Chapter 2

56 1 0
                                    

SIYA si Yanna Ballesteros, twenty six years old. Bokalista at composer ng bandang Soul na tumutugtog sa isang bar sa Jongno-gu, Seoul. Ito ay ang MyMuxic Lounge na pag-aari ni Mr. Cody Talbot, isang mid-forties British na matagal nang naninirahan sa Seoul. Ang bar na ito ay tambayan ng iba’t-ibang lahi – madalas amerikano at asiano. Kaya kahit matagal na siya sa bansang ito, di niya naman kailangan makipag-usap sa lenggwahe ng Korea. Liban lang sa mga simpleng mga salita na kailangan sa pang-araw araw na pamumuhay dito. Marami rin kasing mga Pilipino rito na madalas sa mga bar nagtatrabaho at ang karamihan ay ESL teachers.

Bente-kwatro siya mula ng umalis sa Pilipinas para makipagsapalaran sa South Korea. Dati siyang music teacher sa elementary school sa kanilang bayan sa San Juan, Batangas. Ang kanyang barkada ang nag-impluwensya sa kaniya upang iwanan ang pagtuturo at mangibang-bayan. Kasama niya ang kikay-bestfriend niyang si Kyra na keyboardist at 2nd voice na rin, ang kengkoy drummer na si Migz, ang tsinitong batangenyong si Budz na lead guitarist at ang mucho gwapitong si Drake na bokalista din at magaling mag-violin. Sa kanilang lahat, si Migz lang ang may asawa at nasa Pilipinas.

Sila ang pamilya niya dito sa Seoul. Ang MyMuxic Lounge ang itinuturing niyang ikalawang tahanan at ama-amahan naman nila si Mr. Cody Talbot – na Caddy ang tawag niya. Wala lang, napagkatuwaan lang niya. Mabait din ang asawa nitong koreana na si Mrs. Min-yu Talbot at matatas na ring mag-ingles.

Sinalubong si Yanna ng nakangising si Migz. “Sa’ng lupalop ka pa nagsuot at bakit ngayon ka lang? Marame ng tao, tayo na’ng susunod na tutugtog.” 

Hinampas niya ito sa balikat. “’Wag kang hahara-hara d’yan at nabubwiset ako.”

“Sus! Sungit mo naman. May regla ka teh?” nakangising buska nito.

“Tse! Pakilagay nga sa loob ‘tong paper bag ko,” utos niya dito.

“Paper bag? Sa’n? Hallucination teh?”

Napatingin s’ya sa mga kamay. Gitara lang ang hawak niya. “Oh my god!” bulalas niya.

“Maka-ohmygod ka naman dyan. Sa’n mo ba naiwan?”

“Ewan ko. Baka nalaglag nung tumatakbo ako. Ano ba yan, Migz?! Ano’ng gagawin ko?” Di maipinta ang mukhang tanong niya dito.

“Malay ko sa’yo.” Kibit-balikat nito.

“Dyoskopo Rudeh! Ano pa’ng ginagawa n’yo diyang dal’wa?” tawag ni Budz sa kanila. “Tayo’y tutugtog na ga!”

“Tinatawag na tayo ng koreanong may punto!” Natatawang sabi ni Migz kay Yanna.

KATATAPOS lang ni Yanna na mag-impake nang pumasok si Archie sa kwarto niya. “Atechewa! Narinig mo ga yung tsismax?” Humahangos pang sabi nito. Napatigil naman si Yeyen sa pagtutupi ng ibang damit.

“O, ano’ng tsismis na naman ‘yang narinig mo?” Tanong niya sa kapatid.

“Naku atech, gomorabels kanech sa church at si Fafa Angelo e kinakasal na sa mujer from the city of manila! As in now na, agad-agad!” nagmumwestra pa ang mga kamay nito habang nagsasalita.

Natigilan siya. Kapagkuwan ay mapait na ngumiti.  

“Ate, kakabreak niyo lang, di ba?” tanong naman ni Yeyen. “Biglaan naman ‘yung pagpapakasal niya. Buntis ba ‘yung girl?”

“Buhay niya ‘yon. Hayaan na lang natin,” aniya habang inaayos ang maleta.

“Nakita kech ang mujer na yun ‘teh, ang kyawti ng fezlak! Lamang lang yun ng kaputian sa’yo pero wichekels naman sa byuti! Mukang sosyalerang purita mirasol!” Nagme-make face pang sabi nito. 

“Wala na ‘kong pakialam sa kanila, Chie…” aniya.

“Really? Papayag ka ng ganun-ganon lang? Chika nga ng mga amiga ko atech na ka-level lang daw ‘yun ni Magdalena. E di lumevel-up pa ngayon ang chakanez niyang fez porke na-churva siya ni fafa Angelo! Gosh talaga!” Naiinis na sabi ni Archie at kapagkuwan ay hinila siya nito palabas ng bahay. “Halika atech! ‘Wag ka ng kumeme d’yan, let’s gorabels na sa church at pigilan ang kasal na ‘yun. I know, and we all know na ikaw ang lovabels ni fafa Angelo. Di sila bagay!”

“Hoy, ano ba?! Bitawan mo nga ko, Archie! ‘Yaan mo na si Angelo!” Nagpupumiglas pa niyang sabi.

“Wit, wit, wit atech! Di akech makakapayag na ‘yun ang mapangasawa ni fafa! Kayo ang destined to be together. First lovabels mo siya. Jowa mo siya since highschool life mo!” Hinihila pa rin siya nito patungong simbahan. Malapit lang ang simbahan sa kanila kaya agad naman silang nakarating. Nasa bungad na sila ng simbahan at natatanaw ang kinakasal. Dinig sa labas ang awitan ng choir.

Huminto si Yanna kahit pilit siyang hinihila ng kapatid. “Ayokong gumawa ng eksena, Archie. Tara na, bumalik na tayo!” Mariin niyang sabi sa kapatid.

“My gosh atech! Vaketch? Papayag ka bang ma-luz valdez ng chipanggarutay na mujer na yun?!”

“Ano ba’ng gusto mo? Pumasok ako sa loob at magsisigaw para lang itigil nila ang kasal? Gusto ba mo maging cheap ako?” Aniya sa kapatid. “Sige, tara!” Siya naman ang humila sa kapatid.

Natigilan naman ang bakla. “Wait! Gagawin mo nga atech? Surelalu ka? Keribels ng fezlak mo?”

Binitawan ni Yanna ang kapatid at lumapit sa pinto ng simbahan. Nakita niya ang ex-boyfriend na si Angelo at ang babaeng ipinalit nito sa kaniya. Nagpapalitan ito ng “I do’s” habang kinakanta ng choir ang ‘Ribbon in the Sky’ ni Stevie Wonder. Hindi niya napigilan ang sarili na ‘wag maluha sa tagpong iyon. Pakiwari niya ay nananadya pa si Angelo at tila alam na pupunta siya doon at ang kantang ‘yun pa ang pinili nito. Mahilig si Angelo sa classical music at ito rin ang parating kinakanta nito sa kaniya kahit na sintunado pa ito. Pakiramdam niya ay nawala ang isang malaking bahagi ng buhay niya. 

Sa totoo lang, tanggap niya naman e kahit sobrang sakit. Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit naging ganun ang love life niya. Iba ang pinili niya at hindi si Angelo. Nagawa niyang talikuran ang walong taong relasyon nila dahil sa isang mabigat na responsibilidad. At iyon ang hindi maintindihan ni Angelo.

“Atech, ok ka lang? Crayola ka na, o…” nag-aalalang tanong ng kapatid.

Kahit pinupunasan ni Yanna ang pisnging nababasa ng luha ay di pa rin ito tumitigil sa pag-agos. Nginitian niya ang kapatid. “O-Okay ako. Sobrang ok lang ako…” Aniya sa pagitan ng paghikbi.

“Atech…are you surelalu? It’s my fault, e!” Niyakap niya si Yanna. “Let’s gorabels na sa bahay atech. Tahan ka na… magiging kyawti na rin yang fezlak mo sige ka. Pagdating mo sa korea, makakahanap ka dun ng jowa na mas gwapo pa kay fafa angelo! Hmp! Di na s’ya fafabols dahil pumatol s’ya sa mujer na kauri ni Magdalena at mas muka pang badaff kesa saken!”

Sa kabila ng pagluha ay natawa siya sa sinabi ng kapatid. “Ok lang talaga ko, Chie...”

‘Hindi lahat ng love story may happy ending. If it’s meant to be, it will happen. But if it’s not meant to be, just learn to let go….’

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon