(The Beginning)
Unang Kabanata
#LoveRidesTheRain
" BoogSh!!! Wiyow! Wiyow! Wiyow!......." tunog ng ambulance. Nasa kalye ako at naglalakad ng mag-isa sa kalagitnaan ng gabi. Malayo pa naman ang lalakarin ko pero teka, san nga ba ako pupunta? Wala talaga akong ideya kung saan ako pupunta. Hindi ko rin maalala kung saan ako nanggaling at kung sino ang pamilya ko. I was an unknown person at that time Parang nagka-Alzheimer yata ako. Pero hindi naman ako matanda para magkaroon ng ganoong sakit.
Habang naglalakad ako palayo lalong lumalakas ang tunog ng ambulansya. Parang may nadisgrasya, kaya tumakbo ako para tingnan kung ano na ang nangyayari. Nang makita ko na ang ambulansya. Nahagip naman ng paningin ko ang maraming tao. Hindi ko sila kilala pero mga pamilyar ang mga mukha nila. Ewan. Naglakad na ako papunta sa naaksidente. Hindi ko makita kung sinong naaksidente kasi maraming tao talaga sa pangyayaring iyon. Nagtanong ako sa isang manang pero hindi niya ako pinansin. Nagtanong naman ako sa iba pang mga tao pero ni-isa wala man lang sumagot sa akin. Kahit tingin lang hindi nila ako matignan. Ano bang nangyayari?
May isang babae na lumapit sa naaksidente. Pinayagan naman siya. Nung pumasok siya pumasok rin ako at nakasunod sa kanya. Maraming nakaaligid kaya ang hirap pasukin sa yellow line. Nung nakapasok na ako, hindi naman nila ako pinagalitan pero yung mga taong umiiyak na gusto talagang pasukin ang yellow line eh hindi pinayagan, pero bakit ako? Hindi naman ako pinagbawalan at pinagalitan sa mga rescuers. Nang hindi pa ako nakapasok dun talaga sa yellow line. Inilabas na yung naaksidente. Biglang nanlaki ang mga mata ko na nakita kong.............................
Ako pala ang namatay?!....
7:00 a.m
"Anak! Bumangon kana diyan! Sige na baka malate ka pa! 9:30 na ng umaga oh" pagdadabog ng katok ni mama. Ang mama ko talaga ang nagsisilbing alarm clock ko sa tuwing may pasok sa school, hindi kasi ako bumabangon eber since kapag hindi ako ginigising.
"Ako?!!!" Bigla akong napasigaw at napabangon ng kumatok ng malakas si mama. Grabeh ako yung namatay sa panaginip ko at sarili kong kaluluwa ang nakakita sa nangyari sa akin? Grabe pinagpapawisan talaga ako, akala ko totoo.
Hayyssstt.... Lord sana hindi po magkakatotoo ang mga di kapani-paniwalang pangyayaring iyon. Sana hindi na po mauulit yung mga pangyayaring yon.
"Ma!~ Ayaw kong pumasok eh~" sambit ko na inaantok pa din ang aura. Madaling araw na kasi akong nakatulog kakanuod ng kpop. Ay deden't eben boder to slip erly kasi last na kahapon yung summer days ko kaya pasukan na ulit. Hindi pa nga nagsisimula ang journey ko sa pagpasok ko sa school eh nakakapagod na. Hayss.
"Anak!~ Kailangan mong pumasok unang araw ngayon ng pasukan mo. Sige na bumangon ka na diyan, Pinagluto pa kita ng paborito mong pagkain na Italian Spaghetti!" pamimilit ng aking ina.
Minsan lang naman makapagluto yung mama ko ng Italian Spaghetti. Kaya Spend well the chance.
Agad naman akong bumangon dahil sa narinig ko ang pinakapaboritong ulam ko na Italian Spaghetti. Paminsan-minsan lang naman ito mangyayari.
BINABASA MO ANG
Love Rides The Rain
RomantiekSi Shana Euxine Marqueza ay tinaguyod ng mag-isa ng kanyang ina na si Riva Buenaventura. Hanggang sa lumaki siya hindi niya nalaman kung sino ang kanyang totoong ama. Lumaki siyang napakaganda ngunit may pagkamahiyain ito, pero pag nakilala mo na so...