Lumipas ang ilang araw at mabuti naman dahil mukhang sumunod si Heron sa usapan namin. Medyo hindi din kami nagkikibuan ni Aries dahil mahirap na,masyado kaming maingay at mahirap na kung may iba pang makahalata.
Ngayon,nandito kami sa library. Naghihintay ng himala. Jokeee! Kasama ko ngayon si Drei,nagvolunteer kasi akong sasamahan ko muna siya. Noong una ay tumanggi siya pero sa huli ay pumayag din. Syempre! Sino ba namang tatanggi sa kagwapuhan kong taglay?
"Ish... baka mabored ka ah?" Nag aalangan niyang sabi.
"Hindi.." kasi kasama kita. Pero syempre hindi ko sasabihin 'yan. Hindi ako tanga mga brad!
"Ah ano.. sige kwentuhan nalang tayo para di ka mabored!" Nakangising sabi nito. Mas lalo tuloy akong nainlove sakanya!
"Mabuti pa nga!"
"Uh.. balita ko na guidance daw kayo nung transferee ah?" Nag aalangan niyang tanong.
"Ah.. oo siya naman kasi nauna e! Napakaangas,wala namang ibubuga." Napatitig siya dahil sa mga sinabi ko. "Ay.. hehe I mean,ang hangin niya! Oo sobrang hangin!" Saka ako humalakhak.
"Ahh.. anong naging punishment sa'yo?" Tanong niya muli.
"Edi ayon,ako 'yung naging tour guide niya." Nakangiwi kong sabi. "Ahh. Ang swerte mo naman." Saka siya lumingon muli sakin.
"ABA! Anong swerte do'n? Yuck. Kadiri!" Nandidiri kong sabi,muli ay kumunot ang noo niya.
"Anong nakakadiri do'n? Gwapo siya.. malakas ang dating! Gano'n ang mga tipo kong lalaki.. parang si Aries." Nakangisi niyang sabi. Ouch naman brad!
"'Wag mong sabihing napapangitan ka kay Heron?" Kunot noong tanong niya.
"Hindi naman.. may itsura naman siya but,he's not my type." Simpleng sagot ko lang dito. Tumango tango lang ito.
***
Nang makauwi ako ay kumunot ang noo ko nang maabutan si Mommy sa labas ng bahay. That's unusual.
"Hi Mom!" Bati ko dito at akmang hahalikan siya sa pisngi pero agad siyang umiwas.
"To my room,NOW!" Ramdam ko ang galit sa boses niya. Uh,anong problema? Jusko,parang kanina lang ay kasa kasama ko pa ang aking sinisinta hahaha!
"Where are you going Trisha?" Matigas na sabi ni Mom. GALIT NGA SIYA! Trisha ang tawag e. Ano namang atraso ko kay Mom?
Hay nako mga babae talaga! Nagagalit basta basta. To the point na nagiging unreasonable na sila. Magugulat ka nalang bigla biglang magagalit. Mga abnormal talaga ang mga babae.
Pero teka... BABAE DIN AKO!
Napailing nalang ako sa katangahang naisip ko. "Ah.. I'll change my clothes po muna." Sagot ko dito saka ngumiti.
"No. Mamaya na. We need to talk." Tumango ako saka nagdire diretso sa kwarto niya.
Wala si Daddy. Ayos! Walang papagitna sa amin ni Mommy kung sakaling magka World War III.
"Trisha,look at me! Isang tanong isang sagot,ARE YOU LESBIAN?" Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Mom. Napaawang ang labi ko sa tanong ni Mommy.