Chapter 19

5.5K 96 31
                                    

4 days later...

Mika's POV

Hinalikan ko ng magaan si Ara sa bibig at bumangon na. Sinuot ko ang maluwag na shirt na suot ko kagabi before matulog. Kumuha ako ng bagong panty mula sa drawer sa baba lang ng cabinet ni Ara kung saan may iilang piraso ako ng mga damit at underwear.

Almost 2 weeks nang dito na ako umuuwi sa condo niya, ayaw kasi akong pauwiin ni Ara sa apartment ko. Pero syempre, pabor na pabor ito sakin. Wala na din akong pakialam kung ano ang iisipin ng iba. Hindi naman nagtatanong sina Carol o Kim. Si Cienne naman pati si Camille, hindi na din gaanong nagtatanong sakin.

Naghilamos lang ako at nagtoothbrush sa banyo saka binalikan si Ara. Hinipo ko ang noo at leeg niya, mainit pa rin siya.

Uhmmm, yeah, nahawa siya sakin. Habang pagaling na ako ngayon at hindi na gaanong masama ang pakiramdam ko, siya naman tong may sakit. Pero at least, hindi na siya kasing init gaya ng nakaraang araw.

Lumabas na ako sa kwarto niya para magluto ng brunch, kesa sa labas pa kami kumain, mas maigi kung magluluto na lang ako at dito kami kakain. Lunch time pa naman namin dadaanan sa studio ang equipments niya para sa shoot.

Titikman ko na sana ang sopas na niluluto ko nang may biglang yumakap sakin mula sa likod. "Ars," sambit ko.

"Morning, Kitten." ramdam ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang paghimas niya sa tyan ko kasabay sa paghalik niya sa batok ko.

"Ars, tapusin ko muna tong niluluto ko," hinarap ko siya at mabilis na hinalikan sa labi. "Wait lang ha"

Ngumiti siya, "okay." Saka siya dumiretso sa ref para kumuha ng tubig,

Naupo na si Ara sa hapag. Hinanda ko na ang pagkain namin at nagsimula din kaming kumain agad.

"Ars, sure ka na ba talagang magbibyahe pa tayo mamaya? Baka lalo ka lang magkasakit eh." Kahapon ko pa siya kinukumbinsi na wag na munang tumuloy sa Tagaytay mamaya. Pero ayun, tumuloy pa din siya sa opisina ng Rogue kahapon para makipagusap dun kay Mr. Garcia. Di na nga ako nakasama kasi inayos ko pa ang pagpapabook namin sa Tagaytay Highlands. Kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko.

"Ayoko ng ma delay pa ang shoot, Ye." seryoso niyang sagot. "Saka nakausap ko na din naman ang model kahapon. Go na din siya mamaya, at ayaw niya ring ma postpone pa."

"Magkasama kayo ni Martina kahapon?!" di ko na napigilan ang sarili ko, napalakas pa nga ata ang boses ko eh.

"Nakausap ko na. And yes, magkasama nga kami kahapon..." tumigil siya sa pagsasalita, parang nag-iisip. "Sa office lang naman kami ng Rogue."

Urgh, no! Hindi ko pwedeng pagdudahan si Ara! Hindi ko siya pwedeng kwestyunin. At sa pagkakaalala ko, marami lang siyang babae at madali siyang magsawa, pero hindi niya pinagsasabay ang mga ito. Tama. Yun nga, kaya imposibleng may nangyari din sa kanila ng babaeng yun.

"Sure ka?" tanong ko ulit.

"Pinagdududahan mo ba ko?" this time, nakataas na ang isa niyang kilay. Argh! Wrong move. Ayaw niya pa naman ng makukulit, baka biglang mapabilang na ako sa 'X' list nito.

"Sorry," yumuko ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Ye," hinawakan ni Ara ang baba ko at inangat ang ulo ko para maharap ito sa kanya. Diretso niya kong tiningnan sa mga mata. Sumakit pa ata ang dibdib ko. Ito na naman kasi ang nakakakaba and at the same time, nakakalaglag panty niyang paningin.

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon