Trisha.
Umaga ngayon,Saturday. Tinatamad akong bumangon. Pipikit ko na sana ang mga mata ko nang may maalala ako.
"OMYGHAD!" Saka ako napatakip ng bibig. Napatingin ako sa orasan. 8:46 na! Jusko,lagot ako kay Bakla nito!
Agad akong pumunta sa cr para makaligo at mag ayos.
***
"Mom, Dad morning!" Bati ko sakanila habang inaayos ang suot kong jeans at blouse.
"Kumain kana. Teka saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Daddy. Ngumiti ako.
"Makikipagkita sa classmate ko Dad." Saka ako umupo at kumuha ng pancake. Kitang kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Mommy.
"Ganyan ang suot mo?" Saka muling sinuri ang suot ko. "Yes Mom." Saka ako ngumiti.
"Why don't you use your dress? Iyong binili ko sayo nung nakaraan? Hindi ko pa nakikitang sinuot mo yon. Para kang lalaki pumorma! You know fashion naman hindi ba?" Napaikot ako ng mata. So conyo! Tss.
"Mom,alangan namang magdress ako sa mall d---"
"Wear it or else..." Punyetang buhay 'to oh! Padabog akong pumunta sa kwarto at saka kinuha ang dress na color mint. Okay na to. Eto kasi ang pinakasimple at hindi gaanong revealing.
"Mom,Dad,alis nako!" Saka ako sumakay sa kotse. Rinig ko pang sumisigaw si Mommy dahil sabi niya magpouch nalang ako kaysa backpack!
Nagmaneho ako ng mabilis patungong mall. Nakita ko naman si Aries na nakatayo na doon at tila inip na inip na. Sa postura niya,di mo iisipig bakla siya! Paminta kasi siya. Yes,paminta!
Actually kapag sa bahay siya,doon siya nagdadamit babae,tanggap kasi siya ng parents niya. Nakakainggit nga eh.
"Hoy babaita! Wala ka bang balak na lumabas sa pipitsugin mong carlalu?" Mahinang bulong niya sa bintana ng kotse ko,bukas kasi iyon. Matapos niyang sabihin iyon ay bumilog ang mata niya.
"Punyeta Baklaaaaa! Tinalikuran mo na ang pagiging tibo? Infairness ang ganda ng dress mo ha! Akin na lang yan Ish! Hihi,alam mo na,more attractive dress,more boys,more pleasu----."
"Stop it Bakla! What the fuck? Are you out of your mind? Me? Magiging babae ulit? Oh please,itaga mo sa bato,never akong magiging babae! Tss." Saka ako bumaba ng kotse dala dala ang bagpack ko.
"Whateves! So,let's go na Ish. I'm so excited hihihi. Daming fafabols." Saka siya tumawa. Agad ko siyang hinampas sa balikat.
"Shut up! Look,pinagtitinginan tayo. Act normal. Punyeta,may nakita lang na gwapo nawala kana sa sarili mo." Saka ako tumalikod at naglakad papuntang cr kaso ay may humarang sakin.
"Hi Miss." Saka siya ngumiti sakin. Fudge! Ako Miss? Oh,he's funny ha-ha-ha.
Tinitigan ko si Aries,at ayun siya! Nakatitig sa lalaking lumapit sakin! Wala ba siyang balak na tulungan ako? Mygod!
"Hi Mister. What do you want?" Saka ko siya tinaasan ng kilay.
"You." Simpleng sagot niya at saka naglipbite. KINIKILABUTAN AKO MYGOODNESS!
"Sorry,pero may boyfriend na ko." Saka ko hinatak si Aries na tulala pa din!
"Shoooo! Sinisira mo ang date namin!" Sigaw ko sa lalaki. Sumulyap ang lalaki sa aking hita bago umalis.
"MANYAK KA BRO!" Sigaw ko dito napatitig siya at lumaki ang mata. Ha! Siguro narealize niya na tomboy ako.
TEKA! KUNG NAREALIZE NIYA NAMAN YON,BAKA SABIHIN NIYA KAY MOMMY! TAPOS MALALAMAN NA TOMBOY AKO! JUSKO!