Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyare ang nakakahiyang insidente na iyon. At ilang araw din akong hindi pumapasok! Nakakahiya.
"Anak? Di ka pa ba papasok? It's been three days anak." Tanong ni Daddy saka pumasok sa kwarto.
"Dad. Bukas nalang." Sagot ko dito saka nagtalukbong.
"Hayy Trish. Basta bukas pumasok ka na okay? Saka next week babalik ka ulit ng hospital." Saka lumabas si Daddy.
AHHHHH SO MEANING IINJECTION-AN ULIT AKO NEXT WEEK?
Ghad.
Napasulyap ako sa cellphone ko ng magring iyon. Aries Bakla Calling.
hello bakla?
[hoy ish! Ano bakasyon ka na ganern? Mygoodness! Baka gusto mong pumasok pasok ha?]
wala pa ako sa mood. Hmmp. Nakakahiya!
[keribels mo yan arti arti mo ha!]
Hay ewan ko. Baka bukas ako pumasok or sa Monday na.
[HUWAAAAT?! NO WAY BAKLA. SIGE PAG DI KA PUMASOK IUUPLOAD KO YUNG VIDEO MO HUWAHAHAHAHA]
Gusto mong sipain kita? Damn you. Bakla ka talaga.
[huy te,hinaan mo nga boses mo,nakaloudspeaker to gaga!]
Ano? Wag mo iloudspeaker punyeta kang bakla ka mabubuko tayo niyan eh.
[nasa locker naman ako walang masyadong tao,eto na. yan okay na so ayun nga pumasok ka ha jojombagin kita pag di ka pumasok!]
Oo na oo na. Ge pahinga muna ko bye beks.
[bye tombs.]
THE HECK? ANONG TOMBS?
Ahhhh ang sagwaaaa!
Matapos niya akong babaan ng tawag ay tinadtad ko siya ng text. Nakakagigil! What the hell? Tombs? Jusko mga brad nakakainis.
***
"Anak? Trish? Can I come in?" Agad akong bumangon at inayos ang sarili ko. "Yes,Mom." Sabi ko dito. Nakangiti si Mommy ng pumasok sa kwarto ko.
"ANAK! OMYGOSH! DUMATING NA SI TITA HEMIAN MO!" Excited na sabi niya sakin.
"Ha? Sino yon?" Takang tanong ko. Ang masayang mukha nya ay napalitan ng pagkakunot ng noo.
"'Yung bestfriend ko noon!" "Nakalimutan mo na?" Dagdag pa nito.
"Ahhh.. Naalala ko na. Why,Mom?" Tanong ko dito.
"Eh kasiii! Eto... May binigay siyang mga dress at bags para sayo! Mygosh! Saka may dinner tayo mamayang gabi with them!" Saka siya nagtitili.
Ghad. Nakakairita kapag ganito si Mommy sobrang kikay! Mygosh.
"Ok." Sagot ko dito saka tamad na humiga.
"Wala ka man lang reaction?" Takang tanong nito. "Meron. Masaya ako." Saka ako ngumiti ng pilit.
"At heto! Balita ko gwapo ang anak ni Hemian! Omygosh!!! PWEDE KITANG IRETO DON!" Saka siya ngumisi ng malaki.
"WHAT?! NO WAY MOM!" Gigil na sabi ko saka naparoll eyes ako ng wala sa oras.
"What? Ayaw mo? Sayang... mainam nga iyon para kilala namin 'yung pamilya ng mapapangasawa mo." Nakangusong sabi nito.
"WHAT?! ASAWA?! AGAD AGAD?! JUSKO. I'M TOO YOUNG FOR THAT." Sabi ko dito saka napairap.
Brad,may balak pa yata si Mommy na pakealaman ang magiging boyfriend ko. Ewwww. Ayoko ng lalaki psh. Yak! Buti sana kung babae eh.