Trisha.
Naguusap kami ni Aries nang biglang nagkalaglag ang mga kahon sa likod. May tao?!
Pinandilatan ko ng mga mata si Aries. Dahil kung mayroong tao,paniguradong patay kaming dalawa! Mabubuko ang mga sekreto namin!
"Halika pst."aya ko dito saka hinatak siya sa may mga box.
Sobrang gulo. Laglag ang mga kahon sa sahig. Malalaki pa naman ito. Sinilip ni Aries sa kabila,umiling siya. Kaya naman sinilip ko sakabila. Wala din.
Lalakad na sana kami palayo pero biglang umuga ang isa sa box. "Bakla. May tao." Mahinang bulong sakin ni Aries.
"tignan mo nga." Utos ko dito. Ayoko ngang silipin! Baka mapahamak ako no.
"Bakit ako? Ikaw na! Diba matapang kang lesbi ka!" Saka tinulak niya ko papuntang box. Sinamaan ko siy ng tingin.
"Ikaw na kasi! Ikaw ang lalaki dito!" Saka ko siya tinulak. Umirap siya sakin.
"Pusong babae ako. Ikaw,pusong lalaki kaya ikaw na! Diba matapang an mga tomboy!" Saka siya umirap. "Kaloka ka Ish ha! Haggard na tuloy ako!" Saka niya inayos ang polo niya.
"Pshhh. Duwag!" Asar na sigaw ko dito. Humagikgik lang ito at tila nagpapaypay. Akmang iaangat ko na ng muling gumalaw iyon.
"Bilis! Ang tagal ha. Kaloka naman!" Parinig ni Aries. Hindi na ko nag abalang lingunin siya. Bahala siya diyan. Tss.
Agad kong inangat ang kahon. "MEOWWWW!"
"AHHHHHHHHHH!"
***
Aries.
"Okay na po ba siya?" Tanong ko sa nurse na nag assist samin.
Kung tatanungin mo kung nasan kami,mga beh,nasa hospital kami! Ganito kasi yan.
Flashback.
Nakatitig lang ako sakanya. Kalurkey tong babaita na to! Ang tagal iangat yung kahon! Agad kong kinuha ang salamin ko para tignan ko kung gaano ako kaganda hihihi.
"MEOWWWW!"
Napalingon ako. Shocks! May pusa! Wahhhhhh! Akmang tatakbo nako sa labas sa sobrang taranta.
Nang biglang.
"AHHHHHHHHHHH!"
Napalingon ako. Sheyt na malagkit mga beh! Dinamba si Ish ng pusa!
"Wahhhhhhhhhh! Bakla tulongggg!" Akmang lalapit na ko ng biglang kalmutin ng pusa si Ish sa may pisngi niya.
"Bakla." Saka siya nanginig sa takot. Punyeta! Takot pala si Gaga sa pusa!
"WAHHHH TULONGGG!" Sigaw ko saka lumabas sa room. Sakto namang papasok sa room si Fafa Heron. Hihihi.
Saglit akong nastuck sa kinakatayuan ko. Ang wafuuuuu!
"Anong nangyare?!" Hinihingal na tanong ni Heron sakin. Oh----Heron mylove------
Napailing siya at lumingon sa nakahigang si Ish. Ano ba yan! Agaw eksena si bakla!
At ayun,si Heron ang nagdala kay Ish sa hospital. Hindi na kami pumuntang clinic. Sa hospital na kami agad. Buti at pinalabas kami ng guard.
end of flashback.
***
Trisha.
"Nasaan ako?!" Saka umupo si Ish. Napasampal ako sa noo ko. Pusa.....