Iris POV:
Pagkabukas ko ng gate ng bahay namin ay bumungad sa akin ang mukha ni Travis.

Teka, bat nandito to?

"Anong ginagawa mo rito?"

"Malamang sinusundo ka" sabi niya habang nakasandal sa kotse niya.

Ang sungit naman.

Minsan bipolar rin ito eh.
Makulit,minsan sweet,minsan masungit. Hays ewan ko ba sa lalaking to!

"Tsk. Ok" sagot ko at pumasok na sa kotse niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya habang nagmamaneho.

"Oo. Ikaw ba?"

"Oo naman. Busog na busog nga ako eh"

"Ok. Wala akong pake"

"Busog na busog sa pagmamahal mo" sagot niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Umagang umaga may banat ka"

"Oo naman. Para lalo kang kiligin" at kumindat pa siya.

"Ewan ko sayo!" At umiwas ng tingin habang kinakagat ko ang ibabang labi ko.

Napapangiti ako eh kaya pinipigilan ko.

"Ayiieee kinikilig na siya" pang-aasar niya.

"Tse!"

"Namumula na oh" pang aasar niya pa rin.

"Hindi ah. Feeler ka. Naisip ko kasi si Jungkook kaya napapangiti ako" pagde-deny ko.

'Oo na kinilig na kaya manahimik ka' sabi ko sa isip ko.

"Jungkook? Sino yun?"

"Yung asawa ko" ngingiti-ngiti kong sagot.

"Tsk. Ako ang boyfriend mo. Tapos may asawa ka!? Sino yan at mapapatay ko!?" Inis na sagot niya

"Ay grabe to. Si Jungkook sa BTS! Duh! Kpop artist yun tsk!"

"Wala akong paki sa Mangkok na yun" masungit na sabi niya.

"Selos ka lang eh" bulong ko.

Pero narinig niya yata.

"Hindi ako nagseselos" may inis pa rin sa tono ng boses niya.

Napailing na lang ako sa kanya. Tawagin ba namang mangkok ang asawa ko?

"Tsaka excuse me. Hindi mangkok. Jungkook! Ang layo naman ng Mangkok sa Jungkook!"

"Tss"

Yun lang ang sinabi niya at natahimik na kami.

Ng makarating kami sa school ay agad siyang bumaba.

Tsk bastos na bata. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Hinabol ko naman siya.

Galit ba siya?

TRAVIS POV:

Jungkook!? Tss. Mas gwapo naman akong sa koreanong yun.

"Huy Travis!!!"

Hindi ko siya nilingon.

Bahala siya sa Jungkook niya.

Tsk.

Baka sabihin niyong nagseselos ako ah.
Hindi naiinis lang ako.

Naramadaman ko naman na niyakap niya ako sa likod.

"Sorry na. Huwag ka ng magselos. Promise di ko na iisipin si Jungkook. Ikaw na lang" sweet na sabi niya.

Sa pagkakasabi niyang yun, parang nawala lahat ng inis ko.

Tsk. May magic spell yata to eh.

"Ayieeeeeeee"

Hindi ko alam nakapasok na pala kami rito sa classroom.

Napangiti naman ako at humarap kay Iris. Niyakap ko siya.

"Oo na po" sagot ko habang nakangiti.

Shet, nakakabakla.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ahem ahem" fake cough ni ma'am.

Tsk. Panira.

Umupo na kami sa upuan at nakinig na kay Ma'am.

Pero madalas napapatingin ako sa kanya.

Aish. Bat ba napapadalas ang pagtingin ko sa kanya?

Tsk.

Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now