[ Prologue ]
Sa lugar ng Kaliwanagan. Namumuhay ng masaya, mapayapa at maayos ang mga mamamayang naroon. Dahil iyon sa pamamahala ng hari na si Odysseus o Odin at ng reyna na si Freyja.
Lahat ng mamamayan na naroon ay may kaniya kaniyang mahika na ginagamit nila sa pang araw araw na buhay tulad ng sa pagtatrabaho, pagluluto, paglilinis at iba pa. Hindi naman ito ipinagbawal ng Hari bagkus hinayaan niya lang ito basta wag lang daw itong gagamitin sa masama.
Ang Hari ang may pinaka malakas na kapangyarihan. Ang elemento ng liwanag ang siyang naghirang sa kaniya upang maging pinuno. Pero sa kabila ng lahat ng iyon may katuwang din siya sa pagpapalaganap ng kaayusan ng buong Kaharian. At yun ay ang apat na alagad ng Hari na mas kilala sa tawag na Apat na Sugo ng Elemento. Dahil sa taglay nilang kontrolin ang Apat na elemento. Si Aerix ang kayang kumontrol ng Hangin, si Fisz naman ay Tubig, si Terra naman sa Lupa at ang huli ay si Lieon na kayang kumontrol ng Apoy.
Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng anak si Odin sa kaniyang asawa na si Freyja. At nang isilang ito ay pinangalanan nila itong Ryubii. Nang simula ng lumaki ang anak ng hari ay natuklasan nila ang kakaibang abilidad nito. Kaya nitong gumamit ng dalawang elemento na hindi kayang gawin ng hari. Ang dalawang elementong iyon ay ang Liwanag at Hangin na kapangyarihan ng kaniyang Inang reyna. Kaya't humingi ng tulong ang Hari sa isang matandang guro upang malaman ang dahilan ng pinagmulan ng kapangyarihan ng kaniyang anak na si Ryubii. At doon sinabi ng matanda na naaayon daw ito sa propesiya na nabasa niya sa Sagradong Libro na kasalukuyang nawawala noon. Sinabi din ng matanda na hindi lang Hangin ang kayang kontrolin ng kaniyang Anak kundi ang Apat mismo at kabilang doon ang Tubig, Lupa at Apoy.
Nang malaman ng Hari ang buong impormasyon na iyon ay binigyan niya na ng seguridad ang kaniyang Anak. Sinarili niya lang ang impormasyong iyon at inilihim niya din sa kaniyang asawa. Ngunit ng nagkaisip na ang anak ng hari ay tinuruan niya ito kung paano gamitin ang kapangyarihan na taglay niya. Sa panahon ding iyon ang Hangin at Liwanag lang ang tanging alam ni Ryubii na kaya niyang gamitin.
Sa paglipas ng panahon nalaman ng napakasamang hari sa mundo ng mahika ang napakahalagang impormasyon ni Odin. Kaya sa kaharian ng Kadiliman na siyang pinamumunuan ni Hellsiryus o Hell. Nagsagawa ito ng plano sa paglusob sa kaharian ng Kaliwanagan at dakpin ang anak ng Hari para mapasakamay nito ang napakalakas na kapangyarihan at para din pagharian ang buong Mundo ng Mahika.
Nalaman naman ni Odin ang balak ni Hell kaya nagsagawa ito ng pagpupulong at paghahanda sa pagsalakay ng Kadiliman. Humingi din siya ng tulong sa Apat na Sugo upang pigilan ang nais ni Hell na kunin ang kaniyang anak.
Matapos ang paghahanda ay ipinamalita ng Hari sa buong kaharian ang pagsalakay ng Kadiliman at planong pagkuha sa kaniyang anak. Dahil doon marami ang nagnais na tumulong sa Hari sa pagprotekta sa kanilang kaharian at sa anak ng hari.
Sa panahon na iyon nagbibinata pa lang ang anak ng hari at marunong din naman siyang lumaban dahil sa pagtuturo sa kaniya ng kaniyang Ama. At lumipas ang ilang araw dumating na ang kanilang inaasahan...
Ang paglusob ng Kadiliman sa kanilang kaharian.
----------------------------------------------------------------
[ Digmaan - Mundo ng Mahika ]
Lahat ng mamamayan sa Kaliwanagan ay abala sa ginagawang paglusob ng Kadiliman. May isang kawal naman na nasa tore ang tumitingin sa paligid. At doon nakita niya ang milyong milyong miyembro ng kadiliman na papunta sa kanila. Kaya doon biglang sumigaw ang Kawal sa isang kasamahan nito na may kapangyarihang Apoy.
BINABASA MO ANG
GEIST : Tale of Bronzeswordsman
Science FictionNagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang hari. Si Odysseus na mas tinatawag na Odin ang hari ng Kaliwanagan at si Hellsiryus na mas tinatawag na Hell ang hari ng Kadiliman. Nagsimula ang digmaan ng nagtangkang kunin ni Hell ang a...