Chapter 10

11 0 0
                                    

NAPAMULAT si Yanna nang maramdamang may mabigat na nakapatong sa kaniya. Hinawakan niya ang kaniyang pisngi nang mapansing basa ito ng luha. Napanaginipan na naman niya ulit ang tagpong iyon, kung paanong nag-propose si Angelo at kung paanong nagwakas din ang lahat sa kanila.

‘Apektado ka pa rin pala at hanggang ngayon ay napapanaginipan mo ‘yun…’ Aniya sa sarili. Mabilis niya itong pinusan sa pamamagitan ng mga palad. Iniikot niya ang paningin at pilit na inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi. 

“Aaaaahhh!” Napasigaw siya nang makita si Dae Jung sa kaniyang tabi at himbing na himbing pang nakadantay sa kaniya. Dahan-dahan itong nagmulat at nakakunot ang noong tinitigan siya. 

“W-What did you do to me?” Nahawakan ni Yanna ang dibdib at natatarantang itinulak ito.

Ngumisi ito sa kaniya. “You’re so assuming.” Kapagkuwan ay bumangon ito at akmang dadaganan siya.

“Hey-hey! What are you doing?” Gulat na pigil niya rito.

“You want me to do this, right?” Pagkasabi niyon ay humalakhak ito ngunit hindi pa rin umaalis sa ibabaw niya.

“Rape! Rape! Oh my god, raaapppee!!!” sigaw niya nang hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.

“Oh my god! What’s going on?” bulalas ni Daniel, ang isa sa Rhapsody Band, nang makita ang tagpong iyon pagkabukas niya ng pintuan. Agad namang sumunod sina Chul-soo at Wu Bin upang tingnan ang ikinagulat ni Daniel.

Sabay na lumingon sina Yanna at Dae Jung sa may pintuan. Mabilis naman siyang hinila ni Dae Jung patayo.

“You two?” sabi ni Chul-soo habang salitan silang itinuturo.

“No, no!” umiiling-iling na tanggi ni Yanna dito. “Thank God, you guys came. He was about to rape me!” Inis na sabi niya kasabay ng pag-irap kay Dae Jung.

Humalakhak si Dae Jung. “Really? You’re not sexually appealing to me… even in my dreams I won’t do that.” Sarkastiko nitong sabi sa kaniya.

“Tell that to the marines, bastard.” Natatawang kontra ni Wu Bin sa kaniya. 

Lumapit si Dae Jung sa kanila at kinutusan si Wu Bin. “What are you doing here?” tanong niya sa kanila.

“We’re going to practice and since Yanna is here, better yet we make a new song.” Si Daniel ang sumagot.

“Hey… I wanna go home!” Protesta naman ni Yanna.

Lumingon si Dae Jung sa kaniya. “You’re going to stay here.” Anito at hinila na ang tatlo palabas ng kwarto.

“Argh! Bwiset ka talaga!” Padabog na sumalampak si Yanna sa kama.

SUOT ni Yanna ang t-shirt ni Dae Jung at ang boxer nito dahil kailangan niyang maligo at magpalit ng damit. Buti na lang at ibinigay nito ang kaniyang paperbag kung saan naroon pa ang mga undies niya. 

Sabay-sabay na lumingon ang apat nang lumabas siya ng kwarto. “Whoa… sexy!” Nakangising sambit ni Chul-soo nang makita siya.

Binato naman ni Dae Jung si Chul-soo ng magazine nang makita ang reaksyon nito. 

“Wae?!” (Why?) Asar na tanong nito sa kaniya habang sapo ang ulong tinamaan ng magazine.

Tumikhim si Dae Jung. “We’re hungry. Do you know how to cook?” anito sa kaniya.

‘Akala ko ba magpa-practice? At bakit parang katulong ang papel ko dito?’ Nakasimangot siyang tumango. “Hmp! Lutuan ko kayo ng pagkaing pinoy.” Napalakas niyang sabi.

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon