chapter six

15 0 0
                                    


Harona pov

I like you Harona......

I like you Harona.....

I like you Harona......

Paulit ulit kong naririnig ang mga salitang yon sa isip ko...

He like me..

Pero wala akong nagawa kundi ang titigin lang siya habang sinasabi yon. Wala akong nasagot... Masyadong mabilis ang pangyayari... Tama ba yong ginawa ko...

flashback

"I like you Harona....

nakatunganga lang ako...
tama ba ako ng dinig..
hindi naman ako nabibingi...

He like me.

"Alam kong masyadong mabilis,pero seryoso ako sa sinabi ko. Ayokong maunahan ng iba. Totoo nga yata ang sinasabi nilang love at first sight, alam kong medyo corny but this is my true feelings about you....hindi ako naniniwala sa kasabihang yon, pero nang makita kita, pakiramdam ko tumigil ang oras. At sigurado ako na tama ang gagawin ko.."mahabang paliwanag nito. 

Wala akong masabi. Nakatingin lang siya sa akin. Hinihintay ba niya ang sasabihin ko. Ano bang dapat kong isagot sa tanong niya.    Anong dapat kong gawin. Seryoso ba talaga siya.

"An-..."

"Hindi mo kailangan sumagot,"putol nito sa sasabihin ko.

"Gusto ko lang malaman mo na gusto kitang ligawan, at wala akong paki alam kung pumayag ka man o hindi. Liligawan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo, Harona.

Kasabay nun ang pagtunog ng bell. Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan  ang paglabas  niya sa cafeteria.

Nananaginip ba ako...

end of flashback

...............

Harona pov

Totoo ba talaga yon. Hindi kaya...!

"Ahhhhh".....(sigaw ko)

"Ehhhheeem"... (Fake cough).."Mukhang nakakalimutan mo yatang nasa loob ka pa ng klase ko miss Velasques..." rinig kong sabi ni maam, na nasa harapan ko na ngayon. Shit nakalimutan ko...

"Sorry po maam." Nakatungong sagot ko, narinig ko rin ang tawanan ng iba kong kaklase. Nakakahiya....

"Pay attention during my class miss Velasques. Ayoko sa mga teenager na dinadala ang pantasya sa loob ng klase ko. Sana hindi na maulit to."babala nito sa akin.

"Yes maam," sagot ko. Bad record na naman. Nakakainis..

Ilang minuto ang lumipas ipinagpatuloy na ni maam ang klase. Wala akong nagawa kundi ituon ang buong atensyon ko sa itinuturo niya. Ayoko nang madagdagan pa ang bad record ko kanina. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit yon.

Natapos ang klase namin nang walang nangyaring aberya. Nagtuloy tuloy lang lesson ng mga prof namin.

Ang iba hindi agad nagbigay ng mga gagawin, naka ilang beses din akong nagpakilala sa harapan ng mga kaklase ko dahil sa mga prof na gusto kaming makilala isa isa.

Meron pang isang prof na nanghingi ng request na bawat isa magpapakita ng talent namin sa unahan.

Siyempre kahit papano meron naman akong ipinakitang talent.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon