Chapter 8

41 5 0
                                    

Chapter 8

Iris POV:

Halos madapa na ako kakatakbo para lang mapuntahan sila Tyler at Travis. At hindi ko rin maiwasang kabahan.

Ng makarating kami ni Lyrel ay madami na ring mga estudyante ang nakapalibot.

Ang tatanga rin nila eh, hindi pa sila tumawag ng guard! Tsk

Nakita ko naman na aakmang susuntukin ni Travis si Tyler kaya sumigaw ako.

"TRAVIS!"

Napatigil sila at napatingin lahat sila sa akin.

Agad akong lumapit kay Tyler na napahiga na sa sahig at may dugo na sa gilid ng labi.

"Ano bang nangyayari!?" Singhal ko.

"Wala to Iris. Umalis ka na" kalmadong sagot ni Tyler habang nakatingin siya kay Travis.

"Anong wala!? Eh nagpapatayan na kayo eh!"

"Tanungin mo na lang yang gagong bestfriend mo" galit na sabi ni Travis at umalis.

Napatingin naman ako kay Tyler.
Dapat na siyang dalhin sa clinic.

Tinulungan ko siyang tumayo.

"Ayos na ako Iris sundan mo na lang yung boyfriend mo. Kaya ko na to"

"Anong kaya mo na?Sasamahan kita sa clinic" sagot ko.

Inalalayan ko naman siya hanggang clinic.

"Oh anong nangyari?" Tanong nung nurse.

"Napaaway po" sagot ko at inalalayang pinaupo si Tyler sa hospital bed.

"Naku kayong mga bata talaga" umiiling na sabi ng nurse.

Nakabantay lang ako kay Tyler habang ginagamot siya ng nurse.

Ano ba kasing nangyari?

*Travis POV:

Bwisit.

Bwisit talaga!!!

Napasabunot na lang ako ng buhok.

Mas kinampihan niya pa talaga yun tss.

Eh hindi naman ako ang nauna.

Basta na lang ako sinugod.

Tss.

Nakakainis talaga!

"Hi babe can I join you?"

Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita.

Andito ako sa bar ngayon at wala akong pake kung walang tutulong sa akin kung sakaling malasing ako.

"Sure" agad agad na sagot ko at nilagok ang alak na nasa aking baso.

*Iris POV:

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Kaya pala ganun na lang ang tingin ni Travis kay Sarah noon.

*Flashback

Pagkatapos ginamot si Tyler ay pinagpahinga muna siya ng nurse kaya binantayan ko.

"Ano bang nangyari?" Bigla ko na lang natanong.

"Nakikipag break na sa akin si Sarah" malungkot na sagot niya.

Ha? Anong connect?

"Hah!? Eh bakit?"

"Hindi na niya ako mahal at si Travis na. Nandilim ang paningin ko sa galit at yun sinugod ko si Travis"

Nakita ko naman na may luhang pumatak sa mga mata niya.

"Hindi ko kayang mawala siya Iris. Hindi ko kaya" umiiyak na sabi niya.

Nasasaktan ako. Oo nasasaktan ako dahil ngayon ko lang nakita siyang ganto.

Nasasaktan ako dahil pinagmumukha niya sa akin kung gaano niya kamahal si Sarah.

At naiinis rin ako kay Sarah.
Pinakawalan ko na nga si Tyler dahil alam kong di niya masasaktan si Tyler pero ayun ginawa niya.

"Kung bakit pa kasi kakambal ko pa?"

Wala na akong magawa kundi ang yakapin siya dahil sa ganitong paraan ko lang mapaparamdam na may kaibigan pa siyang laging nasa tabi niya.

"Bat nga ba hindi ko nakita na lagi ka pa lang nasa tabi ko Iris? Bakit nga ba hindi ikaw ang minahal ko? At baka siguro ngayon ay hindi ako nasasaktan ng ganito"

*end of flashback

At ang mga huling katagang sinabi sa akin ni Tyler ang hindi nagpatulog sa akin.

Akala ko ba naka-move on na ako?

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at pinakinggan ang puso ko.

Bakit hanggang ngayon habang iniisip ko ang sinabi niya sa akin ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

"Kyaaaaah!!!" Sigaw ko sa unan ko.

Tumingin ulit ako sa kisami.

Nagpagulong gulong sa kama saka umayos na ako.

Mababaliw na ata ako

Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now