Chapter 12:

28 2 0
                                    

Iris POV:

"Tsk. Kailangan bang kasama kita sa training niyo?" Inis na tanong ko.

"Oo naman."

"At bakit?"

"Para may inspirasyon ako sa paglalaro" at kumindat pa ang loko.

"Tss. Ang sabihin mo mahina ka lang. Mas magaling pa ata akong magbasketball sayo eh!"

"Weh?" Natatawa niyang sabi.

Inirapan ko siya.

Habang naglalakad kami papunta sa gym ay umakbay siya sa akin.

Tinanggal ko naman at inakbayan niya na naman ako.

Hays.

Pinabayaan ko na siya at ng makarating kami ay umupo na ako sa bleachers.

Nagsimula na silang magtraining at naglaro sila.

"Ayun oh! Three points! Naks inspired!"
"Andyan kasi ang girlfriend kaya nagpapasikat"

"Yieee!"

Kantyawan ng mga kateamates niya.

Napayuko na lang ako sa hiya.

Nakita ko siya nakangiti na nakatingin sa akin.

Nginitian ko na lang siya pabalik.

****
Travis POV:

"Seryoso ka talaga eh no?" Natanong ni Nate.

"Ewan" at nakibalikat na lang ako habang nagdri- dribble ng bola.

"Aba inlababo ka na. Halata naman sayo eh" natatawang sabi niya.

Napailing na lang ako napatingin kay Iris.

Aish ewan. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.

****

Lyrel POV:

"Pst!"

Ayan na naman kanina pa yang paswit ng paswit yan.

Natatakot na nga rin ako dahil mag- isa akong naglalakad at madilim na.

Hays. Dapat kasi si Iris ang kasama ko ngayon kaso yung babaeng yun may lablayp na nga may instant hatid-sundo pa.

"Pst!"

Aish! Ayan na naman!

Nagpalinga linga ako sa paligid.

Mahirap na baka may manghila sa akin na adik.

"Boo!"

"Kyaah!" Sigaw ko sa gulat.

"Hahahahaha" narinig kong tawa ng isang pamilyar na tao.

Tinignan ko siya at napatigil ako saglit ng makita ko si Miko na tumatawa.

Parang nag-islow motion ang lahat at ang tanging pagtawa niya lang ang naririnig ko.

Ghad, ang gwapo niya.

Teka, ano na bang nangyayari sa akin?

"Bat naglalakad ka mag-isa? Madilim na oh. Mapapahamak ka pa"

Gash, concern ba siya sa akin?

"Eh sa wala akong kasama" sagot ko.

"Tsk. Tara na sabay na tayo"

"Pero malayo pa ang sa inyo"

"Hayaan mo na. Mas nakakampante ako kapag may kasama ka"

Palihim naman akong napangiti at kinilig.

Nagsimula naman kaming maglakad.

"Anong nagustuhan mo kay Jerome?" Biglang tanong niya.

Nabigla ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakaisip ng sasabihin.

"Kasi gwapo siya?" Medyo alanganin ko pang sagot.

"Yun lang?"

"Uh.. Oo"

"Psh...... Ajkqwphgfdkl"

Ano daw?

"Ano?"

"Wala" sagot niya

"Uh.. Okay"

Natahimik naman kami pareho.

"Ikaw sino pala crush mo?" Natanong ko.

Humanda ka ng masaktan Lyrel.

"Secret" natatawa niyang sabi.

"Eh sige na"

Sige na para hindi na ako umasang magugustuhan mo ako.

"Bakit gusto mong malaman?"

"Dahil gusto ko. Sige na. 'Di ko naman sasabihn eh"

Napabuntong hininga naman siya at ngumiti.

"Si L" nakangiti niyang sabi.

L-l?

"N-nasa classroom ba siya?"

"Oo." Nakangiti pa rin niyang sagot.

Ako o si Laureen?

Kaming dalawa lang naman ni Laureen ang L sa classroom eh.

"Clue naman dyan" kahit malungkot ako ay pilit kong cheerful ang boses ko.

"Mabait siya, cute, maganda...." Sagot niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Si Laureen nga.

Humarap ako at ngumiti sa kanya.

"Hayaan mo magugustuhan ka rin nun. Ideal guy ka kaya"

"Talaga?" sagot niya.

"Oo"

"Sana nga" at ngumiti siya.

Napahinto naman ako ng makita kong nasa tapat na kami ng bahay.

"Andito na pala tayo. Sige Miko papasok na ako ha. Ingat ka pauwi"

"Sige. Good night"

Malungkot akong tumalikod at napabuntong hininga.

Bakit lahat ng crush ko ay hindi ako gusto?

***

A/n: Bakit nga ba Lyrel?

Falling For Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now