Chapter 12

9 0 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw mula noong tagpong ipinakilala si Yanna ni Dae Jung bilang girlfriend sa ama at sa sinasabing fiancée nito ngunit wala siyang narinig mula dito. Payapa ang buhay niya sapagkat hindi pa muling nagku-krus ang kanilang landas. Pero may bahagi sa puso niya na napapangiti sa tuwing naaalala kung paano sila unang nagtagpo at kung paanong muli silang ipinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng musika.

‘Kilig ba ‘to, Lord? Totoo kaya ‘yung sinasabi ni Kyra na s’ya ang soulmate ko? Hay naku… kalokohan naman!’ Aniya sa sarili pero agad ding pinawi ang kung anumang tumatakbo pa sa isipan.

“Bru, bakit ka kaya niya ipinakilalang girlfriend sa papa niya?” Ani Kyra habang nakatitig sa kaniya. Umaga na iyon at naroon pa rin sila sa MyMuxic habang nakaupo sila ni Kyra sa may wine bar at ang mga lalaki naman ay nagpa-practice sa may stage.

Nakatulala lang si Yanna at patuloy pa rin sa malalim na pag-iisip.

Pumitik si Kyra sa hangin, sa tapat ng mukha ni Yanna. “Hoy, bru! Are you still on planet earth?”

Kumurap-kurap si Yanna. “May sinasabi ka?”

“Ay, wala. Di kaya ako nagsasalita.” Inis na sabi nito sa kaniya.

“Ewan ko sa’yo, Kyra. Bahala ka nga d’yan.” Aniya dito.

“Kita mo ‘to… kanina pa kasi ako nagsasalita dito tapos ‘yang utak mo missing in action. Absent-minded ka na ngayon. ‘Lam ko na, dahil in love ka na ulit.” Nakangisi nitong sabi sa kaniya.

Inirapan niya ito. “So, napagdesisyunan mo na kaagad na in love ako? Ikaw ba, kamusta na ang panliligaw mo kay Drake?” 

“Hay naku, bru! Hard to get ang peg ng gagong ‘yon! Naiinis na ‘ko sa kaniya grabe! Hindi naman ako bulag ‘no dahil alam kong ikaw ang bet niya pero haller?! Manok na ang lumalapit sa palay! Kulang na lang maghubad ako sa harap niya at gahasain ko siya e.” Nakangusong saad nito sa kaniya.

Natawa si Yanna sa itsura ng kaibigan. “Gaga ka kasi. Dapat bigyan mo ng flowers and chocolates tapos yayain mo ng date.”

Napalingon silang pareho nang may tumikhim sa likuran nila. Si Drake iyon.

“Speaking of the georgeous devil.” Bulong ni Kyra kay Yanna. Siniko naman ni Yanna ang kaibigan.

“Yanna, pwede ba kitang makausap?” ani Drake sa kaniya.

Sumimangot si Kyra nang marinig iyon. “Sige, bru.. gora muna ako at gusto ka daw niyang makausap.” Sabi ni Kyra at padaskol na iniwanan sila.

Umupo si Drake sa kinauupuan ni Kyra kanina. Ilang minuto ring katahimikan ang namagitan sa kanila bago magsalita Si Drake. “Kamusta naman kayo nung koreano?”

Tiningnan niya si Drake. “At bakit mo naman tinatanong ‘yan?”

“Wala lang. Gusto ko lang malaman kung… kung nanliligaw s’ya sa’yo o ginugulo ka niya…”

“Bakit?” pa-inosente niyang tanong dito.

“Nagseselos kasi ako.” Diretsahang sabi nito sa kaniya.

Napamaang lang si Yanna kasi hindi niya inaasahan na magiging ganun ito ka-vocal sa nararamdaman para sa kaniya. Napalunok siya ng bahagya. “S-Sa ginagawa mo… may nagseselos din.”

Bumuntung-hininga ito. “Alam ko. Hindi ko naman sinasadyang mangyari ‘to. Aminado ako, gusto kita matagal na pero parang kahit sabihin ko sa’yo ay wala lang rin naman.” Ngumiti ito kapagkuwan. “Gusto kong subukang ligawan ka pero hindi ko magawa dahil alam ko sa umpisa pa lang ay pipigilan mo ako. Siguro kung walang gusto sa ‘kin si Kyra, mas malakas ang loob ko. Kaso magkaibigan kayo at hindi mo hahayaang masaktan siya.”

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon