Flashback 3 days ago...
Patakbo akong lumabas mula sa unit ni Ara. Dumiretso ako sa elevator at agad na lumulan nang magbukas ito. Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko. And daya ni Ara, ang unfair niya!
Sobrang daya, sobrang unfair!
Gusto kong sumigaw ng malakas para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko! Kung sana gagawa siya ng kagaguhan wag siyang mag iiwan ng ebidensya! Ang tanga niya sobra! Ano naman ang akala ni Ara? Di ko mapapansin na nagpalit siya ng bed sheets at mga punda? Tapos andaming basahan dun sa laundry bag? Tapos ubos yung laman ng kakakalahati niya pa lang na odor fighter?
Duh! Ako kaya ang gumagawa niyan. Saka bago kami umalis papuntang Balesin ay nagawa ko na yun.
Naputol ang pagsesentimyento ko nang bumukas na ang pinto ng elevator. Pagkalabas ko ng building ay sumakay na agad ako ng taxi at nagpahatid sa apartment ko.
Pagkarating ko sa apartment ko ay agad akong tumingin sa internet, naghanap ako ng lugar na within the Metro lang pero makakapag-relax ako at makalimutan muna lahat ng hinaing ko. Yung tipong pagbalik ko sa trabaho ay magiging handa na ulit akong harapin si Ara.
Habang nagii-scroll ay nakita ko ang Wackwack Golf & Country Club. Ugh. Kailangang mag-register for membership. Medyo mahal pero keri na. Nagsend ako ng e-mail sa kanila na agad naman nilang sinagot kahit ganitong oras ako nag message. Pinadala ko na sa kanila ang detalye ng credit card ko at sinabing i-expect na nila ako mamayang gabi.
Pinatay ko na ang laptop ko. Humiga na ako sa kama at pinipilit na matulog. Pagod ako at maabutan na ata ako ng sinag ng araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Tuwing pipikit ako ay na vivisualize ko kung ano ang ginawa nina Ara at Martina. Kung napasaya niya din ba si Ara gaya ng pagpapasaya ko. Kung bukod kay Martina, may iba pa ba siya? Hindi ko alam. Wala na akong alam.
Ang alam ko lang ay pinasok ko ang katangahang ito and now I’m paying for the consequences. Alam ko naman in the first place, na masasaktan ako in the long run. Gusto ko na nga lang isipin na ma swerte na ako na umabot pa kami ng ganito katagal. At hindi ko alam kung ako ba mismo ay matatagalan ko pa ito.
------
Halos alas siete na ng gabi nang dumating ako sa Wackwack. Konti lang ang tao. Konti lang siguro ang makaka-afford dito. Haha. Eh kung sa membership pa nga lang, eh kalahati na ng ilang buwang savings ko eh. Pero okay na rin to, wala akong ineexpect na kakilala dito at ayoko ring may makakilala sakin dito.
Nagtungo ako sa parang bar ng country club. Malapit yun sa pool at hindi gaano ang tao. May minibar din na nakarugtong sa pool kung saan pwedeng mag-order ng drinks at mag-inom sa pool din mismo. May mga bar stools na gawa sa semento, kung doon mo mapiling maginom ay kalahati ng katawan mo ay lulubog sa tubig ng pool.
Kumuha ako ng locker at iniwan ang gamit ko dun. Nagsuot ako ng two piece suit, yung malas na two piece na binigay ni Cienne sakin. Wala na kasi akong mahanap na iba kanina. Hindi na ako nag-abala pang patungan ito ng kahit na anong saplot, iniwan ko na din ang gadgets ko sa locker para walang istorbo.
Gusto ko lang talagang mag relax. Ayokong mag-isip. Ayoko na ring makaramdam ng sakit, pagod na ko.
No, hindi ko hahayaang mawala kung ano man ang meron samin ni Ara. Nasasaktan lang akong isipin na hindi na talaga siya magbabago at wala na talaga atang pag-asa na seseryosohin niya ko. Parang bumaba ang confidence ko sa sarili dahil dun. Akala ko kasi, gandang ganda na siya sakin, hot na hot na siya sakin, at kuntento na siya na ako lang. Hindi pala. Mali pala ako. Hindi na ata ako magiging tama para sa kanya in more ways than one.