My Prince From The Past

5K 102 7
                                    

PATIKIM....

Nagtatakbo ako sa isang kakahuyan. Di ko alam kung nasaan ako basta nagising ako na nandito na ako sa parang kakahuyan at may mga tumatahol pang mga aso o isang... waaaa gusto ko nang umuwi!

Sa kakatakbo ko bigla akong nadapa. Ang sakit ha tama talaga mukha ko sa sahig.

Nakaramdam ako ng kaluskus kaya agad akong napaupo at tiningnan kung saan galing ang kaluskus.

Nakakatakot naman dito. I want my mom and dad!

"Waaaa! Promise ko na di nako magiging makulit at pasaway. Basta ibalik niyo nako sa mom and dad ko!" Sabi ko habang nakapikit at pinagdikit ang dalawang palad ng kamay ko.

Nakaraning padin ako ng kaluskus kaya napamulat ako nang makita ko ang isang hayop na di ko inaasahan.

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

"B-bakit nandito yan... dapat nasa zoo yan." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa isang Tigre at palapit saakin. Kakainin nako nitong tigreng toh!

Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?

Gusto ko pang mabuhay, maging masaya at makita ang forever ko!

Sana makita ko na forever ko bago ako mamatay! Patalon na ang tigre kaya napapikit ako ng makarinig ako ng espada kaya napamulat ako nakita ko ang isang lalaking pumatay sa tigre.

My knight and shining armor! Lakaiba lang ang damit niya kasi mukhang nakapalda siya.

Nakatalikod siya at unti unti akong tumayo at siya naman tumingin saakin.

At biglang nag smirk.

"Uhmm... Salamat pala." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Bakit ka pa lumalabas ng gabi alam mo naman na may mga mababangis na hayop dito." Sabi niya at napayuko ako sa sinabi niya.

"Eh sa di ako taga dito at napadpad... teka wag mo kong talikuran!" Inis kong sabi. Susundan ko sana siya ng napaluhod ako di ko napansin natisod pala paa ko.

"Aray naman oh." Napahawak ako sa paa ko.

"Tsk." Napatingin ako sa nagmamay ari ng boses at nakita ko na binuhat niya ako.

Kaya napayakap ako sa leeg niya. At naglakad siya at di ako pinansin. Teka ba...

"Saan mo ko dadalhin! Siguro i-re-rape mo ko noh!" Sabi ko sa kanya. Wala man lang reaction mukha niya.

"Tumahimik ka baka iiwan kita dito." Sabi niya. Napapout nalang ako at tumingin kung saan kami dadaan. Napangiti nalang ako kasi niligtas niya ako.

Kahit masungit, mabait padin pala siya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Siguro sinagot niya na makaharap ko forever ko. Teka di pa siguro ako mamamatay noh?

******

LMCD 2016

Ang picture sa taas ay sina Miles, Blaze, JR and Marga.

My Prince From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon