Chapter 2:

66 6 1
                                    

Chapter 2:
Iris POV:

Hanggang ngayon ay lutang ako sa mga nangyayari.

Hindi ako makapaniwalang mawawala ang first kiss ko dahil sa mokong na yun! Aish!!

Malalagot talaga sa akin yun pag nakita ko!

"HUY IRIS!"

Agad akong napatingin kay Lyrel.

"Kanina ka pa lutang. Ano ba kasing nangyari?"

Siya si Lyrel isa ring bestfriend ko.

Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina.

"H-huh? W-wala" sagot ko.

Aish bat ba nauutal ako?

"Wala raw! Kilala kita Iris. Tsaka bakit ka namumula?"

Napayuko na lang ako. Ayokong ikwento sa kanya ang nangyari. Mabwibwiset lang ako.

"Wala nga"

"Ano na? Dali!!!" Pangungulit niya.

Hays wala na akong magagawa.

Kwinento ko ang buong pangyayari. Feeling ko nga pulang pula na ako nung kwinekwento kong hinalikan ako ni Travis.

"What!? Hinalikan ka niya as in totoo!?" Di makapaniwalang sagot niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Inis na sabi ko.

"Kyaaaaaah!!!"

Napatakip naman ako ng tenga. Ang lakas ng tili niya grabe!

"Huwag ka ngang tumili dyan!" Inis na sita ko.

"Nakakakilig!! Ikaw pa lang ang unang babaeng hinalikan niya!" Kinikilig na sabi niya.

Ano daw?

"Weh? Eh Playboy yun eh! Marami na yung nahalikan"

"Oo! Inistalk ko kaya siya"

"Eh di ikaw na si Dakilang Stalker. Tss tara na nga" inis na sagot ko at hinila na siya palabas ng classroom.

Buti na lang at uwian na hindi ko na makikita yung lalaking yun!

***********

Travis POV:

Pagkarating ko sa school ay agad akong nilapitan ng mga barkada ko.

"Iba ka talaga Trav! Hahaha akalain mo yun nakuha mo si Iris?" Lokong sabi ni Nico.

Nabalitaan na pala nila. Tss.

"Hahaha ang dali lang naman makuha nung tomboy na yun eh" nakangisi kong sabi.

"Kalat na kalat na sa buong campus na kayo na" sabi naman ni Luke.

"Eh di good para wala ng mang gugulo sa akin"

"Tara na nga sa classroom"sabi naman ni Nate kaya pumunta na kami sa classroom.

Nasalubong pa namin si Iris at sinamaan naman ako ng tingin.

"Andito ka na pala mahal. Hatid na kita" sabi ko sa kanya ng nakangisi.

"Whoa!" Sabi naman ng mga barkada ko.

Hahaha kitang kita ko naman sa mukha niya ang pagkairita niya.

"Pwede ba Travis kung wala kang magawa sa buhay mo iba na lang pagtripan mo!" Sagot niya at aakmang aalis na sana kaso hinila ko siya at pumunta kami sa garden.

Bigla naman niya akong sinuntok ng makarating kami sa garden.

"F*ck. Bat mo ginawa yun!?" Inis na tanong ko habang nakahawak sa tyan ko. Doon niya ako sinuntok eh.

Parang lalaki manuntok! Tomboy nga talaga tss.

"Bat mo sinabing girlfriend mo ako ha!? Tsaka may pamahal mahal ka pa diyan!"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Ayoko! Kaya pwede ba tantanan mo ako!"

"O sige tatantanan na kita pero sasabihin ko kay Tyler na may lihim kang pagtingin sa kanya at syempre maiilang siya sayo at iiwasan ka niya"

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"P-paano mo----"

"Halata sayo"sagot ko.

"Arrg!! Ano ba kasing gusto mo!?" Inis na sabi niya.

"Simple lang. Be my fake girlfriend for 3 months" at ngumisi ako.

"Hahaha patawa ka? Ayoko nga! Hinding hindi ako papatol sa katulad mong unggoy ka!"

Abat sinabihan pa akong unggoy!? Sa gwapo kong to!?

"Oh sige kung ayaw mo baka ngayon iwasan ka na ng pinakamamahal mong bestfriend"

"Tsk. Bat ba kasi  kailangan pang magpanggap"reklamo niya.

"Bakit gusto mo totohanin natin?"

Napangisi naman ako.

"Asa! Tss makaalis na nga!" Akmang aalis na sana siya kaso pinigilan ko ulit.

"Hahatid na kita" at hinila ko na siya papunta sa classroom nila.

*********

Iris POV:

Fake Girlfriend in 3 months!? Arrg! Hindi ko ata kakayanin!

Kung hindi lang kasi dahil kay Tyler ay hindi na ako papayag.

At ang nakakainis pa ay ang hilig niyang manghila!

Tss. Nandito na pala kami sa tapat ng classroom.

"Ayieeee" kantyaw naman nila.

Hays sarap bugbugin tong mga to eh!

"Sige mahal maiwan na kita. Love you" at kiniss niya pa ako sa noo saka umalis na yung lalaking yun.

Kaasar talaga.
Best actor! Husay! Tss.

Nakabasungot naman akong umupo sa upuan ko.

"Kyaaaaaaaaaaah!!" Tili naman ng katabi ko.

Sino pa nga ba? Eh si di Lyrel.

Tsk tsk.Inaatake na naman ng kaabnormalan niya.

"Huwag ka ngang tumili! Ang sakit sa tenga!" Reklamo ko.

"Sorry naman! Kinikilig kasi ako!!"

" Tss huwag kang kiligin dun" naiinis na sagot ko.

"Grabe Iris! Ang sweet niya sayo! Alam mo mukhang seryoso talaga siya sayo"

"Tsk. Andyan na si Ma'am kaya makinig ka na lang" walang gana kong sagot.

"Ah basta bagay kayong dalawa!" Kinikilig naman na sabi ni Lyrel.

Hay naku. Bat ba kasi nabunggo ko ang lalaking yun!?



Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now