Chapter 13: Sprained Ankle

1K 35 0
                                    

Ewan ko ba, parang lahat ng galit ko kay Thunder kanina parang lahat ng yun nawala, ewan ko kung bakit o kung paano, basta ang alam ko lang nung nakita ko syang nagba-basketball ng mag isa sa madilim na Gym nato ngayon (dahil walang ilaw ayaw niya atang buksan yon) kaya ang tanging liwanag dito sa kwartong ito ay ang liwanag mula sa malalaking bintana sa itaas ng mga bleachers dito sa Gym, habang sya ayun shoot ng shoot ng bola sa ring ng paulit-ulit samantalang ako, andito nakatayo sa gilid ng bleachers kanina pa sya tinitignan ewan ko ba! Para akong baliw pero habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanya parang lalo kong narerealize na antangkad niya pala at sa malayo palang alam mo na agad na gwapo sya.. teka! Wait nagsa-sudden realization ata ako ah.. ano bang, ano ba tong iniisip ko? Teka nga

"Titigan mo na lang ba ang kagwapuhan ko dyan?"tanong ni Thunder sakin habang nakangisi at nakatingin sakin at hawak ang isa pang bola niya

Teka.. i snap out of my thoughts and came back to reality, at bumalik lahat ng pagkairita ko sa kanya

"Hoy! Ikaw ThunderStorm! Hindi naman ata tama yan puro ka request at demand dyan ah.. pumayag na ako sa consequence mo, pumayag na din ako na ngayon na lang magtry-outs sayo tas ngayon kailangan may Audience at Fans ka pang nalalaman dyan aba! Iba na ata toh ah.. kaartihan na ata toh eh.. hindi na game."sabi ko sa kanya ng pa-sarcastic at habang lumalapit sa kanya at huminto ako sa paglalakad nung natapos akong magsalita

"Eh.. bakit una, ikaw ang nang-challenge at pumayag ako dun, pangalawa pumayag ako sa consequence mo sakin at pangatlo hindi naman ako yung nangchallenge diba? Tag-Init"sabi niya sakin habang lumalapit ng unti-unti sa bawat salita niya habang nakatitig sa mata ko at ako umaatras ng Umaatras

"E-eh.. sino bang nagsabi sayo na pumayag ka.. sa.. ch-challenge nayun.."sabi ko sa kanya na medyo nauutal-utal, dapak! Whats happening with me?

"Tama ka nga, sino bang nagsabi sakin na pumayag ako.. sino nga ba? Huh.. Tag-Init?"tanong niya sakin ng dahan dahan habang papalapit ng papalapit sakin at ako paatras ng paatras habang nakatitig parin sa mga mata ko na pilit kong iniiwasan

"E-ewan, ewan ko s-sayo.. kung sino.."sabi ko habang nauutal muli at habang naatras pero this time hindi ko na iniwasan ang mga mata niya at nabagsak ko na ang bag ko at nakita ko din sa mga mata niya ang hindi ko maintindihang emosyon pero ang alam ko lang ay malakas at isa lang gustong ipahiwatig ang emosyon na ito pero hindi ko alam kung ano yun

"Gusto mo bang malaman kung sino?"sabi niya sakin habang nalapit sakin ng dahan dahan at nakatitig sa mata ko at ako parang tangang atras ng atras, sumimangot ako

"S-sino.. ba yun?.. m-mabugbog.. nga yun.."sabi ko habang naatras parin sinubukan kong maging nakakatakot sa bantang yun pero ewan ko ba parang nanghina ako, nawala yung lakas ko parang naging jelly ako, tsaka lahat ng katangahan na sinasabi niya nilalagyan ko ng katangahang tanong, bwisett!! Ano bang nangyayari sakin!?

tumingin siya sa sahig at Tumawa lang sya ng mababaw, at tumitingin uli sakin at nilapitan uli ako ng dahan dahan at ako naman atras ng atras

Teka, ano bang balak nentong, Thuder nato sakin, tsaka ba't parang ang gulo niya nakakabanas siya ah.. hindi ko sya maintindihan, tsaka ano bang nangyayari sa kanya? Pakshet! Tong lalakeng toh ah..

Sa sobrang lalim kong magiisip at sa kakaatras ko na out of balance ako at nadulas nakita ko si Thunder na hinagis yung bola niya sa tabi at halatang gulat sya pumikit ako at hinintay na saluhin ako ng sahig.. nang nagulat ako may dalawang matitigas at malalakas na braso ang sumalo sakin napakapit ako sa balikat ng taong sumalo sakin habang nakapikit parin, ramdam ko ang paghinga niya sa mukha ko amoy ko ang mala Mint at Matapang na amoy niya na pamilyar na pamilyar sakin at pati narin ang pagtibok ng puso niya ay ramdam na ramdam ko, dumilat ako ng dahan dahan at tinignan ang mata niyang nagnining-ning na may emosyon na parang may matagal ng tinatago, ano kaya yung tinatago netong impakto na toh? Nasira ang malalim na pagiisip ko nung may naramdaman akong sakit mula sa paa ko

The Bitter And The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon