Chapter 6

364 20 0
                                    

*Ryan's POV*

Pumasok na kami sa classroom. Traumatized. Na-trauma kami sa nangyari. Ayaw ipaalam ng school sa iba. Why? Kasi masisira daw yung image ng school namin. Amfufu. Pagkapasok namin sa classroom, may nakasulat sa board:

SECOND TO DIE:

 The first or second most popular female in the United States from 1981-1997. Yiskāh.

“AHHH!” Nagsigawan yung mga kaklase ko. Kinakabahan na ako. Sino ba yun? 

Kakamatay pa nga lang ni Reze tapos may mamamatay ulit? Anong kabaliwan niyan? Bigyan niya naman sana kami ng break! I need break! Wag naman palaging ganito!

“Female? Shiz! Sino yun?” Tanong ni Justine.  

Atleast, ligtas kaming mga boys. Pero, ayokong mawalan ng isa pang kaklase!

Tapos ang gaganda't ambabata pa nila para mamatay!

Whoa! Nakaka-stress!

*Jessica's POV*

“Maganda na sana pero pumagit dahil kay Jessica.” Sabi ni Sabrina at inirapan ako.

Nagpa-practice kami ng sayaw dahil member din ako sa KPop Club na mag-peperform next week. Sasayawin namin yung Fire ng BTS. Hyacinth is the main dancer. Magaling siya sumayaw. Idol ko nga siya eh.

“Okay, 10:00 na ng gabi so, pwede na tayong umuwi. O'sya. Mauuna na ako ha? Mag-ingat kayo.” Sabi ni Audrianna at umalis. Paunti ng paunti ang tao dito sa dancing room.

Ako? Hindi ako aalis. Magpa-practice ako para hindi na ako mapuna ni Sabrina. Sumasakit na yung ulo ko dahil sakaniya eh.

“Bultaorune----”

Anong nangyayari? Ba't tumigil yung kanta? Ba't nag-on and off yung mga ilaw.

Wait. Ako na ba? Ready na ako kung ako na ba talaga.

May narinig ako tumatawa. It's not an evil laugh but lalaki yung tumatawa. Nakakarindi! “SINO KA?!” Sigaw ko. “Lumabas ka dyan! Magpakita ka sa akin!”

May naririnig ako parang metal? May nagka-clank eh.

Siya? Siya ang killer?

“Ikaw? Ikaw yung pumatay kay Reze?!”

“Hindi ako yun. Iba yun eh,” sabi niya at nginitian ako ng sobrang tamis, “And, hindi dapat kita papatayin kaso inutusan ako. Since, isa akong mabait na bata. Uh-huh. Mabait. Sumunod ako. Alam ko lahat ng secret mo. Andami mo na palang ninakawan 'no? Tapos pag kasama mo sila parang walang nangyari? Plastik ka rin pala. Alam mo yung nababagay sayo?”

“Yung mamatay ka. Di mo alam?” Tuloy niya.

Bigla niya akong tinadyak, sinapak, pinalo gamit yung metal na hawak niya. Ang sakit sobra. Sobrang sakit.

“TAMA NA!”

“Tama na? Ang weak mo naman!”

Kinuha niya yung samurai niya at sinaksak ako. Sa tyan ko. Hindi ko alam kung ilang beses dahil sobrang sakit. 

“Goodbye.”

BLACKOUT

*Sabrina's POV*

Tapos na ang klase. Ngayon, magpapractice kami. Wala si Jessica. Absent daw eh. Lagi nalang siya yung hole ng group namin. Malapit na kaya yung performance!

Pagpasok namin, nakita namin si Jessica na naliligo sa sariling dugo. Agad namin siyang pinuntahan.

May nakita kami sa palad niya. Nakasulat, THUNDER. PI! Sino na naman yun! Kahapon si MINT nagyon naman si THUNDER? Watda?

May nakasulat din sa braso niya. 

Yiskāh 

Jessica- Yiskāh

Magkatunog!

Nag-iyakan nalang kami dito sa Dancing Room. Wala rin naman kaming mapapala kung sasabihin namin kay Headmaster eh. Ayaw niya pa naman ipagkalat. Image lang naman yung pakialam niya.

Rest in Peace, Jessica.

Sorry sa lahat ng nasabi ko sayo. Sorry sa lahat-lahat.

Sardonyx AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon