Chapter 8

282 16 3
                                    

Berry's on the MM!

*Third's POV*

Nandito ako sa park ako lang mag-isa. Dapat nasa Cafeteria ako ngayon kasi recess kaso wala akong ganang kumain. Bakit? Kasi may mamamatay na naman.

Well, may kutob ako na ako yung mamamatay. Third is an ordinal number.

“Ayoko talaga sa mga taong plastic.”

May kasama pala ako. Tinignan ko siya. “Ako rin eh.”

“So... Ayaw mo pala sa sarili mo?”

Nabigla naman ako doon. “Ha?”

“Pft... wag ka ng painosente. Plastic ka eh. Kunwari bestfriend ni Kayl pero pag nakatalikod ka naman parang leon kang nakawala sa hawla. Nakakatawa lang naman na isipin na backstabber ka. Hindi halata boy.”

Muntik na ako matawa ng sobrang lakas. Nakakatawa rin ito eh. Ang galing niya mag-acting. “Gusto mo magkaroon ng Award ng Best Actress? Are we on camera?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya.

“Yung gusto ko kasi... MAMATAY KA NA.”

Kinuha niya yung kamay ko at nilaslas ang pulso ko. Sobrang sakit.

“S-stop.. M-masakit...”

Pinilit kong alisin ang kamay ko pero sobrang lakas niya.

“Ano? Sorry, hindi ko narinig.” Sabi niya at diniinan niya pa.

Sisigaw sana ako kaso, bigla niya ako sinaksak sa puso. 

“A number? Three. Make it ordinal, third. It's all about IQ. Goodbye, Third.”

BLACKOUT

*Berry's POV* 

“Tignan niyo siya oh! May tagos.“ Bulong daw ni Hyacinth kela Arian. Tapos turo saakin. Tinignan ko yung likod ko. Meron?! Sa pagkakaalam ko kakatapos ko palang last week?

Umalis ako sa cafeteria at pumunta sa Girls' Restroom. 

Nesfruta. Wala naman ako ha?! Red Liquid lang naman nilagay nila saakin. 

Pumunta ako sa Locker Room at kinuha yung extra skirt ko. Buti nalang lagi akong may extrang damit sa locker ko.

Nagpalit na ako at pumunta na ulit sa cafeteria.

Nung pagkaupo ko, Bigla namang sumigaw si Carson. “Guys! Nakita namin ni Carl si Third doon sa Park! Siya yata yung tinutukoy ng killer!”

Bigla kaming nagsitayuan at pumunta sa park. May mga nabangga kaming ibang students pero pinabayaan nalang namin sila. Importante si Third ngayon.

Nilapitan namin yung nakahandusay na katawan ni Third. May nakaukit sa balikat niya.

ROSE?

Sino na naman siya?

Mint, Thunder at Rose? Andami naman nila siguro!

May nakaukit din sa binti niya.

A number? Three. Make it ordinal, Third.

Siya nga yung tinutukoy ng killer.

Rest in Peace, Third Clinton.

Mamimiss kita, crush.

Sardonyx AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon