Chapter 30

193 10 0
                                    

*Hiyori's POV*

Bored kami.

“Hay~”

“Bored kayo?” Tanong ni Ace. Tumango naman kami biglang sagot.

Napatango naman siya. “Ah okay. Sige magdala kayo ng importanteng gamit niyo. Pupunta tayo sa Enchanted Kingdom.”

“Yay!”

Mabilis kami nagayos dahil excited kami. First time kong pumunta sa amusement park! Hindi ako nakakapunta kasi over protective yung parents ko.

*Arian's POV*

Nandito na kami sa mini bus nila. Si Audrianna yung nagda-drive.

Nakita ko naman sila Hyacinth at Ezekiel, Rex at Lycha na naglalandian.

“Wao naman. Ba't kayo nagmamadali sa love life? Kelan yung passing?” Pagpapatama ko sakanila.

Napatigil naman sila.

“Ang bitter yata ngayon ni Arian?” Tanong ni Audrianna. Natawa naman kami.

Hays... Na-kwento na ba na nagpa-transfer na rin si Berry? Yan tuloy, wala na kaming maaasar. Hay....

Nakakabored pa din dito sa bus.

“Gais! May knock knock ako!” Sigaw nung baklitang ipis.

“Oh ano?” Tanong namin.

“Knock knock!”

“Who's there?”

“Joshua!”

“Joshua who?”

“Joshua wish your girlfriend was hot like me? Joshua wish--- Orayt!”

Tawa naman kami ng tawa dito.

“Ako naman may knock knock!” Sabi ni Hiyori.

“Knock knock!”

“Who's there?”

“Mentos!”

“Mentos who?”

“Mentos, my knees my shoulder my head.”

Tawa dito tawa doon dahil sa mga corning knock knock jokes nila.

“Uy, may knock knock joke din ako!” Sabi naman ni Audrianna.

“Knock knock!”

“Who's there?”

“Ako maba!”

“Ako maba who?”

Kru....

Kru..... 

Kru.........

“Audrianna Savannah Rivera! Magtutuos tayo! You're so nakakainis! I'm not mabaho! I'm mabango kaya! Hoo! Okay, stop na! Baka my fezlak is pumangit.” Sabi naman nung baklang dinosaur.

Ako maba who?

Ako mabaho?

Nesfuta.

Matutulog na nga lang ako.

*Hyacinth's POV*

“Hyacinth.”

“Hmmmm?”

“Wifey, gising na.”

Napadilat naman ako. Nakatulog pala ako.

Nung pagkadilat ko nasilayan ko yung gwapong mukha niya. At... 1 inch lang pagitan ng mukha namin!

Hongly Jisoos. Save me.

*le sings BTS's Save Me*

Stop na.

Napapikit naman ako ulit.

“Hahaha. Oo na. Tara na. Nandito na tayo.” Sabi niya at tumayo na kami.

Sina Clea naman nakabili na ng ticket. Kasama si Jake... May something?

Buti pa yung Girl's Day may something. Pero tayo wala.

Pumasok na kami at.

Wao! Ang gandaaa~

“Saan tayo sasakay?” Tanong ni Ace.

“Kay JHorse!” Walang kwentang sagot nila Arian at Clea.

Tumawa naman sila. “Joke lang! Sa Flying Fiesta nalang!”

Pumila na kami at sumakay na doon.

Nandito kami ngayon sa pilahan ng Rio Grande. At, at last makakasakay na kami. Yay~

Unang alon si Justine yung nabasa. Yung pangalawa si Renn.

“Yung matatamaan sa falls malas!” Sabi saamin ni Audrianna.

“Wahhhhhh~” Ako eh! Ako yung natamaan!

Pangalawa si Clea at pangatlo si Ice. Si Ice naman umiiyak tapos tatawa at iiyak na naman. Ang weird niya talaga.

➖ 

Nakarami na kami ng rides at sa huli ay Ferris Wheel! Actually katatapos lang namin sa Carousel.

Takot ako sa mga heights mga bes. By couple kami.

Napasinghap naman si Audrianna. “Edi kayo na may boyfriend/girlfriend. At least may Jeonghan naman ako.” Sabi niya.

Nagtawanan kami. “Haha... Sama sama naman tayong magkakapatid eh.” Sabi ni Ace.

“Kpayn.”

Nang makasakay na kami ni Ezekiel kinakaban na ako.

Tapos nagi-stop kami sa tuktok. Jisoos! Save me.

Bigla naman hinawakan ni Ezekiel yung kamay ko.

“Wag kang kabahan nandito lang ako.”

Bigla akong napayakap sakaniya.

“Ayieeeeeee! Ang sweet nila!” Pangasar nina Clea, Audrianna at Ace na katabi lang namin na cage.

“Mahal na mahal kita.” Sabi niya ulit sa'akin.

“I know, I know. Mahal na mahal din kita.”

Sardonyx AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon