Chapter 9

10 0 0
                                    

MABIGAT ang pakiramdam ni Yanna habang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Hindi niya alam kung makakapagturo ba siya ng maayos dahil maraming gumugulo sa kaniyang isipan. Kagagaling lang niya sa isang linggong leave sapagkat mula noong naisugod si Yeyen sa hospital at ma-diagnose na stage 2 sa leukemia ay tila muling gumuho na naman ang mundo niya. Wala pang isang taon nang mamatay ang papa niya tapos heto na naman ang hagupit ng problema sa kanilang pamilya. Hindi niya na alam ang gagawin. Naguguluhan siya kung tama ba ang desisyon niyang iwanan ang pagtuturo at mangibang-bansa. Kagabi pa niya pinag-isipan ang lahat at pinal na ang kaniyang desisyon. Subalit hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Angelo kapag nalaman nitong sasama siya kina Kyra sa Korea.

Matamlay na pumasok siya sa classroom at matagal na tinitigan ang mga estudyante na kanina pa pala siya binati ng magandang umaga. Matabang ang ngiti niya. “Good morning class. Pasensya na kung late ako. Magre-review lang naman tayo ngayon ng mga previous lessons natin.” Aniya at iniayos ang mga dalang aklat sa mesa. Pansamantala niya iwinaglit sa isipan ang alalahanin at nag-focus sa pagtuturo.

“Bukas ko na lang ituturo sa inyo ang lesson 8 at ang assignment niyo ay nasa textbook page 42. Kakanta ang walang assignment, ok?” Nakangiti niyang sabi sa klase.

“Opo, Ma’am!” Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.

“Meron pa kayong fifteen minutes para mag-ready sa next class niyo. ‘Wag masyadong maingay ha?” aniya nang mapansing nagsisimula ng umingay sa classroom. Tumalikod siya at binura ang mga nakasulat sa blackboard. Wala pa siya sa kalahati ng pagbubura ng may kumalabit sa kanya. “M-Ma’am….”

Nilingon niya ito. Si Kenneth iyon at may hawak na isang tangkay na puting rosas. Bahagya siyang nagulat at nagtatanong ang kaniyang mga mata. Kapagkuway kinuha niya ang bulaklak at nagtanong, “para saan ‘to?” Ngumiti lang ito sa kaniya at isa-isa ng tumayo ang kaniyang mga estudyante at lumapit sa kaniya. Bawat isa’y may hawak na puting rosas. Nakarinig siya ng tugtog mula sa labas ng classroom habang sumasabay naman ang mga estudyante sa awitin.

“And I will take you in my arms.. and hold you right where you belong.. till the day my life is through, this I promise you, this I promise you… I've loved you forever, in lifetimes before and I promise you never will you hurt anymore… I give you my word, I give you my heart (give you my heart) this is a battle we've won and with this vow, forever has now begun...”

Hawak na niyang lahat ang mga rosas at tinatanaw niya kung saan nagmumula ang tugtog. Bumungad si Angelo sa pintuan at may dala itong isang bouquet ng red roses. Nakangiti ito habang lumalapit sa kaniya at sumasabay din sa pag-awit. Alam niyang nagli-lip sync lang ito dahil hindi naman ito magaling kumanta. Iniabot nito sa kaniya ang bulaklak.

“I love you, Yanna. Happy 8th anniversary.” Kapagkuwa’y sabi nito nang matapos ang awit.

“Ano’ng kalokohan ‘to?” Nagba-blush na tanong niya dito. Oo nga, naalala niya. Anniversary pala nila ngayon. Sa dami ng iniisip niya ay nakalimutan na niya.

Kilig na kilig naman ang mga estudyante niya sa tagpong iyon. Napapatili naman ang ilan sa mga dalaginding at ang ilan ay sumisigaw ng ‘kiss’.

NANG gabing iyon ay nag-date sina Yanna sa isang fine dining restaurant. Kita niya ang sobrang paghahanda ni Angelo dahil talagang nagpa-reserve pa ito at halatang gumastos ng todo. Hindi niya maintindihan nararamdaman dahil halo-halo na ang kaniyang emosyon. Gusto niyang matuwa pero tila nag-aalala siya.

“Bakit parang hindi ka masaya?” Puna nito sa kaniya matapos nilang kumain. Hinawakan nito ang kaniyang kamay. “Alam kong mabigat talaga ang pinagdadaanan mo ngayon, hon, pero sana sa pagkakataong ito ay kalimutan mo muna ‘yan kahit saglit lang.” Sabi nito sa kaniya at pinisil ang kaniyang palad.

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon