Chapter 11

8 0 0
                                    

" ♪♫ SARANGIRAN akkyeojuneunkeogo

(Love is caring for one another)

Sarangiran hamkke-haneunkeonde

(Love is being together)

Sarangiran danji geuppuninde

(Love is simply that)

Keudaen chigeum eom-neunkeojyo

(But you are not here now)

Ma-eumiran mae-il saengganna-go

(Feelings are thinking of that person everyday)

Ma-eumiran geudael keurineunde

(Feelings are drawing you out)

Ma-eumiran gyeso-gireol-tende na-ije eotteokhanayo

(Feelings will continue like this, so what do I do now?)”

NAGSIMULA na ang Soul ng kanilang recording sa SPR FM. Kasama sa kanilang album na pinamagatang Soul Rocks Seoul! ang original compositions pati ang ilan sa kanilang mga covers at ang pinakabago ay ang ‘Again and Again’ ni Yozoh – isang kpop song upang makuha naman nila ang panlasa ng ibang Korean listeners na hindi marunong mag-ingles. Sa album naman ng Rhapsody isinama ang composition ni Yanna na ‘Okay’ kung saan siya at si Dae Jung ang kumanta.

“Gosh, bru! Feeling ko nasa cloud nine ako sa nangyayari sa career natin!” Tuwang-tuwang basag ni Kyra sa katahimikan nang sabay-sabay silang lumabas ng recording booth.

“Oo nga e. Halata sa mukha mo, hindi naman ikaw ang bokalista!” Binasag kaagad ni Migz si Kyra.

Pigil ang tawa ni Yanna at halakhak naman ang ginawa ni Budz. Hinampas ni Kyra ng dalang bag si Migz. “Bwiset ka talaga! Lagi ka na lang nambabasag ng moment!” Lumapit ito kay Drake at kumapit sa braso nito. “Ang sama nitong si Migz, my loves, pagalitan mo nga…” Parang batang sumbong nito.

Nangigiti naman si Drake dito pero sumulyap ito kay Yanna.

Nagulat pa silang lahat nang biglang hilahin ni Dae Jung si Yanna palayo sa kanila. Hindi nakapalag si Yanna at napasunod na lang siya.

Nangingiting-humihingi naman ng paumanhin sina Chul-soo sa mga kabanda ni Yanna sa ginawa ni Dae Jung. 

Susunod sana si Drake sa dalawa pero pinigilan siya ni Kyra. “Hayaan mo na sila, my loves. Baka siya na ang soulmate ni Yanna.” Ani Kyra pero bakas sa kaniyang boses ang pagkainis sa reaksyon ni Drake.

“Wohohoh! Selos is in the air again!” Natatawang pang-aasar na naman ni Migz. Umapir pa si Budz sa kaniya.

Sabay na tumingin sina Kyra at Drake sa dalawa. Matalim ang tingin ni Kyra at halatang nagbabanta.

“WAIT, Dae Jung! Where are we going?” naiinis na namang sabi ni Yanna.

Hindi siya nito sinagot at patuloy pa rin sa paghila sa kaniya. Lumabas na sila ng gusali at sumakay sa unang taxi na tumapat sa kanila.

Bumuntong-hininga si Yanna. ‘Hay naku, Lord… bakit ba ganito ang taong ito? Kung ano lang ang maisipan ay gagawin. Di man lang nag-iisip kung ano ang mararamdaman ng ibang tao. Grabe, ibang klase talaga…’ Kausap na lang ni Yanna sa sarili dahil ayaw na niyang makipag-diskusyon pa dito.

Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Napatingin lang si Yanna sa ginawa nito. Parang naulit lang ang lahat gaya noong hilahin siya nito mula sa stage at dalhin sa kung saan. Nahihiwagaan tuloy siya sa mga ikinikilos nito at sa personalidad ni Dae Jung. ‘Hindi kaya psychotic ito? Gosh, mamaya niyan iba na lang maisip nito…hala!’

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon