Chapter 90: Explanations

233 3 0
                                    


"tama.. dun nga tayo sa labas.."

To be continued..

'ano kayang ginagawa ng gagong yun dito?', nakasimangot si Dave habang nag-iisip kung ano ang ginagawa ng 'Nathan' na yun dito sa hospital at ano nanaman ang kailangan ng dati nilang kababata

'pano niya kaya nalaman na nandito sila? at ano nanaman ang ipapaliwanag nito sa kanila?', mariing nag-isip si Dave habang unti-unting kumukuyom ang kanyang kamao. slowly realizing na siya, siya yung taong tumawag sa kanila kanina, siya rin ang nagsabi sa kanila kung saan matatagpuan sila Storm, Summer at Josh na ikinasimangot naman ni Dave ng todo

'kung kilala niya nga ang mga Del Valle, Evans at pati silang magkapatid.. posible na siya si Nathan.. pero.. paano niya nalaman ang location nila? pano-', a sudden flashback came into Dave's thinking

•Dave's Flashback•

"oi! sa tingin mo.. asan na kaya si Nathan? okay lang kay-"naputol ang pagsasalita ni Dave, habang nakain ng chips sa sala, dahil sa malakas na pagbayo sa gate

"t*ngina.. sino ba yun? ano pang use ng doorbell kung dadabugin lang nga gagong yun ang pinto?"naiiritang tanong ni Jake bago ito ibinaling muli ang atensyon sa tv

"buksan mo nga yun!"naiiritang utos ni Jake kay Dave na napa-simangot na lamang bago bumuntong hininga at tumayo upang pagbuksan ng gate ang nambubulabog na iyona

ngunit bago pa lamang makalapit si Dave sa gate ay naririnig na niya ang marahang paghingi ng tulong ng napaka-pamilyar na boses, kaya dali-daling tumakbo si Dave sa gate at pinagbuksan ang kawawang Nathan na naka-upo na sa may hagdan papasok ng gate habang nakatungo at duguan ang damit

"oh? anong nangyari sayo 'tol? napuruhan kaba ng sobra? tara pasok na tayo sa loob?"sabi ni Dave habang nakatungo sa lebel ni Nathan, inangat naman ni Nathan ang kanyang ulo upang makita ni Dave ang nangyari sa kanya

puno na ito ng dugo at sugat sa mukha at tutulungan ko na sana siyang tumayo para pumasok kami sa loob ngunit umiling siya ngumiti lamang ng mapait sa akin

"sino ba yan ha? Dave? ba't ka naman nagtatagal diyan?"tanong ni Jake habang papalapit sa amin, umusog naman ako ng kaunti para makita niya si Nathan

"Nathan? p*ta 'tol. sino nakamuro sayo? t*ngina! gantihan natin ya-"pinutol na lamang ito ni Nathan ng mapait na tawa habang umiiling

"di na 'tol.. wag na lang, salamat na lang.. pero.. last na'to.. ayoko ng magsunod-sunuran diyan kila Rad at Surge na yan.. pagod na ako pre. 'yoko na sa mga gang-gang na yan.."

•End of Dave's Flashback•

"Dave.."narinig ni Dave ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya, Dave looked up and saw his childhood friend and her friend and he put both his hands on his hips looking pissed off

"so.. paano mo nalaman kung nasaan sila Storm?"tanong ni Dave sa kanya na halata namang nag-iigting na ang panga, nagulat naman si 'Nathan' sa tanong ni Dave

"sabihin mo nga sakin, parte ka ba ng gang nila Steveson?"tanong ni Dave bago pa masagot ni 'Nathan' ang unang tanong niya, napa-simangot naman sa pagtataka si Sunny at napansin iyon ni Dave

The Bitter And The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon