"Hoy Bakla!" Tawag ko kay Aries ng makita ko siyang nakaupo sa may bench. Lumingon siya sakin at pinanlakihan ako ng mata.
"Hoy! Punyeta ano ka ba? Wag ka nga maingay mamaya may makarinig sayo eh!" Saka niya ako inismiran at tumingin ulit sa kanyang tinitignan. Sinundan ko naman ang tinitignan niya. Si Calever Jeim Harvardd. Cj or Vie for short.
"Type mo si Vie?" Tanong ko tumango naman siya. "Oo! Gwapo niya beh ahihihi!" Saka siya nagpapadyak. Napairap nalang ako.
"Uy Isha! Goodmorning." Napatulala naman ako. Brad nakakakilig hihihi! Binati ako ni Dreisa Mendes. Ang crush ko! Oh bro,akin lang yan walang mang aagaw! Sapak kayo sakin sige kayo.
"Hi Drei!" Saka ako tumayo at inayos ang palda ko. Kahit hindi ako komportable e kelangan kong maging pa girl dahil baka isipin niyang tomboy ako.
"Uyyy.. K-kasama mo p-pala si A--Aries?" Tanong nito sakin. Tumango lang ako. Napatitig naman sakin si Aries na parang nandidiri.
"Oo eh. Hehehe. Friend ko kasi siya diba Ries?" Tumango naman ito at inirapan ako.
"Sorry Drei wala sa mood si Ries ah? Nabusted kasi kagabi ng nililigawan niya hahahahah!" Napatingin naman ako ka Aries bigla naman niya akong tinitigan ng matalim.
"G---Ganun? S----Sige una n----na a--a---ako." Saka tumakbo ng mabilis si Drei.
"Pre,may gusto yata sayo si Drei ah?"
"Wapakels ako beh! Alam mong loyal ako kay Vie hihihi! Hoy basta pag nanligaw sayo si Vie wag mo sasagutin. Malilintikan ka saking gaga ka!" Saka siya nangalumbaba.
"Basta wag mong sasagutin si Drei. Magkakamatayan tayo brad!" Saka ko tinap ang shoulder niya pero tinignan niya ako ng masama.
"Ikaw gaga ka anong sinabi mo kay Drei?" Pagkatapos ay binatukan ako.
"Hoy wala akong sinabi ka...... Aray naman!" Reklamo ko ng hilahin niya ang buhok ko.
"Pasok na tayo Ries!" Saka ako tumakbo palayo. Kitang kita ko ang pag usok ng ilong ni Bakla. Hahahaah! Buti nga sakanya. Nye nye nye.
****
Nang makarating ako sa room ay sobrang ingay as in! Este kaming dalawa pala. "Shhhh!" Pagbabawal ko pero tanging irap lang ang iginanti niya sakin. Oh well...
"Ano bakla? Keribels mo pa? Masyado ka kasing mapapel na tibo ka hahaahahah!" Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagtungo sa upuan banda sa likod. Sumunod naman sakin si Bakla.
Napasulyap ako sa relo ko. Late na ng 5 minutes ang teacher namin. Kumuha nalang ako ng notebook at nagsulat ng kung ano ano doon.
"Monday na naman ngayon. Hayyyy!" Bored na sabi ni Aries saka dumikwatro.
"Hoy bading ayusin mo nga upo mo!" Singhal ko dito. Mukha namang nahimasmasan siya at umayos ng upo.
"Good morning class sorry kung na late ako ng ilang minuto." Panimula ni Ma'am lahat kami ay natahimik.
Nakafocus kay Ma'am dahil may iaannounce yata sya. "May Transferee kasi tayo. Hindi lang isa but two. So pakiwelcome sila ng maayos." Sunod sumod naman ang sagot nila na yes ganun.
"Okay. So,come in." Sabay sabay kaming lumingon sa pintuan. AKSSBAKENDKFKGLANWNS!
"Bakla! Yan yung lalaking bastos. Saka si She yung maganda hihihi yung chixx!" Binatukan naman ako ni Aries at sinabing umayos daw ako. Uhaw na uhaw daw ako sa chixx pshhhh.
"Hi,my name is Shenina Lopez you can call me She. Sana maging kaclose ko kayo." Saka ngumiti si She.
"Ang ganda mo ateeeee!" Sigaw ni Gina.
"Hala ang dyosa niya." Bulong ni Hannah na siya namang narinig ko. "Brad,sabi sayo chixx eh." Bulong ko kay Aries pero mukhang hindi niya narinig dahil nakafocus siya sa lalaking manyak!
Tinitigan ko yun,bigla siyang ngumisi sakin! Mygoodness! Omo. Eto na ba ang katapusan ng mundo? Noooooooo!
"Hi,my name is Heron Vince Gomez and I want to sit beside her.." Saka niya ako tinuro.
"WHAT?! ME? HELL NO! SAPAKAN NALANG OH!" Nagulat naman sila sa inasta ko. Punyeta ka Trisha,umayos ka! Napaghahalataan kang tibo! Mygad.
"Hoy Ish,umayos ka nyeta ka,ano maglaladlad ka na? Sinasabi ko sayo Ish. Naku naku! Kukutusan kita dyan eh!" Saka niya ako kinurot.
"Lagot ka mamaya sakin. May sapak ka sakin Ries!" Inis na sabi ko dito. Umirap lang ito.
"Sapakan? Saan Miss...... Miss Trisha Yuri Jinn." Saka siya kumindat sakin.
"Iniinis mo ba ko?" Lumapit siya sakin. Yung teacher naman,nakatanga lang. Wala man lang ba siyang gagawin? Ughhh!
"Wag kang lumapit! Sinasabi ko sayo makakatikim ka sakin!" Inis na sabi ko. Gigil na ako mga brad.
"As if kaya mo ko." Saka tumawa si loko. "Calm down Miss Jinn and Mister Gomez." Sabat ng teacher namin. Uupo na sana ako pero nagsalita pa siya.
"Tomboy ka no?" Doon kumulo ang dugo ko. PUNYETA! NAPAKA KAPAL NIYA!
Agad akong lumapit sakanya.at hinawakan ang mukha niya. Saka ngumiti.
"Ako,tomboy?" Saka tinuro ko ang sarili ko,inilapit ko ang mukha ko. Konti nalang..... Saka ko siya sinuntok. Bull's eye!
"Welcome to Hurricane University and Welcome to hell." Mahinang bulong ko saka tumakbo palabas ng room.
"Arghhh ouch! Damn it hurts! Tomboy ka talaga! Lesbiiiii!" Malakas na sigaw niya tchhh.Rinig ko ding tinatawag ako ng teacher namin. Nawala tuloy ang pagkademure ko mygoodness! Sana naman hindi nila ako isumbong kila Mommy. Kapag sinabi nila 'yun baka isipin na ni Mommy na tomboy ako!
At patay ako non! Sheeez. Bakit ba di muna ako nag isip nang pwedeng mangyare? Hay mga brad,lagot ako nito. Dumiretso nalang ako sa canteen at bumili ng sandwich. Nakakapagod din pala manuntok no?
Inayos ko ang palda ko at ang uniform ko para maging ka aya aya naman ako. Syempre dapat nabaeng babae ang dating no.
Nagumpisa na kong lantakan ang sandwich. Mga brad! Whoooo! Ang sarap mg feeling na ikaw lang mag isa sa canteen. Solong solo mo. Napatigil ako sa pagkain ng may tumawag sakin.
"Miss Jinn. Pinatatawag ka sa office." Nilingon ko ang nagsabi non. Shizzzzz! Mga brad kinakabahan ako. Hindi ako natatakot,kundi kila Mommy ako nag aalala!
Punyeta! Sana madaan nalang sa usapan at walang patawag ng magulang ang mangyayare. Nang dahil sa transferee na yan napahamak ako! Shizzz kalbaryo ang hatid ni transferee sakin mga brad!
To be continue...
DONT.FORGET.TO.VOTE
COMMMMEEEEEENTTTTTT COMMMMMEEEEEEENNNNTTTTT HAHAHAHAHA.
-missfries