Chapter 33

181 9 3
                                    

*Hyacinth's POV*

Nandito na kami sa Orphanage. Hinihintay na namin yung mga bata. Kinakabahan ako kasi baka mamaya, tarayan ako ng mga bata eh. Huhubels.

“Nanginginig ka hon. Okay lang ba?” Tanong niya sanakin. Hindi ko namalayan na nanginginig na ako. “Hindi? Kasi naman eh! Hindi ako magaling makipag-socialize sa mga bata!”

Hinawakan niya naman yung kamay ko. “Okay lang yan, hon. Nandito naman ako. Wag kang mag-alala. Lagi akong nasa tabi mo.”

Omo. I think my hearteu just skipped a beat.

Bigla akong nabalik sa mga senses ko nung may narinig na kaming mga footsteps. Malamang mga bata na yun. 

Naramdaman kong mas lalong hinigpitan ni Ezekiel yung pagkahawak niya sa kamay ko. “Trust me, everything will be fine.” Bulong niya sa akin with... HIS HUSKY VOICE! 

Kalma ka lang, Hyacinth. Kalma ka lang. Wag kang sumigaw. Baka magmukha kang tanga.

Dumating naman yung mga bata. Ang cu-cute nila! Pwede silang i-hug?

Biglang nagsalita si Sister Madeline. “Okay, children, nandito na yung mga ate't kuya niyo. Sila ang magiging kalaro niyo for today. At, bibigyan nila kayo ng mga laruan at mga damit. So, fall in line. Walang maguunahan.” Sabi niya.

Agad agad namang nag-line yung mga bata ng maayos. Ang galing naman nila. Disiplinado sila. Bihira na yung mga ganyan. 

Then, nagsimula na kaming magbigay. Dalawang lines pala. One for boys and the other one is for girls.

Ang cute ng mga bata.

After n'on ay pinuntahan na namin yung mga bata. Kasama ko si Ezekiel. Kasi nga may problems nga ako pagdating sa pakikipag-socialize.

Napadaan kami doon sa mga bata na dalawang babae at lalaki. Sila yung nakakuha ng atensyon ko. Kasi umiiyak sila eh.

Hinila ko naman yung laylayan ng t-shirt ni Ezekiel at tinuro ko sa kaniya yung mga bata. “Tara.” Yaya ko sakaniya.

Nung nasa harap na namin sila, tinanong ko naman. “Ba't kayo umiiyak? Hindi niyo ba nagustuhan yung binigay namin sainyo?”

Umiling sila. “Hindi po. Tears of joy po ito. Thank you po ng madami ate at kuya.” Sagot naman nung pinakamatangkad na lalaki. 

Nagkatinginan naman kami ni Ezekiel. Naawa talaga ako sa mga batang ito eh. Ang swerte ko pala dahil may magulang pa ako. 

“Hali kayo dito. Yayakapin namin kayo ni Ate Hyacinth.” Sabi naman ni Ezekiel at umupo kami. Nagsi-puntahan naman sila sa amin at niyakap kami.

“Ate Hyacinth, hindi ka po ba inaaway ni Kuya Ezekiel?” Tanong ni Anna saakin.

Kilala ko na sila. Ang pangalan nila ay Anna, Karen, Kurt at Dave.

Napatawa naman ako doon sa tanong ni Anna. “Hindi niya ako inaaway.”

“Talaga ate? Kasi sa panahon ngayon, lagi ng nagaaway yung mga magkasintahan eh.” Sabi naman ni Dave. 

“Hindi ko pwedeng awayin si Ate Hyacinth eh. Buntis kasi siya.”

Nabigla naman ako doon. Tinignan ko naman siya. And he mouthed, "Sorry. Joke lang."

“Wow! Ate, girl or boy?” Tanong ni Kurt.

“Di pa namin alam yung gender kasi 3 weeks pregnant palang si Ate Hyacinth eh.” Sagot naman ni Ezekiel. Malapit ko na talagang masapak itong lalaki na ito.

“Ah okay.” Sagot naman nila.

Nakita ko naman si Audrianna na sinenyasan na aalis na kami. 4 hours yung byahe eh. 7:30 na ng gabi.

Sinenyasan ko rin ni Ezekiel.

“Anna, Karen, Kurt at Dave, kailangan na naming umalis ha? Gabi na kasi eh. Promise namin na babalik kami ha?” Sabi namin sakanila.

Nalungkot naman yung expression nila. 

“Okay ate. Magiingat kayo ha? Atsaka yung promise niyo saamin ha?” Sabi naman ni Karen. “Pinky promise.” Sabi ko at nag-promise kami.

“Aalis na kami ha?” Sabi ni Ezekiel at nag group hug kami.

Nung nasa mini bus naman kami, nasampal ko ng wala sa oras si Ezekiel. Napa-tingin naman sila saamin.

“Huy! Hyacinth! Pinagkaloob ko sayo si Fafa Ezekiel tapos sasampalin mo?!” Sabi ni Ryan.

“Ikaw ba naman, sabihin niya na buntis daw ako sa harap ng mga bata?”

“HAAAAA?!”

“Calm your feels. Hindi pa namin nagawa yun.” Sabi ni Ezekiel.

“Hokage si bes!” Sabi ni Ace.

Nagtawanan nalang kami. Hay! It's been a great day.

Sardonyx AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon