STIGMA
Kanina pa ako nakatingin sa salamin.
Di na talaga ako ito.
Tinaasan ako ng kilay ng katawan ko.
"umiiyak ka?" pinahid nya ang luha "subukan mo, at papatayin ko sya"
"wag parang awa mo na"
"edi makisama ka!" sinuntok nya ang salamin "akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo kanina? Ha?!" sinuntok nya uli ang salamin "HINDI!?"
"pero di ako ang gumawa nun-"
"EH SINU HA? HA?"
"malay ko! Di talaga ako yun!"
"SUBUKAN MO ULING TUMALIWAS SA PLANO KO! PAPATAYIN KO KAYO NG MGA KAIBIGAN MO!"
"huwag..."
"TAEHYUNG!?"
Sinu naman kaya to'ng pakielamerang to
Binuksan ko ang pinto.
"oh ikaw pala, duwag"
"akin na sila jungkook at jimin-"
"AKIN NA SILA!"
"di sila kailanman magiging iyo!"
"don't dare me!"
Tapos tinutulak nya ako papasok para makadaan sya.
Tinignan nya ako ng masama, saka sinipa ang ari ng mortal na to.
"ARAY! BWISIT KANG BABAE KA!"
Bigla nya akong tinulak papasok, dahil nga namimilipit ako ay nakapasok sya.
"JUNGKOOK!? JIMIN!?"
"kahit anung gising ang gawin mo sa mga yan. Wala ka nang magagawa"
Tinignan nya si jungkook sa mga mata, at sinampal ng MALAKAS!?
"ARAY!" reklamo ni jungkook
"oh ha? Nagising!" pagmamayabang nya "gisingin natin si jimin!"
"s-sige" gaya ng ginawa nya kay jungkook ay nagising din si jimin.
"tapos na v, padaanin mo kami"
"hindi! Ayaw! Dito lang sila!"
"SABI NANG TAPOS NA!"
"MALI KA! KASI NAGUUMPISA PALANG AKO!"
"tama na! Paalisin mo sila!"
"WAG KANG MAKIALAM MORTAL!?"
"hindi mga kaibigan ko sila! Kaya tama na!"
"ALAM MONG KAHIT MAKALABAS SILA DITO AY DI PARIN SILA MAKAKAWALA SA AKIN!"
"edi hayaan mo sila!"
Wala talagang kwenta tong nilalang na to! Puro katangahan at kamang mangan!
Kumilos ang kamay ko at binuksan ang pinto.
"umalis na kayo at mag ingat!"
"ARGH MORTAL!?!"
Nakalabas na yung tatlo.
"IMBIS NA INIIPON MO ANG ENERHIYA MO PARA MANATILI KA! DI GINAGAMIT MO TO SA MGA KATARATADUHAN MO!"
3rd person's POV
Biglang bumagsak ang katawan ni taehyung sa kama.
Para lang syang nakahiga sa kama, pero nakabukas ang mga mata at bibig, dinig din ang mga daing nya at impit na ungol nya, ang pagkapit nya ng mahigpit sa kumot at ang pagiyak nya ng dugo, pagdaloy ng dugo sa bunganga, at pagdaloy ng dugo sa taenga.