Chapter 6: A Revenge

1.1K 41 0
                                    


"Shit!" Sigaw ni Impakto sa di kalayuang table habang binubuga ang ininom niyang soda kasama ang mga babae nya at ang tropa niya, napapigil kami ni Charlie at Sunny ng tawa dito sa table namin at si Neil mukhang kinakabahan dahil ayaw niyang gumanti kay Impakto..

•Flashback•

"Ayoko!" Sigaw ni Neil saming tatlo at medyo napatayo sa kinauupuan niya

"Shh.." Saway naming tatlo sa kanya si Charlie tinakpan ang bibig niya si Sunny nakalagay ang Index Finger niya sa labi niya at ako naman tinitignan ko sya gamit ang 'Shut-your-Mouth' eyes, napangiti naman sya habang nagblu-blush dahil pinagtinginan kami ng mga estudyante dito, umupo sya pabalik sa upuan niya at nagpeace sign samin

"Wag ka kasing maingay, kung ayaw mo sumama di wag mo, di ka naman namin pinipilit eh.."sabi ko sa kanya while rolling my eyes on him

"Sorry, eh.. kasi naman ayokong gawin yun, malinis pa kasi ang record ko dito sa School nato. Ever Since i was on my 1st year, chaka hindi lang naman ang reputation ko ang inaalala ko.. eh pano kayo? Pano pag napa-trouble kayo? Pano pag napa-office kayo siguro di niyo naman kaya yun diba?"tanong niya samin, well i don't care about office and detention i can get away on problems by myself..

"Ano ka ba Neil ang kj mo! Bahala ka nga kung ayaw mo, chaka hindi naman niya malalaman na tayo yun kung di tayo magpapahuli at walang magsasabi." Sabi ni Sunny kay Neil, nagisip ng matagal si Neil

"Ano?" Nagmamadaling tanong sa kanya ni Charlie

"Sige na nga! Basta bahala kayo sa bubay niyo kapag napa-office or napa-trouble kayo, Im out of that at wag niyo din sasabihin na hindi ko kayo binalaan or anything.. basta.." Letanya ni Neil medyo natawa nalang kami sa kanya

"Opo Mama!" Sabi ni Charlie sa kanya na medyo natatawa pa, eh para ba naman kasing nanay toh si Neil kung makapagbilin eh.. wagas kala mo naman mamatay na, I just rolled my eyes at them

Teka! Andito na si Impakto ibig sabihin oorder na yun

"Guys! Andyan na sya!" Sabi ko sa dalawa habang dala dala ko ang bag ko

"Basta, mag ingat kayo wag kayong magpahuli sa kanila ah.." Sabi ni Neil samin

"Opo Ma! Mag Ingat din po kayo!" Pang-aasar ni Charlie kay Neil at umalis na kami papuntang Kitchen ng Cafeteria at si Charlie sa harap ng Cafeteria

Inilabas ni Sunny ang mga patagong kinuha niyang susi sa office para sa Susi ng Kitchen ng Cafeteria,nilagay ni Sunny ang susi at inikot niya ito

*Click*

Bukas na ang pinto! pumasok nako sa loob at tinignan si Sunny na nakatayo lang sa pinto

The Bitter And The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon