Chapter 9

36 2 0
                                    

Iris POV:

Nakalabas na ako ng bahay ng mapatigil ako sa harap ng gate namin.

Anyare kaya doon?

Bat hindi niya ako sinundo?

Tsk. Bahala nga siya.

Hanggang sa pagpasok ko sa eskwelahan ay wala akong nakitang Travis.

'Baka absent' sabi ko sa isip ko.

Nagpatuloy ang klase ng biglang may nagbukas ng pintuan at tuloy tuloy na naglakad ang bagong dating.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papunta sa kanyang upuan.

"Mr. Gonzales, Why are you late?"

Hindi sumagot si Travis at tumingin lang sa bintana.

Napabuntong hininga si Ma'am tsaka ipinagpatuloy ang klase.

Napatingin ako sa kanya.

Bakit kaya siya mukhang badtrip?

Napatingin siya sa akin.

"Bakit?" Inis na tanong niya.

"Wala" at umiwas ako ng tingin.

Dati sa mga oras na to sobrang gulo niya.

Inaasar niya ako o kaya nagyayabang.

Pero sa mga oras na to tahimik lang siya.

Narinig ko naman sa mga barkada niya ang pagtuturuan kung sino ang kakausap sa kanya.

Napailing na lang ako.

Ng matapos ang maghapong klase ay agad na umalis rin si Travis.

Umuwi na lang ako at tumambay sa basketball court.

Nagdala ako ng bola habang nakabike ako.

Nagshooting lang ako dahil wala naman akong kalaro.

Hay! Ang boring.

Madilim na rin kaya nagpapasyahan kong umalis na.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin.

Takte, kinakabahan na ako.

Hanggang sa nasa tapat ako ng poste ng ilaw ng may magsalita.

"Gabi na. Bat naglalakad ka pa rin sa daan? Alam mo bang pwede kang mapahamak? Wala ka pang kasama"

"Eh ano bang paki----"

Napatigil ako ng makita ko kung sino yun.

"Tsk" nasabi ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad.

" Uy Iris! Hintay!" Sigaw niya.

Di ko siya pinansin at mabilis na lumakad.

Hanggang sa may humawak sa braso ko.

"Tsk. Bitawan mo nga ako Miko!" Inis na sabi ko.

Akala ko tinigilan niya na talaga ako ng tuluyan hindi pala hays.

"Namiss kaya kita Babe"

"Yuck Miko! Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan!" Inis na sabi ko.

"I love you too"

Arg!

"Bwisit! Lumayo ka nga!"

"Hahaha! Ito naman nainis agad. Hatid na kita sa inyo."

"No thanks" inis na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero ang mokong sinundan pa rin ako.

Hays. Siya lang naman si Miko Sebastian Reyes.
Dating manliligaw ko na hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ako.

Tss.

"Musta naman kayo ni Tyler?" Natanong niya.

"Walang kami"

"Hahaha chill. Masyado ka namang seryoso"

"Tss"

"Balita ko kayo na daw ni Pareng Travis"

"Wala kang pakialam"

"Awts naman Babe bat mo agad ako pinagpalit"

"Bwisit" inis kong nasabi.

"Oo na hindi na ako mangungulit tanggap ko naman na may gusto ka sa iba eh"

"Buti alam mo"

"Pero pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Bahala ka"

"Oo nga pala papasok na ako sa University na pinapasukan niyo"

"Akala ko ba sa Korea ka na mag-aaral?"

"Ayoko doon eh" natatawa niyang sabi.

"Unggoy ka talaga"

"Namiss mo lang ako eh"

"Heh! Kahit kailan di kita namiss"

"Pero seryoso kayo na talaga ng playboy na yun?"

"Oo nga ang kulit"

"Tsk. Akala ko ba ang gusto mo si Tyler?"

"May girlfriend na siya"

"Tsk. Hindi ko matanggap na pinagpalit mo ako sa playboy na yun. Eh mas gwapo pa ako dun!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Walang naging tayo"

"Awts Babe! Pinamukha mo talaga."

"Tsk"

"Oh paano ba yan. Nandito na tayo. Ingat ka Iris ha. Kitakits na lang bukas" sabi niya at kumindat.

Aba loko loko talaga.

"Geh ingat ka! Habulin ka sana ng aso" sigaw ko.

Tumawa lang siya at tuluyan ng umalis.

Pero nakakamiss pala yun makulit na yun.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

Matutulog na sana ako ng may magtext sa phone ko.

Agad ko yung binasa at nakita ko ng message ni Travis.

Sino yung humatid sayo?

'Si Miko'

'Bat kasama mo yun?'

Hindi ko na lang siya pinansin.

'Ano bang paki mo?'

'Tsk'

Bahala siya matutulog na ako.

Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now