Mika's POV
"Hello? Teka, nagsusuot pa ko ng sapatos." nakaipit lang sa tenga at balikat ko ang cellphone ko, natataranta ako. Alam kong dapat mas maaga ako ngayong dadating sa studio kasi may out of town shoot kami para sa Rogue.
"Nauna pang dumating sayo ang boss mo dito, hinahanap ka na.." si Cienne yan, editor sa studio na pinagtratrabahuhan namin. Malapit ko na ding kaibigan.
"Wala pa si Ye, papunta na.." rinig ko ang pagsigaw ni Camille sa background. Kambal ito ni Cienne, editor din sa studio.
Hindi ako nakarinig ng sagot galing sa boss-slash-love-of-my-life ko. Ganun naman kasi yun, silent but deadly. Pero hay...
"Huy, Ye, nandyan ka pa ba? Dalian mo na.."
"Oo, oo. Paalis na, teka lang. Baba ko na ah. Bye!"
Inend ko na nga ang tawag at lumabas na ng apartment ko. Isang jeep lang sana mula dito hanggang sa studio, eh kaso, nagmamadali talaga ko, kaya nagtaxi ako. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko, 7:30 pa lang ng umaga, mamayang 10 pa kami aalis, eh pero marami pa kasing ihahanda.
---
Pagdating ko sa office, busy na sila, si Carol na make up artist namin dito ay siyang naglalagay ng mga equipments sa bag. Si Camille naman pumipili ng lens na kailangang dalhin. Hindi nila napansin ang pagpasok ko. Ako naman na secretary-slash-alalay na unrequitedly in love sa amo ko, ay mabilis ng pumasok sa office niya dito sa studio para tingnan ang mga kulang pa sa dadalhin namin.
"Buti nandito ka na," nagulat ako sa paglabas ni Ara, ang boss ko nga, at naka cross arms na sumandal sa gilid ng pinto papasok sa mismong office niya talaga.
"Sorry, Ars," panimula ko. Ayaw niyang tawagin siyang Maam o Boss o ng kahit na anong tawag na masasabing mas nakakaangat siya samin.
"Okay lang, nga pala, parating na si Cass. Abangan mo dun sa labas, ayokong magtanong sina Cienne." sabi niya saka pumasok sa loob ng office niya.
Itong office ni Ara ay may office niya pa sa loob din mismo, bale dito sa labas ay may desk ako kung saan ako nakatambay kapag hindi niya ko kailangan. Nakakulong kami dito, or should I say ako lang, kapag gumagawa ako ng mga schedule ng appointments niya. Kung iisipin, madalang lang kami dito sa studio, kahit pa kasi co-owner si Ara nito, ay tied-up din siya na photographer sa Rogue magazine, modern version ng FHM.
At sa araw na to, ay sa labas nga ang shoot, sa isang private resort sa South. At yung Cass? Siya ang Girl of the Month ng Rogue. Siya din ang flavor of the month ni Ara. Haha. Baka nga flavor of the week lang pala.
Nung sinabi kong unrequitedly in love ako kay Ara, totoo yun. Ilang taon na, simula pa nung college kami, nung mga panahong hindi niya pa alam na nag-eexist pala ako. Masakit... kasi everyday, I have to deal with her, and when I say her, kasama na dun ang lahat ng babae niya at pagligpit ng mga basura niya. Pati na rin ang pag-aalaga sa kanya kapag may sakit siya at taga-absorb ng mga hinaing niya sa buhay. Pero masaya ako... masaya ako na dealing with her everyday means makakasama ko siya, maaalagaan, mapapayuhan. Kahit pa hindi naman siya nakikinig sakin.
"Ye?"
Pag angat ko ng tingin ay nakasilip si Ara sa pinto. "Hmm?"
"Nasa labas na siya. Thanks!" at sinara niya na ulit ang pinto.
Go signal na yun para lumabas ako.
---
Nakayuko lang yung Cass habang papasok kami. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong may tatlong pares ng mga mata na nakasunod ng tingin samin.