Chapter 25

1.9K 40 19
                                    




Mika's POV


I stayed.

Who am I to resist her, right? Maybe other would, but I doubt.

Buong araw, walang ginawa si Ara kundi lambingin at landiin ako. Nanuod kami ng movies at nagpadeliver na lang ng pizza dahil ayaw talagang lumabas nitong boss ko.

I don't know if it's just me, but there's something really strange by the way Ara treats me. I'm not used to this, but I could get used to this. And it's scary. Scary in a way na baka nadadala lang siya sa mga surprises, sa mga pakulo at pasabog ko. But what if maubusan na ko nun? Pano kung wala na? Hindi pa rin ba siya magsasawa sakin?

Di ko namalayang nakatulala na pala ako ng biglang nagsmack si Ara sakin.

"Tell me what you're thinking, Kitten." Nakangisi niyang bulong sa tenga ko. Naginit na naman ang pakiramdam ko sa ginawa niyang yun. Pero mas lalo lang akong nalito nang mag sink in sakin ang sinabi niya.

Huh?

"Hmmm?" Halik niya sa tenga ko na siyang rason nang pagtatayuan ng mga balahibo ko sa batok. Damn!

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at binigyan siya ng mainit na halik sa labi. Ilang segundo din ang itinagal nun nang putulin niya ang paghahalikan namin na halos mapunta na naman sana paglalaro namin.

"Di mo sinasagot ang tanong ko.." malambing niya pa ding sabi.

REALLY? Kailan pa siya naging interested sa mga iniisip ko? Sa pagkakaalala ko ay wala kaming pakialamanan sa personal naming buhay sa labas ng sexual relationship namin.

"Ara, bakit mo tinatanong?"

"Masama ba?" napakunot noo siya at napasandal sa kabilang arm rest ng sofa, nandito din ako sa kabila. "Hindi ko ba pwedeng malaman? May ibang tao bang nilalaman ang isip mo?"

HUH?

"Hala! Lumabas ka sa katawan ni Ara!" Saka ako tumawa. Ito na ang naging defense mechanism ko lately. Ang hindi pag seryoso sa mga pinagsasabi niya.

She's extra sweet. She's extra clingy. But it will not change the fact na nakikipaglampungan pa din siya sa ibang babae. I know my place, I'm still aware of the rules. Ito ang natutunan ko in the process, ang maging matigas at makipagsabayan sa kanya.

Mahal ko si Ara. Ng buong puso ko. Pero naka 1 point na siya sakin. Tanga ako pero hindi ako manhid. Hindi ko intensyon at wala akong planong i-guilt trip siya or pagselosin siya, hindi ako ganun. But to protect myself, hindi dapat ako magpadala sa ka sweetan na pinapakita niya sakin. Feeling ko kasi bumabawi lang siya to make me feel better.

"Mika, mukha ba kong nagbibiro?" Nawala ang mapangasar kong ngiti nang pag angat ko ng tingin sa kanya ay nakakamatay sa pagkaseryoso ang mukha niya.

"Hahahaha!" Tumawa ako ulit. Umayos ako at umupo sa gitna ng dalawa niyang hita at dumagan sa kanya. Lalambingin ko na lang to. Ayokong patulan ang mga pinagsasabi niya. "Nakakatakot ka kapag seryoso ka." Malambing kong saad. "I don't like it.."

Binigyan ko siya ng magagaang halik sa leeg niya, sa likod ng tenga, sa balikat. "1.." tsup! "more" tsup!  "round?" tsup!

Ramdam ko ang paginit ng katawan niya. Hinihimas niya ang likod ka at lumalalim na rin ang paghinga niya.

———

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Tiningnan ko si Ara na kasalukuyang himbing ang tulog habang nakadagan ang kalahati ng katawan sa akin.

Napagod. Performance level eh.

Kinuha ko ang phone ko at agad na sinagot nang nakita ko kung sino ang tumatawag. Nakaramdam ako ng konting excitement.

"Hi!" Pabulong kong sagot habang maingat na umaalis sa pagkakadagan ni Ara.

"Kailan? Ngayon na?" Tinanong kasi nya ako kung pwede ako lumabas.

At oo, ngayon na daw.

Tiningnan ko ang babaeng nagpapasaya at nagpapalungkot at the same time sa akin habang himbing pa ding nakahiga sa kama. Naisip ko, hindi naman siguro masama kung gagawin ko din yung ginagawa nya. Naglalaro lang naman kami di ba? Pero ako yung laging talo. This time susubukan ko naman manalo, or kahit quits lang kami. Malay mo, kaya pala mahal na mahal ko sya eh dahil sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Paano pala kung may iba pang mundo na pwede kong ikutan.

Pero aaminin ko, di ko ata kaya na gawin yung ginagawa nya. Yung may kinakamang iba.

Hindi ko kaya yun.

Gusto ko lang makasilip ng ibang mundo. Para hindi gaanong masakit pag nakikita at nararamdaman kong may kalaro syang iba.

"Sige, hintayin mo 'ko."

Agad akong nagpunta sa banyo at naligo. I didn't know why I made sure the door is locked before showering. Siguro purisigido akong umalis ngayon at alam kong di ko na naman sya matatanggihan pag pumasok sya sa banyo at simulan akong lambingin uli.

Tulog pa din sya habang nagbibihis ako.

Nung ready na akong umalis ay naramdaman kong gumalaw sya sa kama.

"Aalis ka? Gabi na ah, saan ka ba pupunta?" Di makadilat na tanong nya.

"May importanteng lakad ako. Di na nga ako nakaalis kanina dahil sa 'yo eh." Defensive kong sagot.

"Lakad? Gabi? Ano yan?" Naiiba na yung tono ng pagtatanong nya.

Napabuntong hininga ako.

"Kailangan ba lahat irereport ko na sa yo? Sa huling pagkakaalam ko naglalaro lang tayo eh!" Sinikap kong tatagan ang boses ko.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha nya. Matagal bago sya nagsalita uli.

"W-wala naman problema dati pag tinatanong kita ah. Dati na naman tayong magkaibigan. Anong masama ngayon na tinatanong kita kung saan ka pupunta."

Nahimasmasan naman ako. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"Sorry, madami lang akong iniisip. May importanteng tao lang ako na kailangan i-meet."

Alam kong di pa din sya convinced sa sinabi ko. Pero di na sya kumibo ulit.

Kumalas ako ng yakap sa kanya at kinuha ang bag ko.

"Aalis na ako. Message mo na lang ako pag kailangan mo ako ha!" Sabay halik sa labi nya. Palabas na ako ng pinto nung muli ko syang tingnan.

Nakatingin lang sya sa akin hanggang makalabas ako. May nakita akong lungkot sa mata nya. Lungkot nga ba or mali lang ako ng tingin?

Laro lang ito sa kanya. Bakit sya malulungkot?

Ako ang lugi dito.

Kasi mahal ko sya. Mahal na mahal.

Kaya kailangan kong kumilos bago pa ako tuluyang malubog sa larong ito. Sa laro ni Ara.....





———

Expect a new Mika sa story na 'to.

Sorry, more than a year na walang update. Will try to update more often po.

Nga pala, first part nito is written by Author B. Tinuloy ko yung kalahati. Bigla nagkafeels eh.

Enjoy! - Author A

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon