chapter two

13 0 0
                                    


2 years ago

Her pov

*tingin sa relo....ahh 5 min. na lang*

Nagmamadali siya upang maabutan pa niya ang klase niya. Baka mapagsarhan siya ng gate. Unang araw pa na naman ng klase nila, malalate agad siya. Bad record agad kung saka sakali. Nakita niya ang guard na unti unting sinasara ang gate.

"Kuya Bert sandali."malakas niyang sigaw upang marinig siya ng guard ng school nila. Sunod sunod na hingal ang ibinuga niya dahil sa patakbo niyang ginawa, makaabot lang sa hindi pagsara ng gate.

Sa wakas umabot din siya.

"Salamat kuya. Buti na lang kayo ang naka assign ngayon." pasasalamat niya sa gwardiyang nakaharap sa kanya. Nakita niya rin kasi kanina kung paano huminto sandali ang guard upang hintayin siyang makapasok.
"Good morning miss Velasques, "nakangiting pagbati ng guard sa kanya. Ginantihan niya din ng ngiti ang guard ng school nila.

Oo nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala. I am Harona Lee Velasques, 16 years old, half japanese and filipino. 2nd year high school.
*nbsb*.
Maraming nagsasabi, maganda daw ako. Yon ang sabi nila.. Well para sa akin average lang ang beauty ko.. Heheh.. Humble ako eh. Okey yan na  lang  muna sa ngayon...

"Morning po kuya Bert, pero di ba sabi ko po Harona na lang po ang itawag niyo sa akin, masyado po kasing pormal pakinggan ang Miss Velasques eh.." pagpapaalala niya sa gwardiyang naging kaibigan na niya. Napakamot na  lang sa ulo ang lalaki.

"Oo nga po pala, nakalimutan ko, sige sa susunod yon na talaga ang itatawag ko sayo, pero sa ngayon pumasok ka na klase mo, baka tuluyan ka nang malate kung makikipag sagutan ka pa sa akin dito." pagpapaalala naman sa kanya nito.

"O nga pala, salamat ulit kuya." pamamaalam niya pa habang tinutungo ang magiging bagong silid nila sa loob ng isang taon. Dahil sa hindi niya pagtingon sa dinadaanan niya, *boooggsss*.

Nabunggo siya sa isang katawan, napa upo siya sa lakas ng impact ng tumama siya dito.

"Awww, ang sakit... ,"sabay himas sa puwetan.

"Are you okey," narinig niyang boses  mula sa isang lalaki. Lalaki pala ang nabunggo niya. Aba' t may gana pang magtanong ang taong to kung okey lang siya, sino kayang magiging okey kung lumagapak sa semento ang puwetan mo. Kutusan ko to eh.. Sa isip isip niya. Hindi pa rin niya ito binibigyang pansin. Nakita na lang niya ang kamay nito na sa harapan niya. Mukhang inaalok siya nitong kunin ang kamay nito upang tulungan siyang makatayo.
"Hindi na kai...." nabitin ang sasabihin niya ng tingalain ito at makita ang itsura ng taong nakabangga niya. Napatitig siya dito. Nakita niyang bumubuka ang mga labi nito pero hindi niya marinig ang sinasabi nito. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Ito ba ang tinatawag nilang love at first sight.

*holy cow, carabao*

"Hey,  " untag sa kanya ng lalaki.

*shucks*......hala napatulala siya, ikaw ba naman makakita ng isang gwapong nilalang, hindi ka kaya matulaley.

"T-thank you," bakit siya nauutal, shemay.sabay tanggap ng kamay nito...naku Harona umayos ka nga, huwag kang parang temang, nakakita ka lang ng anghel na bumaba sa langit nagkakaganyan ka na, saway niya sa sarili.

"You sure,  you're okey," muling tanong nito.  Tumango siya bilang tugon. Bakit ba hindi siya makasagot.

"So-...."naputol na naman ang sasabihin niya, when she heard the bell....(*ting  .. ting....* )  oh my gulay.

"Sorry ulit.."nagmamadali na niyang sambit sabay iwan sa lalaking nakabangga  niya. Pero bago tuluyang makalayo narinig pa niya ang huling sinabi nito.

"cute"

sa loob ng classroom

Nakaupo na ako ngayon sa upuan na pinili ko malapit sa bintana, mabuti na lang wala pa ang bago naming adviser. Hindi agad siya dumating. Nang dumating siya, nagpakilala lang kami ulit. Wala pa kaming ginawa. Kasi kakastart palang naman ng klase. Salamat talaga.(^-^)... Muntik na talaga. Ayoko pa naman magkaroon ng bad record, siyempre good girl ako eh...

Lumabas ang adviser namin at pumunta sa faculty, may kailangan daw siyang gawin, binilinan na lang niya kami na huwag lalabas ng room, hanggan't hindi pa oras ng breaktime. Kaya heto ako, nakaupo lang. Ang iba ko na mang kaklase kanya kanyang ginagawa, may nagbabasa, natutulog at siyempre may mga nagkukwentuhan.

"Alam  niyo ba may nakita akong cute kanina," classmate #1
"Talaga san mo nakita," classmate #2

Naririnig niyang usapan ng mga kaklase niya. CUTE... Bigla niyang naalala ang lalaking nakabangga niya sa hallway. Tama naman siya ng dinig di ba. Para sa akin ba yon. Ako cute...naku hindi siguro.. Tama mali lang ako ng dinig... Naalala din niya ang mukha nito. Matangos na ilong. Chinito eyes at mahahabang pilik mata. At ang  bilugan niyang mukha...pati ang pinkish nitong labi. Cute.hala bakit namemorize ko na agad ang mukha niya. Siya kaya ang tinutukoy ng mga kaklase ko. Hindi man lang ako nakapag sorry ng maayos. Pasaway ka kasi eh..bat ba kasi hindi ako tumitingin sa daan. Pagkatapos hindi pa ako nakasagot ng maayos sa mga tinatanong niya. Ano na lang kaya ang iisipin ng lalaking yon tungkol sa akin. Nang maalala niya lahat ng mga nangyari kanina.

"Nakakahiya," mahinang sambit niya.

"Anong nakakahiya?"

"Ay cute," gulat na sambit ko. "Ano ka ba, huwag ka ngang nanggugulat, kung may sakit ako sa puso baka inatake na ako ngayon. Para kang kabute. Bigla bigla ka na lang sumusulpot," baling niya sa taong gumulat sa kanya.

"Sensya na, ikaw kasi parang ang lalim ng inisip mo, kanina pa ako dito pero hindi mo man lang ako napapansin," litanya nito. Kanina pa siya dito. Bakit hindi ko napansin.

"Kanina ka pa diyan, anong oras na ba, at bakit nandito ka," tanong ko

"Hindi nga best,  kanina pa tumunog ung bell para sa break time pero hindi mo rin napansin, wow as in wow. Nakakapanibago naman ilang buwan lang tayong nagbakasyon may nagbago na agad sayo, huwag mong sabihing hindi ka na rin mahilig kumain ngayon, kaya pati break time hindi mo napansin, " hindi makapaniwalang sambit nito. Tama mahilig talaga akong kumain, pero hindi ako tumataba, kaya hindi ko kailangan mag diet na katulad niya at ng iba. Dahil sa paalala niya bigla tuloy akong nagutom. Tumayo ako.

"Tara na nga sa canteen best, kung ano anu pa yang sinasabi mo diyan, nagugutom na ko,"akay ko sa kanya. Tama kayo she is my best friend. Sandra Alvares. Same age as me. 2nd year na rin siya pero nasa ikalawang seksiyon. Kasi ako kung hidi ko pa nasasabi, nasa first section ako. May ibubuga din naman kasi ako eh.

Habang naglalakad kami, sinabi niya sa akin ang lahat ng ginawa niya sa  bakasyon. Meron din siyang sinabi na may crush na siya. Nakita na raw niya ang destiny niya. Tinanong ko kung sino ang crush niya pero hindi niya sinabi sa akin. Kaya naman hindi ko na siya kinulit.
 
Dumiretso kami sa canteen at bumili ng aming snack.. Humanap kami ng mauupuan at nagsimulang kumain. Tinanong din niya ako kung meron na rin ba akong crush. Nabilaukan ako bigla nang tinanong niya yon sa akin. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang lalaki kanina. Bakit, mukha niya ang naisip ko..

"Ayos ka lang ba," concern niya. Uminom ako kaagad ng tubig. Napaangat siya ng tingin, biglang nagbago ang ekspresyon niya, gulat ba o hiya pero bigla siyang ngumiti , hindi ko mabasa dahil sa napako ang tingin ng bestfriend ko sa likuran ko. Mukhang may tao sa likuran ko, at hindi ko alam kung sino siya at ganun na lang ang naging reaksyon ng kasama ko. Hindi ko pa naiinom ang lahat ng tubig nang magsalita ang taong nasa likuran ko..

"I found you, atlast."......






the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon