chapter three

14 0 0
                                    


Harona pov

"I found you, atlast," boses ng lalaking nasa likuran.

Tama kayo lalaki nga ang nagsalita. Bakit parang pamilyar ang boses niya. Saan ko nga ba narinig ang ganitong boses. May hinahanap siya at ngayon nakita na niya? Sino?  Ako ba o si best.

Si best siguro, hindi naman niya kasi ako nakikita eh, haler nakatalikod kaya ako. Pero si best nakatulala pa rin, ano ba kasing itsura nang lalaking to at kung makareact si best wagas. Well wala akong pakialam kasi nagugutom ako. Ayoko kasing naiistorbo sa pagkain. Kaya naman hindi ako nag aabalang humarap sa taong nasa likod ko. Itinuloy ko na lang ulit ang pagkain ko. Pero napansin kong medyo naging maingay dito sa canteen.

"Siya yong bago di ba." S1
"Oo siya nga yon."  S2
"Ang pogi niya pala sa malapitan." S3

Naririnig ko mula sa katabi naming mesa. Ano ba yan hindi ba nila alam na naririnig din sila ng iba.

"Hoy, best, " sambit ni best. Mukhang nagising na ang lola niyo sa pagkatulala.

"Bakit?"  nagtatakang tanong ko. Pano ba naman may tinuturo siya sa itaas ng ulo ko. Ano ba naman kasing meron sa ulo ko. Tiningala ko ang ulo ko, pero wala naman akong nakita.

"Tumingin ka kasi sa likuran mo para makita mo siya." utos nito sa akin.

Tumayo ako at ginawa ang sinabi niya, at nakita ko ang taong hindi ko inaasahang nasa harapan ko ngayon. Kaya pala pamilyar ang boses niya....(0_0)...natulala ako.

Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti mula sa labi ng lalaki.

Ang cute (makalaglag laway)....

Teka anong ginagawa niya dito.

" Hi, nice to see you again, " bati nito sa akin habang nakapaskil pa rin ang ngiti nito.

"He- hello, " nauutal kong tugon. Shit hanggang ngayon ba naman, nauutal pa rin ako dahil sa kanya. Bakit ganito pakiramdam ko tumitigil  ang oras dahil sa kanya. Ganito ba talaga kalakas ang karisma na isang to dahil pati ako napapatulala na lang....

Umaayos ka nga Harona. Huwag kang masyadong magpahalata na tinatamaan ka rin, baka kung ano pang isipin nito. Magsasalita na sana ako nang may marinig ako.

"Hello  Patrick," boses ni Sandra. Patrick pala ang name niya. Nice. Bagay sa kanya. Teka magkakilala sila? Napalingon na lang ako bigla. Si Sandra pala talaga ang hinahanap niya. Akala ko pa naman ako na. Asyumera ka kasi masyado harona eh, yan tuloy, nalost ang beauty mo sabi ko sa isip ko.

"You are?" Nagtatanong na si Patrick

"Sandra, one of your classmate." sabay abot ng kamay. Tinanggap naman iyon ni Patrick.

"Nice meeting you Sandra, and you are?" baling nito sa akin.

"Harona."sagot ko.

"Harona."ulit nito sa pangalan ko. "Pretty name, just like you." dugtong pa nito.

Ano daw. Nabingi na yata ako. Tama ba ang pagkakarinig ko. Maayos naman ang pagkakarinig ko di ba. Nagpapatawa ba siya. Bakit ba siya ganito. Hindi kaya... Hindi imposible yon. Kakikilala lang namin sa isa't isa. Huwag kang asyumera. Pero nakakakilig. Ngayon lang may nagsabi sa akin ng ganito, at ang lalaking ito pa.

"Hmmm....Tititigan mo na lang ba siya, wala ka man lang bang sasabihin."rinig kong sambit ni sandra. Baki parang  naiinis siya. Kanino?  Pero ganon ba ako ka obvious.

"Thank you," nahihiya kong sagot.

"By the way, nandito nga pala ako para ibalik to sa yo, nahulog mo kanina, hahabulin sana kita kaya lang ang bilis mong nawala,"sabi pa nito. Ibig sabihin ako nga ang hinahanap niya. Napatingin alo sa hawak niyang panyo. Nag abala pa talaga siyang hanapin ako para lang isuli sa akin ang panyo ko. Ang bait naman niya. Tinanggap ko ang panyo ko. May dala pala ako, akala ko nakalimutan ko ulit na.magdala.

"Salamat..., pasensya ka na rin kanina, nagmamadali kasi ako eh. Hindi kasi ako tumitingin sa daan. Sorry talaga ha."

"Ayos lang yon, kung kasing ganda mo rin ang makakabunggo ko eh."nakangiti nitong sagot.

Heto na naman siya. Napaka straightforward naman ng isang to. Konti na lang talaga iisipin ko, crush din ako nito. Pero huwag kang bibigay agad,  sigurado akong hindi lang ako ang mga nasabihan niya ng mga ganyang kataga. Sa itsura ba naman nito. Naku, ilan na kaya ang nabola ng isang to.

"Basketball player ka ba?"tanong ko na siya namang ikinataka niya. Halatang naguluhan siya sa sinabi ko.

"How did you know?"

May pagka slow din pala to. Pero basketball player pala talaga siya. Ang galing ko naman. Kaya pala. Ano nang sasabihin ko, hindi pala umuobra ang mga pick up lines sa isang to.

"Ano hula ko lang. Hehehe, matangkad ka kasi."nahiya tuloy ako. Kasi naman eh. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

pffftttt....

Narinig kong may nagpipigil  sa pagtawa. Tiningnan ko ang katabi ko, siya nga. Bakit siya tumatawa. Hindi kaya...

"You're funny" sabay gulo sa buhok ko. Aba't ginulo pa ang buhok ko...sinamaan ko siya ng tingin, kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya. Ibig sabihin,....."yeah, alam ko yon, pero hindi ako bolero,  nagsasabi ako ng totoo.,"dugtong pa niya. Ibig sabihin...alam niya yon... Nakakainis ang isang ito ah. . Kaasar... Pinagkatuwaan niya ako, gayong hindi naman kami close. Napaka FC pala ng isang to eh.. Hindi porke pogi ka pwede na niya akong pagtawanan. Tapos sabihan ka pa ng funny, ako nakakatawa. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na mabait siya. Isa siyang...

"Hhmmm," nabaling ang tingin ko sa nagkunwaring umubo.

Shucks nakalimutan ko na, nasa canteen nga pala kami. Bakit hindi ko napansin. Ngayon ko lang napansin tumatawa na rin yong iba... Nakakahiya..... Umupo na lang ako. Hala nawala talaga sa isip ko, ang dami kong nagagawa nang dahil sa lalaking to ah.

"Mukhang nakalimutan niyo na nga na nandito pa kayo sa canteen..." dugtong pa.nito.

"Pasensya na," nahihiyang sambit ko.

"Sorry," sambit din ni Patrick, pati rin pala siya."I have to go, nandito lang talaga ako para isuli ang panyo mo. Sorry din, kasi biniro agad kita. Gusto talaga kasi kitang makilala eh,"sabay tingin sa akin...."Nice meeting you again Sandra and Harona..see you around.." sabay talikod niya at tuluyan na siyang umalos ng canteen.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Nakakainis,"

Nabaling ang tingin ko kay Sandra.

"Anong sabi mo, paki ulit mo nga, hindi ko masyadong narinig eh.." tanong ko

"Ha... Ang sabi ko mukhang may bago ka na namang admirer ..,at sa tingin ko, mukhang  may gusto ka rin sa kanya.." sagot nito. Yon ba talaga yong sinabi niya. Bakit parang hindi.

Teka ako may gusto sa lalaking yon.
 
"Ako may gusto,. Paano mo naman nasabi yan,aber."

"Best friend mo kaya ako. Kaya alam ko kung interesado ka sa isang bagay. Kilalang kilala kaya kita."paninigurado pa niya.

"Wala akong gusto sa lalaking yon, yon ang totoo." Sagot ko naman.

"Talaga lang ha.."

Lumipas pa ang ilang minuto, tumunog na ang bell. Agad kaming nagsibalikan sa kanya kanya naming room. Nagsimula na ulit ang klase namin.....











the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon