Chapter 4

62 6 0
                                    

Chapter 4:

Iris POV:

Nakakulong lang ako sa kwarto ko habang nakaupo ako sa study table ko.

Halos sumakit ang ulo ko dahil sa tambak na projects at assignment. Tapos may mga quiz pa.

Ang galing talagang magpahirap ng mga teachers sa mga estudyante. Buti sana kung sila ang nahihirapan.

Ang hirap talaga pag fourth year highschool.

Arrg!

Sinimulan ko namang gawin ang mga assignments.

Hay.......

*****
Isang subject na lang matatapos ko na rin lahat ng assignment ko.

Ang hirap talaga ng Math.

Napatingin ako sa orasan.

Malapit na pala mag-10.

Hay inaantok na ako. Kokopya na lang ako bukas kay Lyrel di bale matalino naman yun.

Hinihikab kong niligpit ang gamit ko ng tumunog yung cellphone ko.

Ano ba yan may istorbo pa ata.

Tinignan ko ito at bumungad sa akin ang text message ni Travis.

Ano naman kayang problema nito? Gabing gabi na ah.

From: Unggoy na Travis

Iris lasing na lasing si Travis ngayon. Pumunta ka rito sa bar. Nate nga pala to.

Ay potek na lalaking yun! Bat ba naglasing!?

Buti na lang at nasa business trip ang mga parents ko.

Dali dali akong nagpalit ng damit at kinuha ang susi ng motor ko.

Oo may motor ako pero madalas lang ako magmaneho.

Mabilis kong pinatakbo hanggang sa makarating ako sa bar na sinabi ni Nate.

Pumasok ako at bumungad sa akin ang usok ng sigarilyo.

Magkakaroon pa ata ako ng lung cancer dito bwiset!

Agad kong tinungo kung nasaan sila.

"Sorry Iris naabala pa kita ata. May emergency kasi sa bahay. Manganganak na daw ang ate ko. Pwede bang ikaw na lang ang bahalang mag-uwi rito?" Sabay turo kay Travis.

Napairap na lang ako ng makita ko ang sitwasyon ni Travis.

Tss.

"Sige Nate una ka na. Ako na bahala rito" sagot ko.

Eh ano pa nga bang magagawa ko?

"Salamat Iris at mag-iingat kayo" sabi niya at umalis rin.

Napabuntong hininga na lang ako at nilapitan si Travis.

"Huy Trav tigilan mo na yan. Umuwi na tayo"

"Oh Mahal andito ka pala. Hahaha tara samahan mo ako rito" at nilapit pa sa akin ang basong iniinoman niya.

"Lasing ka na tara na" at hinila ko na siya.

"Hahaha hindi pa ako lashing!"

"Tss. Asan ang susi ng kotse mo?" Inis kong sagot.

"Hindi ko alam hahaha"

Parang baliw -___-

Kinuha ko ang susi sa bulsa niya at inakay siya palabas ng bar.

Grabe ang bigat niya!

Buti na lang malapit lang siya nag park.

Sinabi ko naman sa guard ng bar na babalikan ko na lang bukas yung motor ko at nagprisinta pa yung guard na bantayan yung motor ko.

Ipinasok ko na siya sa kotse niya at umupo sa drivers seat.

Marunong akong magdrive dahil tinuruan ako ng daddy ko.

"Alam mo ba minahal ko si Sarah pero pinagmukha akong tanga"

Nakikinig lang ako sa pagmo-monologue niya.

Naging sila ba ni Sarah?

"Tanga ko di ba? Hahaha tapos naging sila nung kakambal ko kaya hanggang ngayon ay naiinis ako kay Tyler."

Kaya ba siya naglasing?

Sa pagkakaalam ko bawal pa ang 17 na pumasok sa bar.

Medyo matured na kasi ang pagmumukha ko kaya napapasok ako.

"Kaya ikaw Mahal huwag kang tumulad kay Sarah ha. Gusto ko mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Mamahalin rin naman kita eh......"

Sa pagkakataong yun ay agad akong napatingin sa kanya.

Ayun tulog na.

Lasing nga talaga. Kung ano ano na ang pinagsasabi.

Agad akong nakarating sa bahay nila at pinagbuksan naman ako ni Tyler.

"Iris? Anong ginawa mo rito?" Tanong niya.

"Nalasing kasi si Travis kaya sinundo ko" sagot ko.

Agad naman naming inakay si Travis hanggang kwarto niya.

Nakita pa nga ako ni Tita Therese.

"Naku Iha salamat sa pag-alaga ng anak ko ha. " sabi sa akin ni Tita.

"Naku Tita wala yun. " sagot ko.

"Buti na lang at may sineryoso na si Travis. Naku yung batang yun talaga. Salamat talaga iha"

Seryoso? Kung alam niyo lang tsk tsk.

"Sige Tita una na ako. " sagot ko.

"Ahy saglit baka mapahamak ka pa sa daan. Tyler! Ihatid mo tong si Iris" sabi ni Tita.

"Tara na?" Sabi naman ni Tyler.

Tumango ako at ngumiti.

"Sige Tita una na ako." Paalam ko.

"Mag ingat kayo" sagot naman niya.

Sumakay na ako sa kotse ni Tyler at nagsimula na kaming magbyahe.

Tahimik lang kami.

Siguro ay dahil na rin sa antok ko.

Agad naman kaming nakarating sa bahay.

"Sige Ty pasok na ako. Ingat ka sa pagdrive" inaantok na sabi ko at umalis na roon.

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

Napahiga na lang ako sa kama ko.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Travis kanina.

"Kaya ikaw Mahal huwag kang tumulad kay Sarah ha. Gusto ko mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Mamahalin rin naman kita eh......"

Bigla akong napangiti.

Teka bat ba ngumiti? Siguro ay dala lang to sa antok.

Tsk. Makatulog na nga.

Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now