BEGIN
"ang tagal ni taehyung.." inis na may halong kabang wika ni jin hyung.
"oh wala pa si v?"
Tinignan nya ng masama si suga hyung.
"EH KUNDI BA NAMAN KAYO MGA YOKAI! EH DI SANA PINASAMAHAN KO SA INYO SI TAEHYUNG KASI GABI NA! MARAMI PA NAMANG MGA GAGO NGAYON! MGA BWISIT! EH PANU KUNG MAY NANGYARI NA KAY TAEHYUNG? HA? HA? MGA EPAL KAYO! KAKAININ NYO DIN NAMAN ANG BIBILHIN NYA AH!"
"hyung ang dami ng sinabi?" angal ni jimin hyung "andyan lang yan si v baka nasarapan lang sa kwentuhan nila ng poste" sabay upo sa tabi ko at inagaw ang manga ko.
Napahinga ng malalim si jin hyung pati narin sila suga hyung.
"di sumasagot si v" nagaalalang sabi ni hobi hyung. Lumabas kasi sya para hanapin si v hyung pagkalipas ng isang oras nitong wala.
"ayan na nga ba?" problemadong napaupo si hyung at napasapo sa mukha "dapat di ko na pinaalis yun eh"
Ako naman, wala lang di nga ako kinakabahan eh.
Haha sanay na akong di nun sinasagot ang tawag ko eh.
"hyung baka nantitrip lang yun! Tss. Naalala mo nung di nya sinasagot ang mga tawag ko?"
"jungkook, iba to... Masama na talaga ang kutob ko" nagaalalang wika ni hyung
"ako din" bulong ni jimin hyung saka tiniklop ang manga at tumayo "di ugali ni taehyung ang umuwi ng ganito, mag-aalas dose na oh."
Tama sya, pati tuloy ako kinakabahan.
"eh anung gagawin natin?" tanung ko "di naman kasi pwedeng nagaalala tayo pero wala tayong ginagawa"
Tumingin silang lahat.
"tama si jungkook" namjoon hyung
"sige, lahat tayo maghanap kay v, kung sinong unang makahanap tawagan ang iba ok?"
Tumango kaming lahat bilang pagsanggayon sa plano ni suga hyung.
Nakapagdesisyon kaming lumakad na para mahanap agad si hyung..
Pero...
Si hobi hyung ayaw sumuko sa pagtawag nya, at bakas na talaga ang takot at pagaalala
"ayaw padin sagutin-yoboseyo? Ha? Saan? Sht! Geh, salamat pupunta kami jan"
Binababa na nya ang tawag saka tumingin samin na parang maiiyak.
"hyung.."
"si V daw nasa hospital, comatose"
Nanlaki ang mga mata namin, saka nagsipagsakayan sa kotse at nagtungo sa hospital
~HOSPITAL~
Nagsipagtakbuhan kaming lahat sa front desk.
"miss, may na-admit bang kim taehyung dito?" tanung ni jin hyung
At yung babae O.O
"oh my-oh my gosh! Di ba, BTS kayo! Aiii! Ang g-gwapo nyo talaga! Grabe fan nyo ako!"
Nagfangirling pa! Paulit ulit niyang sinabi kung gaano nya kami ka-idol, o-kay matagal na naming alam yan.
"ah miss pasensya na ah pero kailangan talaga naming malaman ang rm number ni..." di matuloy tuloy ni hyung ang sasabihin nya kasi nagtitilian sila at nagpipicture.
Ang sasaya nila kami! Hindi!
"EXCUSE ME!" sigaw nung babae sa kinalampag yung front desk pati kami nagulat "YUNG KAIBIGAN NAMIN NA DINALA DITO KANI-KANINA LANG, AT ANG KAIBIGAN NG MGA IDOLS NYO! COMATOSE! KAYA PWEDE BA? SAAN ANG MGA KWARTO NILA?!"