Chapter 5

42 1 0
                                    

SIMULA na ng Chuseok at naroon sila sa Hongdae – ang party central ng Seoul kung saan ginaganap ang Seoul Alternative Rock Band Festival. Marami ang kasaling banda, majority ay Korean bands at may ilan ring Westerns and Asians. At isa na sila – ang Soul Band. Karamihan din ng mga nanonood ay rock enthusiast at mga college student ng Hongik University.

Naroon sila sa back stage at nagkukulitan habang hinihintay ang turn nila. Bakas sa mukha nina Kyra, Migz at Budz ang excitement dahil unang beses nilang sasali sa festival na ito. Habang hindi naman makatingin si Yanna kay Drake na laging nakatitig sa kaniya.

‘Wag ka namang ganyan, Drake… lalo akong naiilang sa'yo e. Sabi niya sa sarili.

Siniko siya ni Kyra. “Bru, ‘wag kang pipiyok, ha? Galingan mo para makasama tayo sa top five.”

“Syempre kaya ‘yan ni Yanna at ni Drake lover boy!” Sabat naman ni Migz.

“Aba’y sana la-ang walang pumalya sa atin,” sabi naman ni Budz.

Narinig nilang muling naghiyawan ang mga nanunood hudyat na natapos na ang isang bandang tumugtog. Ang emcee na ang nagsasalita at ipinakikilala na ang susunod na bandang magpe-perform ay special number lang at ito ay hindi kasali. Sila na ang susunod na tutugtog pagkatapos ng special number na ito.

“Here’s the stage for the Rhapsody!” Huling sigaw ng emcee at tila dumoble ang hiyawan ng mga tao.

Korean rock ang unang kinanta ng nasabing banda at dinig na dinig ni Yanna ang ganda ng boses ng bokalista nito kasabay ng mga tili ng kababaihan. Hindi naman natiis ni Kyra ang di silipin ang kumakanta sa stage at kilig na kilig na bumalik sa kinauupuan nila.

“Oh my bru! Ang gwapo nung bokalista na at gitarista pa ng Rhapsody!” Patili nitong sabi. “Kaya pala ‘anlakas ng hiyawan ng mga girls sa audience e.” Kinikilig nitong sabi.

“Mas gwapo saken?” ani Migz.

Inirapan ni Kyra ang kabanda at muling umupo sa tabi ni Yanna. “Sobrang gwapo! Siguro yung paa ‘nun ang kamukha mo!”

“Sobra ka naman!” kunwa’y nagtatampong sabi ni Migz.

Muling naghiyawan ang audience nang matapos ang ikalawang kanta ng nasabing banda. Nagsalita ang bokalista at binati ang mga manunood sa lenggwaheng korea. Maya-maya’y nagkaroon ng katahimikan nang muli itong magsalita.

“And now, I’m going to share you this song which I think was written by someone I bumped into recently. When I heard this song, I know she was deeply hurt… and I was captivated by the lyrics and the artist itself too, so I decided to make my own version of this song. If she’s here, I know she’d get mad but I don’t care. This is for you, Miss Baliw…” pagkasabi’y sinimulan na nitong kalabitin ang string ng gitara.

“My gosh, bru! Magaling s’yang mag-ingles!” tili na naman ni Kyra. “Sino kaya yung maswerteng girl na yun?”

“Teka….” Sabay na sabi ni Yanna at Budz nang magsimula na ang intro. Nagtinginan silang lima nang tila pamilyar ang awiting iyon.

♪♫ Hmmm.. hmmmnn..

 I live my life pretending nothing has happened 

And day after day, I shut myself from the world

Not looking back to where my mem’ries started

I was deeply hurt and ‘till now I’m in pain

because the scar still remains…”

Biglang napatayo si Yanna. Hinawakan ni Kyra ang kamay niya. “B-Bru, ‘yung Scar mo ‘yun, di ba? Magkakilala kayo nung bokalista ng Rhapsody?” Takang tanong ni Kyra habang ang tatlong lalaki naman ay nakatingin din sa kaniya at naghihintay sa sasabihin niya.

“While I am crying, loneliness smiles at me

I’m a fool, trying to forget everything about you and me

But I can’t… because the scar still remains…”

Nakakuyom ang mga palad ni Yanna at parang gusto niyang mainis sa naririnig. ‘Sino kayang damuho itong nagnakaw ng kanta ko?’ Pilit niyang inaalala kung may nakilala ba siyang koreanong bokalista na pinagbigyan niya ng kopya ng kanyang kanta. Pero wala naman s’yang kilalang koreanong bokalista.

                                    “I’m running, running away

I want to hide from the pain of yesterday

I’m fading, fading away…

And there’s nothing I couldn’t do

Because the scar still remains…”

“Ala’y iyon ga ang tutugtugin naten ma’mya… Paano iyan?” Sabi naman ni Budz.

“May kakilala ka ba sa Rhapsody, Yanna?” Tanong ni Migz.

“Hindi ko alam. Wala!” Naiinis na sabi ni Yanna.

 “Look at me now, I am broken

I felt all my dreams was stolen

I’m trying to smile as if nothing’s happened

But still, the scar remains…”

“Ano’ng kakantahin mo ngayon?” nag-aalalang tanong ni Drake.

“Kakantahin ko pa rin ‘yun dahil akin ang kantang ‘yon!” Mariing sabi niya.

“In fairness, bru… ang ganda ng version niya. Di ka pa sikat pero may revive na agad-agad ang kanta mo. Super gwapo pa nung kumanta. Di kaya soulmate mo s’ya? Tingnan mo kaya s’ya..” Kinikilig na sabi ni Kyra.

“Ayoko. Naiinis ako.” Gigil na sabi ni Yanna.

 “I’m running, running away

I want to hide from the pain of yesterday

I’m fading, fading away…

And there’s nothing I couldn’t do

Because the scar still remains, ohh

the scar still remains… hmmm “

Muling naghiyawan ang audience pagkatapos nitong kumanta. Tuwang-tuwa ang emcee na lumapit dito at tinanong kung sino ‘yung tinutukoy nitong babae pero hindi ito sumagot at ngumiti lang. Kumaway pa ito sa audience bago tuluyang umalis ng stage.

Tinawag na ang bandang Soul at saglit silang ipinakilala ng emcee. Ang lakas ng dating ni Drake nang simulan niyang kantahin ang ‘Beat It’ at naghiyawan din ang mga kababaihan. Nag-duet sila ni Yanna sa ‘Living Hell’ at titig na titig si Drake sa kaniya. Hindi ipinahalata ni Yanna na naiilang siya sa ginagawang pagtitig nito sa kaniya.

Marami ang namangha nang kantahin ni Yanna ang Turning Tables ni Adele, rock version. Maganda at mataas talaga ang boses niya at mahilig siya dating sumali sa mga barangay singing contest. Madalas siyang nananalo lalo na kapag mga kanta ni Whitney Houston ang ipinanlalaban niya.

“This is our first time to join this Rock Festival here in Hongdae. And on behalf of my bandmates, we’re very grateful that we are able to perform here in front of you. Kamsahamnida! Now, for our last song, I’m gonna sing this one, titled ‘Scar’ which you already heard awhile ago…”

Sinimulan ni Yanna na kantahin ang awiting kinanta rin ng bokalista ng Rhapsody. Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa audience at ang ilan naman ay namamangha pa rin sa nangyayari.

Iisa lang ang konklusyon -- siya ang babaeng tinutukoy ng bokalista ng Rhapsody. 

You're My Love Song♪ (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon