Chapter 2 : First Day , First Battle

931 67 4
                                    

Aizer POV

[ New Generation ( 06-20-2056 ) ]

Yaawwwwnn. Sabi ko habang nag uunat

Pinatay ko na yung alarm ko at time check 4:30 am pa lang . May sumigaw nman sa labas ng pinto habang kumakatok.

Iho gising na papasok ka pa !. Sabi ni Lola

Opo bababa na ko. Sagot ko

Tumayo nako sa kama at inayos ito pagkatapos ay dumiretso nako sa banyo. Naligo nako at nagbihis na ng uniform ko pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na papuntang kusina.

Nilapag ko muna yung gamit ko sa lapag at dumiretso sa lamesa. Naghahain na si lola para sakin.

Oh kumain ka na iho para di ka ma late sa school mo. Sabi ni Lola

Sige po. Sagot ko at kumain na

Pagkatapos kumain ay kinuha ko na yung gamit ko at aalis na sana ng may naalala ako.

Yung espada ko!!. Sigaw ko

Nilapag ko yung gamit ko at umakyat sa kwarto ko at kinuha ang ispada ko. Bumaba na ulit ako at nagpaalam nako kay lola. Paglabas ng bahay ay kinabit ko na yung ispada sa tagiliran ko sa kaliwa at naglakad.

Sorry di ako nakapag pakilala ah ako nga pala si Aizeron Cruzader , 16 years old nag aaral nga pala ako sa Zestiria Academy kung saan maraming spiriter at mayayaman. May kaya lang kame at ang nagpapa aral saken ang Lolo ko.

11 years past simula ng mangyari ang pagkamatay ng mga magulang ko at pagkawalay namen ng mga kapatid ko sila lola ang kumopkop saken at nag alaga sa mga nag daang taon hanggang ngayon.

Sa mga ilang minuto ang lumipas nakarating nako sa school. Maraming mga estudyante na ang gaganda ng ispada yung iba nman laser sword ang gamit halatang pang mayaman.

Unang pasok ko pa lang dito sa school nga pala 4th year nako. Lahat ng nag aaral dito ay may mga spirits kaya di ordinaryo ang mga mag aaral dito. Simula ng natuklasan ang mga spirits sa mga makalumang sandata ay inililipat nila ito sa technology na sandata halimbawa ng laser sword.

Mga mayayaman lang ang may kayang magpa gawa ng ganun. Di nman ako naiinggit sa kanila sapat na saken ang ispada ko kahit luma at kalawang na ito pero matibay at mahalaga ito saken dahil bigay to ng tatay ko.

Pumasok nako sa loob ng school at naglakad lakad. Sa totoo lang 1st time ko pa lang dito transferee ako dahil nalaman kase ng school ko dati na may spirit ako. Oo nga pala meron akong spirit pero di ko pa siya kayang palabasin di katulad ng iba. Aksidente lang na napalabas ko siya dati pero ngayon ay hindi na.

Habang naglalakad ay may narinig akong announce mula sa speaker sa taas ng P.O o principals office.

Lahat ng transferee pumunta kayo sa school ground para i test kayo at malaman ang magiging section nyo. Sabi ng babae sa speaker

Pumunta nako sa school ground at may mga nakita akong mga estudyante na nandun. Medyo madami din kameng transferee dito. Pumunta nako sa mga nakapilang estudyante sa dulo na lang ako pumwesto.

Okay i tetest namen kayo isa isa para malaman kung saan kayo dapat ilagay. Sabi ng babaeng nakasalamin.

GEIST : Tale of BronzeswordsmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon