Chapter 13 : Not One ( Small Celebration )

547 35 3
                                    

Dedicated to : Masterdevil25

Salamat sa pag sagot hahaha galing mo xD. Sa mga may tamang sagot congrats din kaso nauna siya eh hehe. Sana maenjoy nyo itong chapter. Tripz Out....

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Aizer POV

*wind*

*whossshh* - ( Bush SFX )

*Birds Tweeting*

Isang malakas na hangin ang aking nararamdaman kasabay ng mga kaluskos ng halaman at huni ng mga ibon sa paligid.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata at halos matulala ako sa aking nakita. Parang isang paraiso kung ikukumpara ang itsura ng lugar. Iginala ko pa ang aking paningin at nag lakad lakad.

Nasan kaya ako??....Anung klaseng lugar ito. Tanong ko sa aking sarili habang patuloy sa paglalakad.

Matapos ng ilang sandaling paglalakad ay tumambad sa aking harap ang isang napakalaking palasyo. At may mataas na tore pa ito kalapit ng gitnang parte ng palasyo at iyon siguro ang tirahan ng hari.

Iyan ang kaharian namin sa "Mundo ng Mahika". Nagulat ako sa boses na nanggaling sa aking likuran.

Nilingon ko ito at nakita ko ang isang Tigre na may puti at itim na kulay sa kaniyang balat. Kapansin pansin din ang berde nitong mga mata.

Ito ang aming kaharian noong mapayapa pa, ngunit nagbago ito ng magsimula ang digmaan. Saad nito kasabay dun ay ang biglaang pagbabago ng lugar.

Ang mala paraisong tanawin na nakita ko kanina ay napalitan ng sira sirang lugar na aakalain mong dinaanan ng bagyo. Ngunit ang natitirang maayos ay ang gitnang parte ng palasyo.

Ano bang nangyari bakit nagkaganito ang kaharian nyo??. Tanong ko sa kaniya.

Tulad ng sinabi ko kanina, dahil sa digmaan kaya nagkaganito ang aming kaharian. Nagsimula ito ng nagtangka akong dakpin ng Hari ng Kadiliman upang gamitin sa masama. Paliwanag ni Ryubii. Ngunit ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pa akong kunin kung gayon ang nagagamit ko lang ay ang elemento ng liwanag at hangin. Dugtong niya pa.

Nagulat ako sa sinabi niya tungkol sa dalawang elemento.

Te-Teka.... Dalawang elemento?? Akala ko liwanag lang ang elemento natin kase doon nakabase ang mga Skill ko. Sabi ko sa kaniya.

Mali ka, ang mga skill na iyong ginagamit ay may halo ng elementong hangin. Napansin mo na ba ang Skill ni Crystal at ang Force Slash mo?? May pagkakahalintulad hindi ba??. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

GEIST : Tale of BronzeswordsmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon