Chapter 13

17 0 0
                                    

ANG halik at alak ay tila naging isa at nagdadala ng kakaibang pakiramdam para kaya Yanna sa mga oras na iyon. Pakiwari niya ay nakalutang siya sa alapaap habang sinasayaw ng isang prinsipe.

There was electricity between them, creeping through their bodies until their eyes met. He kissed her lips tenderly, deeply.. and began to caress her hair down to her shoulder. Hindi bago sa kaniya ang ganoong pakiramdam ngunit sa tagal na ng panahon ay parang bagong muli ito sa kaniya.

‘Hindi ako lasing…pero bakit pumapayag ako? Nai-in love na ba ko sa kaniya?’ She felt butterflies in her stomach as big as dinosaurs. ‘Kung ano man ‘to…bahala na si batman..’

Habang masuyo siyang hinahalikan ni Dae Jung ay dahan-dahan siya nitong binuhat at dinala sa kuwarto. Inilapag siya sa kama nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. She closed her eyes, her heart pounding too fast. He began to undress her, exploring her mouth with his lips, to her earlobe down to her neck while his hands caressing every inch of her body. Para silang nagsasayaw sa isang saliw ng musika kung saan walang anumang bagay ang makapagpapahinto sa kanila.

“Yanna-shi…” bulong ni Dae Jung sa kaniya sa pagitan ng mga halik nito.

Saglit na tiningnan ni Yanna si Dae Jung at marahang tumango, ibig-sabihin niyon ay sumasang-ayon siya sa kung anuman ang magaganap sa kanila. He kissed her tenderly, dancing to the rhythm, swaying until their bodies become one. She felt a momentarily pain but it was vanished when he gave her butterfly kisses on her cheeks.

“Yanna-shi… I like you so much…” Muling bulong ni Dae Jung sa kaniya. They were dancing like forever and suddenly, they exploded passionately.

MULA nang naganap ang tagpong iyon at umalis si Yanna sa bahay ni Dae Jung habang natutulog ito ay hindi na niya ito naramdaman pa. Dalawang linggo ang lumipas at hindi nagpakita si Dae Jung sa kaniya. Hindi rin naman niya ito inaasahan pa dahil ayaw na rin naman niyang makita pa ito. Tama na ang minsang pagkakamali niya na nagpadala siya sa bugso ng damdamin. Para kay Yanna ay kabaliwan lang ang lahat ng naganap sa kanilang dalawa at kailangan na niya itong tigilan.

“Magsabi ka nga ng totoo, bru… in love ka na talaga kay Dae Jung ano?” kompronta ni Kyra sa kaniya habang naroon sila sa kanilang apartment.

Tiningnan lang niya ang kaibigan at marahas na bumuntong-hininga. Ibinaling niya ang pag-aayos sa mga gamit na dadalhin niya pabalik ng Pilipinas.

Hinarap siya ni Kyra at tiningnang maigi. “Ano? Uuwi ka nang di kayo nagkakausap? Ano ka ba naman, bru! Pagkatapos mong ibigay ang bataan ay ganun-ganun lang? Easy-to-get-laid-off ang peg ng beauty mo?”

“Hindi naman ako uuwi dahil iniiwasan ko s’ya, alam mo ‘yan. Malubha na si Yeyen at kailangan ako ng pamilya ko dun… hindi ko muna iniisip ang sarili ko ngayon,” aniya dito habang patuloy sa pag-ayos ng mga gamit. Magulo ang isip niya ngayon dahil sa nangyayari sa kapatid niya kaya pilit niyang iwinawaglit sa isipan ang kung anumang nararamdaman niya kay Dae Jung. 

“I know. Pero syempre dapat makipag-usap ka muna sa kaniya bago ka umalis, di ba?”

“E hindi nga siya nagpapakita sa ‘kin, di ba? Pa’no ko siya kakausapin? Siguro natauhan ‘yun sa nangyari. Lagi niya ngang sinasabi sa ‘kin na hindi niya ako type. At saka, may fiancée na siya.” Mahabang paliwanag ni Yanna sa kaibigan.

“So ganun lang ‘yun? “

“Makulit ka talaga. Next week pa naman ang flight ko kaya baka magkita pa kami ‘nun pero I’m not hoping kasi mukhang wala rin siyang balak makita ako.”

“Ah, ewan ko sa’yo bruha ka. Kung sa ‘min nangyari ni Drake ‘yang kemerlu n’yo, I’ll grab the opportunity na mapasakin s’ya by hook or by crook!” Inis na sabi nito sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon