LIE

2 0 0
                                    

  LIE

Natahimik sila jiah at jin.

Ngumiti si sab ng malungkot.

"alam nyo ba nung natutulog ako? Napanaginipan ko ang isang anghel." nakangiting kwento nito.

Napatingin naman yung dalawa.

"sabi nya, magsisimula na naman daw ang labanan ng dalawang makapangyarihang kaharian." walang nagsasalita kaya nagpatuloy sya "hahatulan daw ang lahat ng kumampi sa masama, at ililigtas ang kumampi sa mabuti. Ganun ang orihinal na plano, pero di daw ganun ang mangyayari.."

Napakagat siya ng labi at naluluhang tumingin sa dalawa.

"gumamit ng istrumento ang masasama at si... Taehyung yun" nanlaki ang mga mata nung dalawa "ang sabi ng anghel, habang dumadami ang napapatay nya ay lalong lumiliit ang tsansa nyang makabalik.. Kukunin daw nya ako, kasi gagawin nya akong reyna" napatawa sya ng mahina "pero ayaw ko.."

"anung gagawin natin para di matuloy?"

"gaya daw ng pinapaalala ng Dyos sa kaluluwa ni taehyung, manampalataya, manalig, at magtiwala."

"pero sab-"

"walang pero-pero, dadanak daw ang dugo sa oras na makumpleto"

  "ang alin?" tanung ni jin

"si V" tumitig sya sa kanila "sabi ng anghel, malakas daw ang gumagamit sa katawan ni taehyung, pero kaya nating matalo"

"paano?"

Tinignan nya ang mga mata ni jin, "kapag mabawi natin si taehyun."

"babawiin natin sya? Paano?"

"sa tulong ng Dyos," kinuha nya rosaryong suot nya "hyung.." lumapit si jin "para sayo to, ingatan mo. At iingatan ka din nya" ngumiti sya "ang thread, daw na yan ay parang true friendship kailan man di mapuputol"

"salamat.."

"wala yun, magdasal ka ah. Pati ang mga kaibigan mo, idamay mo." paalala nito

  Tumango si jin at ngumiti..

"ay sya nga pala. Gutom na ako" reklamo ni sab.

"haha ito"

Habang kumakain sila..

"papuntahin mo sila, at padala nadin ang mga libro ko" agad namang tumalima si jiah at tumawag kay kate

  ~THE NEXT DAY IN BTS' DORM~

"what the hell guys?" tanung ni jin

"kamusta si sab?" taehyung

Medyo nahimasmasan na ang lima at lahat ay di makapaniwala sa nalaman.

"talaga bang ginawa namin yung hyung?" tanung ni jimin.

"sht. This is not happening to us" nanlulumong wika ni namjoon

"sige, ayan ang paniwalaan mo namjoon" naupo si jin at binuksan ang tv.

'FLASH REPORT:
10 YOUNG ADULTS ARE FOUND BRUTALLY KILLED BEHIND A BAR.'

Nanlalaki ang mga mata ni jin na tumingin sa mga kaibigan, na kasalukuyan palang nakatingin sa kanya.

Nag ilingan silang lahat, pero...

"oo, tama ka jin. Kami ang gumawa nyan! Bakit isusuplong mo kami? Ha? Sige! Sige! Magsumbong ka!?" galit na sigaw ni v

Nanlaki lalo ang mga mata ng mga kaibigan nila at lahat sila ay parang naubusan ng lakas.

Naiiling na umiyak si jungkook, habang nanginginig na pinagmasdan si jimin ang mga kamay nya.

"HINDI! HINDI KAMI MAMATAY TAO!? KASALANAN MO TO!!" galit na galit na nagwala si jhope at sinugod si V "IKAW! DEMONYO KANG GAGO KA!? KASALANAN MO   TO!?" nanlulumong napaluhod si jhope at umiyak "di kami mamatay tao..."

VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon